Jordan Pov
Di ko alam bat ganun ang naging reaction ko sa ginawa ni Savannah. Ang bilis mag react ng katawan ko sakanya.
Nakakahiya lang dahil mukhang nakahalata sila na tinamaan ako kay Savannah.
Napatigtig naman ako kay Gabby at nakangisi siya.
"Ganyan talaga yan. Masyadong wild" sabay tingin kay Savannah na abala sa pakikiusap kay Albie
"Narinig ko yun!" ang sabi naman ni Savannah
"Excited ka di pa nga ako tapos magsalita. Kahit wild at mapang-asar yan mabait at maasahan yan!" ang ngiting sabi ni Gabby
Tumango nalang ako.
"Baggy asan pala ang kambal mo sa uma? Himala first time yata na di kayo magkasama?" ang ngising sabi ni Savannah
"NagCr lang siya kase nagtatae siya!" ang tawang sabi ni Gabby
"Iiiiwwwww! Kadiri di pa ako nakakain ano ka ba! Kainis!" ang sabi ni Savannah
Napansin ko na wala pa si Brad. Ang tagal naman yun at malapit na ang oras para sa racket namin. Nagtxt nalang ako sa kanya pero wala pa din siya nagreply.
"Excuse me kailangan ko lang pumunta sa Cr. Albie dude saan yung CR niyo?" ang tanong ko kay Albie.
Napatingin naman sa akin si Savannah at ngumisi siya sa akin.
Nagtaas siya ng kamay "Alam ko kung saan ang CR. Let me show the direction Jordan" ang ngising sabi nito.
""Oh please Savannah stop flirting him" ang seryosong sabi ni Albie
"Ah sabihin niyo nalang kung saan" ang sabi ko
"Anong meron bat lagi kayo natatae" ang sabat naman ni Gabby
"My God Baggy puwede ba stop talking about that!" ang inis na sabi ni Savannah
Napatawa nalang kami ni Albie sa asaran nila Gabby at Savannah
Patayo na sana ako ng makita ko na sila Brad at Kyto na balik sa table namin.
Pansin kong tahimik lang sila sa isat isa.
"Oh My G!" ang gulat na sabi ni Savannah
Nakita kong nagulat si Brad ng makita niya si Savannah
"What happen Savannah?" ang tanong ni Albie
"Nakakita kase ako ng isa pang gwapo at yummy" ang sabi niya
Napakunot noo naman kaming lahat sa sinabi niya.
"Haaayyy naku Savannah di ka pa ba sanay sa kagwapuhan ko?" ang singit na sabi ni Kyto.
Napatingin naman kaming lahat kay Kyto na mukhang nagbalik ang kakulitan niya.
Parang mukhang may nangyari sakanila ni Brad ah?
Kilalang kilala ko tong kaibiban ko na to! Mukhang may ginawa ito kay Kyto.
"Yeah i know gwapo ka lang. I'm talking that guy beside Jordan" ang ngising sabi ni Savannah
"Do you know him?" ang tanong ni Gabby
Nagkatingin sila ni Savannah at Brad sa isa't isa. Kaya naman siniko ko si Brad para humarap sa akin.
"Magkakilala ba kayo ni Savannah?" ang bulong kong tanong sakanya
"Ah oo siya ang sinasabi ko sayo na kumuha sa atin" ang bulong na sagot ni Brad
Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko bigla nalang ako kinabahan sa sinabi niya.
Bat siya pa? Bat siya pa ang nakakuha sa amin ni Brad!? Bat kakilala pa niya si Albie? Di lang basta kakilala kundi pinsan.
"Actually kailangan ko na pala umalis dahil may bridal shower pa ako pupuntahan" ang maarteng sabi ni Savannah sabay tayo sa upuan niya at humarap sa amin para magbeso beso.
"See you guys later" ang bulong sa amin ni Savannah at umalis na ito ng tuluyan.
Habang papalapit ang oras para sa bridal shower ay parang gusto ko ng umatras pero ano pang rason kung bakit ako aatras alam na ni Savannah na kasama ko si Brad mamaya.
"Pare may problema ba?" ang tanong ni Brad
Tinignan ko siya at umiling lang ako. Kailangan ko ng lakas ng loob para makapag-perform mamaya.
Buti nalang nagdala ng isang mamahaling alak si Albie sa table namin.
"Paano ba yan inuman na simulan na ang party " ang sigaw ni Albie
Gusto ko ng umatras mamaya pero alam kong di ko magagawa iwan sa ere si Brad. Kapatid na turing ko kay Brad kaya walang iwanan.
"Pareng Albie kailangan na natin umalis dahil malapit na mag 9pm kailangan din natin maghanda at magpractice ng routine para sa show." ang bulong sa akin ni Brad
Tumango ako sakanya at pinuntahan si Albie sa upuan niya.
"Dude we have to go" ang sabi ko kay ALbie
"Huh? ang aga pa di pa nga natin nasisimulan to" ang turo sa isang bote ng alak "May lakad ba kayo" ang tanong niya
Napansin yata ng iba na aalis na kami.
"Jordan dude maya na kayo umalis" ang sabi ni Gabby
"Oo nga! Mukhang may racket kayo ah?" ang tanong ni Kyto sabay ngisi niya.
Napatingin ako sakanya pati na din kay Brad na nagtitimpi siyang suntukin si Kyto.
Bat ganun siya magsalita? May alam ba siya. Totoo kaya na may namamagitan sakanilang dalawa.
"Oo may raclet kami ngayon ni Pareng Albie bakit gusto mo ba sumama?" ang seryoso sabi ni Brad
"Hey what do you mean racket? May catering ba kayo ngayon?" ang tanong ni Albie
"a- ah o-oo meron di ko nasabi sayo kanina" ang sabi ko kay Albie
"Wait di ko pa kayo napapakilala kay Daddy. Asan na ba yun?" ang inis na sabi ni Albie
"Maybe next time Dude marami pa naman pagkakataon na ipakilala mo kami. Baka kase busy siya sa pakikipagusap sa mga kaibigan niya. Tsaka oras na din baka mapagalitan pa kami ng manager namin" ang mahabang sabi ko sakanya.
"Sige una kami Pareng Albie salamat sa pagkain na kahit konti lang nakain ko hahaha!" ang sabi ni Brad sabay apir kay Albie at tumingin naman siya kina Gabby at Kyto "Paano mga pare una na kami ah!" ang sabi ni Brad
"Wag bata pa kayo hahhaha!" ang tawang sabi ni Gabby
"Katok ka nga Gabby? Puro ka kalokohan" ang natatawang sabi ko sakanya
Tumango nalang si Kyto sa sinabi ni Brad.
"Teka hatid ko na pala kayo! Para mabilis kayo makarating sa pupuntahan niyo" ang biglang sabi ni Albie
"Wag nalang Dude. Nasa labas na kasi yubg sundo namin. Kaya wag kana mag abala" ang ngiting sabi ko sakanya.
"Ganun ba? Sige hatid ko na kayo sa labas"
Ang kulit naman nitong si Albie. Wala naman talagang susundo sa amin ni Brad. Maglalakad lang kami. Sabi ni Brad sa akin ay malapit lang daw ang binigay na address ni Savannah.
"Naku wag na pareng Albie. Ituloy niyo nalang yang inuman niyo. Sige na alis na kami! Paalam" ang nagmamadaling sabi ni Brad. Hinila pa niya ako.
________________________________
"Brad saan ba ang venue ng Bridal Shower na yan?" ang tanong ko sakanya nandito kami sa may gate ng subdivision naglakad pa talaga kami hanggang dito medyo malayo layo sa bahay ni Albie. At gusto pa ni ALbie na ihatid pa kami sa kuno na catering namin. Buti nalang di na nagpumilit na ihatid kami.
"Nagtxt na si Savannah na papunta na sila dito susunduin na tayo" ang sabi ni Brad
"Brad bat di mo agad sinabi na si Savannah pala ang contact mo?"
"Bakit pare anong problema kung si Savannah ang contact ko?" ang tanong ni Brad
"Pare pinsan yun ni Albie alam mo naman na ayaw ko may mga nagiging guest ako na related sa school lalo na kay Ablie"
"Di ko naman alam na pinsan yun ni Albie ah! Bakit kapag ba may lalapit na guest sa akin dapat ba tatanungin ko sila na kung related sila kay Albie Lopez o sa school mo?" ang inis na sabi ni Brad
Napabuntong hininga nalang ako. Ayoko ng sabayan ang inis niya. Baka ano pa mangyari sa amin dalawa.
"Sorry na. Ayoko na mainis ka sa akin o magalit alam mo naman yun pare"
"Puro nalang kase si Albie. Pare alam mo sa simulat sapul kung ano ang pinasukan mong trabaho." ang inis na sabi ni Brad
Natahimik ako sa sinabi niya sa akin.
Oo! Alam na alam ko ang trabahong pinasukan ko. Sino ba naman di makakakilala sa ganitong trabaho. Siguro heto ang pinakasikat na trabaho sa buong mundo. At walang makakapantay dito. Isang gabi puwede kang kumita ng libo libong pera. Ang gagawin mo lang paligayahin mo lang ang guest mo. Yun lang naman eh.
Yun lang naman magiging marumi ka daig mo pa ang basura. Kapag tapos na sila sayo para kang basura na itatapon sa tabi. Kapag kailangan ka naman nila para ka naman basura na e rerecycle.
"Pare sorry na di na mauulit" ang sabi ko nalang kay Brad
Tumango lang siya at may nakita kaming pulang kotse na paparating baka si Savannah na yun.
"Boys sakay na!" ang masayang sabi ni Savannah
At sumakay na kami sa loob ng pulang kotse. Sa likod kami sumakay dahil may kasama pala kaibigan si Savannah na nakaupo sa harapan.
"So...... revelation pala ngayon gabi? Anyway Chloe meet Jordan and Brad sila ang kinuha ko para mamaya sa bridal shower ni Frieze Sophia." ang pagpapakilala ni Savannah sa amin.
"Wow so hot and so yummy pala ang kinuha mo. Kala ko kase yung mga mukhang alam mo na" ang sabi naman ni Chloe
"Duh! Alam mo naman ang taste ko Chloe high standard. And guest what kaibigan ni Albie ang mga yan" ang tawang sabi ni Savannah
"Oh my God! Really kainis si Albie may kaibigan pala siya na ganitong kagwapo at ka hunk at hot di man lang ako pinapakilala." ang tamppong sabi ni Chloe na hanggang ngayon ay nakatingin sa amin na parang pinapantasyahan kaming dalawa ni Brad.
"Oh please Chloe stop being childish. Pati ako nga nagulat ako. So kayong dalawa kailan pa kayo naging kaibigan ni ALbie?" ang sabi ni Savannah na tumingin sa salamin sa kotse para matignan kami.
"Di ko expect na may kaibigan si Albie na ganyang trabaho. No offens boys pero alam mo na!" Ang arteng sabi ni Chloe
Mapanghusga naman pala tong babaing to. Kala mo malinis? Humanda siya sa akin mamaya.
Nakakainis naman tong tao na to!
"Chloe!!! Wala naman masama sa trabaho nila. At di sila masamang tao. Kaysa naman magnakaw sila diba?" Ang ngiting sabi ni Savannah
Buti pa tong si Savannah napaka open minded na tao.
"So paano pala kayo nagkakilala ni Albie?"
"1st year college pa kami nagkakilala ni Albie at doon naging magkaibigan kami" ang sabi ko sakanya
"Really?? Meaning 3 years na kayo magkaibigan bat ngayon ko lang kayo nakita?" ang sabi naman ni Savannah at tumango naman si Chloe.
"Di ko alam ngayon lang kami sinama ni Albie sa bahay nila." ang sabi ko naman
Di ko alam bat ngayon lang kami sinama ni Albie sa bahay nila. Di naman sa nagtatampo pero basta ewan di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Ang mahalaga ngayon ay ang magiging performance namin ni Brad mamaya sa Bridal Shower. Alam kong inis pa sa akin si Brad hanggang ngayon.
Sa inasta ko kanina.
Natatakot lang kasi ako na baka kumalat sa university ang trabaho ko. Ang bilis pa naman kumalat ang mga chismis sa panahon ngayon.