Chapter 4

1553 Words
Jordan Pov  Ako ang naunang nagising kay Albie. Nakita kong mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Lumabas na ako ng kuwarto at gising na pala si Brad at nilalantakan na niya ang pagkain na nabili namin kanina. "Kamusta ka naman dyan Pare. Gutso mo ng tubig" ang sabi ko sakanya na nagulat pa siya ng makita niya ako. "Loko ka ginulat mo ko kala ko multo na! Kuha mo nga ako ng tubig" ang utos niya sa akin Kinuha ko na siya ng tubig sa baso. At umupo ako sa tabi niya. "Di mo ba ako aalukin na kumain?"  "Wag na! alam ko naman na hihintayin mo pa magising si Albie at sabay kayo kakain."  Natawa nalang ako sakanya. Lagi ganyan siya kapag nandito si Albie kala mo nagseselos na boyfriend.  "Yan nanaman tayo eh! Masyado kang madrama sa katawan. Nga pala saan pala yung sinasabi mo?" "Sa Greenfield Subdivision " Sa pagkakaalam ko doon din nakatira si Albie. "Doon nakatira si Albie" "Bakit sakanya ba lahat ang GreenField?" "Pare naman bat ganyan ka naman magsalita. Diba pinag-usapan na natin ito." "Hahahaha! Binibiro lang kita." "Alam kong tampo ka sa akin. Sige babawi ako sayo." ang ngising sabi ko sakanya Ngumisi lang siya sabay tayo at hinugasan na niya ang pinagkainan niya.  "Sinasama ka pala ni Albie sa Birthday ng Daddy niya mamayang 6pm" Napalingon siya sa akin na seryoso ang kanyang mukha. "Oh bakit ganyan ka makatingin?" "Bat di mo sinabi agad sana di ko dinamihan ang kinain ko?" Napakunot noo ako sa sinabi niya. Loko talaga itong si Brad "Pare naman siguradong maraming pagkain doon at masasarap. Di na ako makakain ng marami doon" "hahah Loko ka talaga Brad! Bakit di ba masarap yang kinain mo ngayon. Sa Ralds Box pa yan! Kala ko naman ano na ang kadramahan mo!" Naputol ang usapan namin ni Brad ng makita kong papunta si Albie sa kusina kung saan kami nandoon ni Brad. "Dude kamusta!?" ang bating sabi ni Albie kay Brad "Hey Pare ok lang sensya na nauna na akong kumain sa inyo gutom na kase ako. Pero meron pa naman dyan" sabay turo sa natirang pagkain. Tumingin naman kami ni Albie sa lamesa kung saan konti nalang ang natitirang pagkain. Nagpigil nalang ako ng tawa dahil alam kong mapipikon itong si Brad kapag natawa ako lalo na kaharap namin si Albie. "Oh?! No its ok sayo talaga yan. Busog pa kasi kami ni Jordan kumain na din kami doon sa Rald's Box. Anyway sama ka samin sa Birthday ni Daddy mamaya." Tumango lang si Brad at pinagpatuloy na niya ang paghuhugas niya. _______________________ Nakapasok na kami sa Greenfield. Unang beses akong nakapunta dito at magagara ang mga bahay dito.  Parang di na bahay ang tawag sa mga ito dahil sobrang malalaki na ito Mansion na ang tawag dito. Nakakalula ang mga Mansion dito. Tumigil kami sa gate ng isang malaking Blue Mansion. Baka ito na ang bahay ni Albie. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan walang gusto magsalita. Parang mga timang kaming dalawa ni Brad hahahah. "Mga Dudes ito ang bahay namin." ang masayang sabi ni Albie at bumaba na kami ng kotse. "Pare di na bahay ang tawag dito. Mansion na ito." ang sabi ko sakanya. "Oo nga tama si Pareng Jordan" ang sabi naman ni Brad "hahaha Bahay lang yan. Tara nga pasok na tayo sa loob sigurado kong nandoon na silang lahat." Pumasok na kami sa loob ng Mansion nila. Mas maganda ang nasa loob talagang mayaman tong si Albie. Ang gagara ng mga kagamitan. "Akyat muna tayo sa taas. Punta tayo sa kuwarto ko magbibihis lang ako." ang sabi ni Albie Sa wakas makikita ko na ang kuwarto ni Albie. Tagal ko na kaya inaasam na makita yun. "Wow Pare lahat superman theme ang kuwarto mo! Galing" ang manghang sabi ni Brad "Yan kase ang paborito kong super hero. Teka lang ligo lang muna ako. Feel at home" at pumasok na siya sa sariling CR niya. Habang hinihintay namin matapos maligo si Albie ay nilibot ko ang panigin ko sa paligid. Grabe talaga tong si Albie ang laki ng kama niya pero mas gusto pa niya sa apartment na maliit lang ang kama namin doon. Ibang iba talaga si Albie sa mga Rich Kid. Napansin ko may veranda pala sa kuwarto ni Albie at pumunta ako doon at binuksan. Sumalubong sa akin ang isang nakakahalinang kanta. Parang nasa coffee shop na kanta. Relax chill lang.  "Wow nasa garden pala ang birthday celebration ng Daddy ni Albie at mukhang konti lang ang mga bisita baka siguro family at close friends lang ang imbita nila." ang sabi ni Brad Nagtinginan kaming dalawa ni Brad at ngumisi lang kami sa isa't isa.  "Pare kahit gustusin ko man makakuha ng mga guest dito ay di puwede dahil alam kong malalapit ito kay Albie. Mahirap na baka malaman niya ang lihim natin." ang seryosong sabi ko sakanya "Pareng Jordan naman di naman tayo ang lalapit sakanila kundi sila ang lalapit. Alam kong may mga magiging guest tayo dyan. Tiwala lang" ang ngising sabi niya sa akin. "Basta mag-ingat nalang tayo" ngiting sabi ko sakanya. "Hey what do you mean mag-ingat kayo?" ang biglang sabi ni Albie na kakatapos lang maligo at nakatapis lang siya ng towel. Napatingin kami ni Brad sa kanya. "Ah wala yun. Sabi ko mag-ingat kami pauwi dahil mukhang wala yata masasakyan dito sa loob ng Greenfield sa may gate pa yata ang may sakayan." ang agad kong palusot sakanya.  "Ok kala ko ano na?  Don't worry hahatid ko naman kayo. Teka lang bihis lang ako" ang sabi ni Albie Nang matapos na magbihis si Albie ay bumaba na kami sa garden kung saan nandoon ang venue ng birthday party ng Daddy ni niya.  "Tara kain na tayo gutom na ako maya ko nalang kayo papakilala kay Daddy busy nanaman siya sa kakausap sa mga share holders sa company" ang aya sa amin ni ALbie Kumuha kami ng pagkain sa buffet table. "Brad bat konti lang kinuha mo?" ang tanong ko sakanya "Diba kumain na ako bago tayo umalis sa bahay. Maya kapag nagutom ako kukuha nalang ako ulit" ang ngising sabi ni Brad. Abala kaming kumakain at nakikipagkwentuhan ng dumating sila Kyto at Gabby. "Hey! Hey! Wazzup mga dudes!" ang masayang sabi ni Kyto Binatukan naman nito ni Gabby. "Aray!"  "Ang ingay mo naman Kyto. Tignan mo napatingin tuloy sila sa atin" "Paki ba nila." at humarap siya sa amin "Bat di niyo kami hinintay daya naman." Ang sabi ni Kyto  Napansin kong nakatingin siya kay Brad.  At ganun din si Brad nakatingin din siya kay Gabby.  Palipat lipat lang kaming tumitingin sa kanilang dalawa.  "Magkakilala ba kayo?" ang tanong naman ni Albie "H-Hindi kaya nga nakatingin ako sakanya dahil ngayon ko lang siya nakita. S-sino ba siya" ang sabi ni Kyto "Nga pala siya si Brad kaibigan namn ni Jordan. Brad sila ang dalawang lokong kaibigan ko sila Kyto at Gabby" Tumango lang si Brad at pinagpatuloy niya ang pagkain niya sila Kyto at Gabby naman ay kumuha sila ng pagkain. Napatingin ako kay Brad alam kong magkakilala sila ni Kyto dahil sa mga kilos nito kanina. Kilala ko tong kaibigan ko na to. "Pareng Albie saan Cr niyo?" ang tanong ni Brad "Loob malapit sa kitchen. Makakakita ka naman ng mga maids doon tanong mo nalang o samahan na kita?"  "Hahahah! Di na kala mo sa akin bata. Sige maiwan ko muna kayo" ang paalam sa amin ni Brad.  Tsaka naman dumating sila Kyto at Gabby. "Bat ngayon lang pala kayong dalawa?" ang tanong ni Albie "Naka convoy kaming dalawa papunta dito. Bigla nalang nasiraan tong si Gabby ayun naghanap pa kami ng talyer iniwan namin doon. Kaya bukas balik kami doon. Teka punta lang ako Cr" ang sabi ni Kyto "Ayan kase kain ng kain ng avocado hahahah!" ang sabi ni Gabby Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakita kong ilang oras nalang at aalis na kami ni Brad para sa racket namin ngayon gabi. Saan kaya banda dito ang venue ng Bridal shower na pupuntahan namin? Sa kalagtinaan ng kwentuhan namin nila Gabby at Albie ay may bigla nalang yumakap na babae kay Albie na ikinagulat niya. "Woman!!!! Please don't go that again!" ang inis na sabi ni Albie sa babae "Che! Lagi init ng ulo mo sa akin!" tumingin naman siya sa amin ni Gabby. " Hey! Baggy boy! hahaha Oh sino naman tong yummy at hot na guy na yan" tinuro pa niya talaga ako. "Its Gabby not Baggy ok!" ang inis din na sabi ni Gabby  "Ok Savannah meet Jordan my friend. Sa kanya ako tumutuloy kapag ayoko umuwi sa bahay na to!"  "Oohhhh pati ang pangalan hot din! Jordan thank you sa pagpapatuloy mo sa pinsan ko na to sa bahay mo." at lumapit siya sa akin at isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. Ang awkward lang kung yayakapin ko din siya.  Sinasadya ba niya talaga na pati ang dibdib niya ay nasa mukha ko na. Medyo natatamaan na ako sakanya. "Ehem! Savannah ok na!" ang seryosong sabi ni Gabby "Oh shut up Baggy. Masyado ka talagang green-minded. Im just hugging him right Jordan." ang ngiting sabi ni Savannah sa  akin.  "You almost rape him couz" ang inis na sabi ni Albie "Oh my God! Rape agad???? di ba puwede para paraan lang hahahah!" at bigla nalang siya umupo sa lap ko. Napamura nalang ako sa sarili ko dahil sa ginawa ni Savannah sa akin. Kapag di ako nakapgpigil dito. Dito mismo ay titirahin ko to! "Ooooohhh!!! ang bilis mo naman Jordan!" ang malandi sabi nito sa akin. At tumayo na siya at umupo siya sa tabi ni Albie Pinagpawisan ako sa ginawa ni Savannah. Pasimple ko nalang pinunasan ang pawis ko sa noo. Tsaka pasimple ko din inayos ang matigas kong alaga sa suot kong pantalon. Medyo naiipit kasi.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD