Chapter 3

1452 Words
Jordan POv Buti nalang maaga kami dumating sa Gil University. Tinanong ko si Albie kung sino ang naghatid sa kanya sa apartment ang sabi sila Kyto at Gabby daw di pa nga siya sure yung sila ang naghatid! Sa sobrang kalasingan di niya masyado matandaan. Loko talaga tong si Albie. Pagkapark ng kotse ni Albie ay agad ako nagpaalam sa kanya dahil ilang minuto nalang klase na ni Mr. Gaspar.  "Albie paano una na ako. Alam mo naman si Mr. Gaspar kapag late di kana papapasukin."  "Sige dude its ok! Kita nalang tayo sa Gym pagkatapos ng klase mo sakanya" Tumango lang ako sakanya at bumaba na ako ng kotse niya. Pagdating ko sa kuwarto kung saan nandoon ang klase ni Mr. Gaspar ay wala pa ito kaya pumunta na ako sa paborito kong pwesto sa unahang row malapit sa bintana.  Doon kase tahimik di tulad sa likod puro ingay lang maririnig mo doon. Tsaka akala kase ng estudyante kapag nasa likod ka umupo ay di ka mapapansin o matatawag ng prof. Mali kayo dyan dahil doon lagi ang tinatawag ng mga prof. dahil akala nila ang nasa unahan ay nakikinig sakanila. make sense ahhahah! Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone nagtxt pala si Brad. "Pare may racket ako mamayang gabi. Bridal Shower ang theme. Ano deal o No deal"  Napangiti naman ako sa txt nitong si Brad Deal or No Deal. Loko talaga yun daming alam. Imbes na magtxt ako ay tinawagan ko nalang siya. " Hello pare daming mong alam loko ka!"  "Pareng Jordan naman ano Deal o NO Deal?" "Syempre Deal. Teka saan mo naman pala nakuha ang offer na yan?" "May lumapit sa akin noong isang araw na babae Sofia ang pangalan. Rich Kid siya. Tinanong ako kung nagseservice ako. Sinagot ko naman siya. Ayun inooffer niya sa akin to. Noong una isa lang ang kailangan pero nagbago ang plano. Kailangan na niya ng dalawa sasayaw. Kaya naisip kita. Sino paba yayain ko kundi ikaw lang pare" "Yaan tayo pare kaya pumayag akong maging kaibigan kita eh! hahhaha! Malaki ba naman ang makukuha naten dyan?" "Syempre naman kailangan pa ako pumayag sa mga offer na pipitsugin lang. Wala pa doon yung Main Event ah!" Napangisi ako sa sinabi ni Brad. Talaga naman madiskarte tong loko na to!  At masipag! "Deal ako dyan pare! Anong oras mamayang gabi?" "9pm pare hintayin nalang kita sa apartment mo" Napailing nalang ako sakanya dahil madalas siya sa apartment kaya naman may duplicate na siya ng susi nito.  Sinabihan ko na siya na doon na siya tumira pero ayaw niya dahil nahihiya siya kay Albie. "Sige txt mo nalang ako kapag nandoon kana." binabaan ko na di ko na hinintay pang sumagot dahil pumasok na si Mr. Gaspar. Buong oras ng klase ni Mr. Gaspar ay tahimik kaming nakikinig sa lecture niya. Heto ang maganda sa klase ni Mr. Gaspar focus lahat ang mga estudyante.  Di naman kase boring ang klase niya. Istrikto si Mr. Gaspar kabata bata ay ganun na ang ugali niya sa pagtuturo. 25 years old palang siya pero dahil matalino at maganda ang record ay nakapasok siya sa Gil University.  Maraming humahanga sakanya bukod sa matalino ay gwapo ito at maganda ang pangangatawan.  Di lang namen alam kung may girlfriend na ito dahil wala kaming nakikita o naririnig na chismiss kung meron nga siya. Wala din siyang bisyo kaya siya ang Goodlucking Prof. "Mr. Jordan! nasa dreamland ka yata or Wonderland?" "Ho?!" nalintikan na napansin yata ako nitong nagmuni-muni. "Ano bang iniisip mo at di mo ko naririnig na kanina pa kita tinatawag para sagutin mo ang tanong ko sayo" Kanina pa ba niya ako tinatawag bat di ko siya naririnig? Napatingin ako sa paligid ko halata sa kanila na takot sa mangyayari. Pack one Pack all kase sa klase ni Mr. Gaspar "Sorry po Sir." ang nasabi ko nalang sakanya. Wala naman ako palusot na maisip Ngumisi bigla si Mr. Gaspar tanda na may masamang balita nanaman siyang sasabihin.  "Siguro naman alam niyo na ang gagawin niyong lahat. We have a surprise quiz get one fourth. So Let begin" ang ngising sabi nito. Natapos ang klase ni Mr. Gaspar wala ni isa man sa amin ang nakakuha ng tamang sagot sa quiz. Di kami nakapaghanda. Kaya ayun ako ang nasisi ng mga kaklase ko.  "Jordan naman ! Kainis ka alam mo naman ganun istrikto siya bat ka di nakikinig? ang sabi ng isa kong kaklaseng babae.  "Ok sorry na. Ano bang gusto niyo para mapatawad niyo ko?" Nagtinginan silang lahat at alam ko na ang gusto nilang lahat. Napagastos tuloy ako. Ay naku! Lintik talaga si Mr. Gaspar. Napabili tuloy ako ng ice cream para sa mga kaklase ko. Buti nalang malaking ang naibigay sa akin kagabi.  Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin dalawa ng lalaking yun. Di ko nakuha yung pangalan niya.  Matapos ako makabili ng ice cream sa kanila ay iniwan ko na sila di na ako nakikain dahil nagttxt na si Albie kung nasaan na daw ako. _______________________ Nakarating ako sa Gym at nakita ko sila Kyto at Gabby kasama si Albie na nakaupo sa bench ng gym. "Bat ang tagal mo?" ang bungad sa akin ni Albie "Bumili pa kase ako ng ice cream" "Oh asan ang ice cream na binili mo?" ang tanong ni Kyto.  "Ah para sa mga kaklase ko yun. Nagquiz kase kami kay Mr. Gaspar. Ako ang dahilan kung bakit nangyari yun. Kaya ayun ako ang nasisi ng lahat. Kaya tinanong ko sila kung ano gusto nila para di na nila ako sisihin" ang ngiting sabi ko sakanila sabay kamot sa likod ng ulo ko. "Sana pala kaklase ka namen para nakalibre kami ng ice cream" ang natatawang sabi ni Gabby "Loko ka Gabby baka di mo din makain yun dahil mumurahin ice cream lang yun" Rich kid kase silang tatlo. Ewan ko nga ba bat ako napasali sa barkada nila. Pero mas close ako kay Albie kaysa sakanilang dalawa. "Loko ka din anong akala mo sa amin di kami kumakain ng ice cream. Ke mura o mahal ice cream pa din yan" ang singit ni Albie Tumango tango nalang ako sa sinabi niya. Iba din sila sa mga Rich Kid sa Gil University.  "Ok mamaya pala Birthday ni Daddy. Punta kayo ah. At ikaw Dude" tumingin sa akin si Albie " Sabay na tayo punta doon. Isama na naten si Brad txt mo nalang siya" ang sabi ni Albie Birthday pala ng Daddy ni Albie. Sa tagal tagal namen magkaibigan ngayon lang niya ako niyaya sa Birthday ng Daddy niya. Lalo na sa bahay nila.  "Ok na yata kayo ng Daddy mo Albie?" ang tanong ko sakanya "Hmmm... hindi pa din pero kailangan kong bumawi sa kanya dahil nauubos na ang allowance na ibinigay niya sa akin." ang ngising sabi nito "That's my boy!" ang sigaw ni Gabby at Kyto. Nag Apir pa silang tatlo. Napailing nalang ako sa kanilang tatlo. Nga rich kid nga naman.  "Mga loko kayong tatlo. Buti nga pala niyaya mo ako" ang tanong ko sakanya "Its time para makilala mo si Daddy at makilala naman ni Daddy na may matino akong kaibigan" "Dude what do you mean di kami good influence sayo" ang tanong ni Kyto "Oo nga Dude. Mabait naman kami" ang natatawang sabi ni Gabby "Mga gag0 kase kayo! hahhaha! Kilala na kayo ni Daddy gusto ko naman na makilala niya na may mga kaibigan ako bukod sa inyo. My Daddy assume that puro kalokohan ang ginagawa ko kaya lagi kaming nag-aayaw." ang simpleng ngiting sabi ni Albie. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Kulang lang talaga sa pagmamahal ng isang ama si Albie. Ayon sa nakwento sa akin ni Albie ay lagi daw busy sa trabaho ang kanyang Daddy. Kaya di sila madalas o di sila nagkikita sa bahay. Kahit sunday ay nasa office pa din ang kanyang Daddy. Nagpaalam na muna ako sa kanilang tatlo dahil may klase pa ako at sila din ay may klase sila.  Pareho silang course na tatlo. Marketing amg kinukuha nilang course. Dahil daw pagkatapos nilang maggraduate ay sila na ang hahawak ng family company nila.  Iba talaga ang mayayaman. Walastik! Natapos ang buong maghapon klase ay dumeretso na ako sa parking lot kung saan nandoon na si Albie na naghihintay.  "Hey! Ano palang oras ang birhday ng Daddy mo?"  "6pm natxt mo na ba si Brad?" "Ay naku di pa. Pero natawagan ko siya kaninang umaga. Pupunta siya sa apartmet ngayon. Baka nga nandoon na siya" Tumango si ALbie at nagdrive na siya pauwi sa apartment. Nakilala ni Albie si Brad nang minsan biglang umuwi si Brad galing sa kanilang probinsya sa bulacan.  Bago palang kami magkakilala ni Albie noon. Kahit na tinuturing na ni Brad na kaibigan si Albie ay medyo ilang pa din siya dahil sa estado ng buhay ni Albie.  Tama nga ako at natadnan na namin doon si Brad na natutulog sa sofa. Di na muna namin siya ginising dahil panigurado kong pagod ito kagabi. Dumaan na din kami kanina sa Rald's Box. Para habang hinhintay namin ang oras ay nakakain na kami. Maaga pa naman kaya nagdesisyon kami na matulog muna. Pare pareho kaming puyat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD