Jordan Pov Ilang araw nalang magbubukas na ang Helix Bar. Puspusan nadin ang paghahanda namin para sa bawat production number namin. Nakakapagod magpractice araw araw lalo na sa akin. Sa umaga pagaaral ang inaatupag ko. Pagkatapos ng klase ko diretso agad sa Helix Bar para magpractice. "Guys kailangan din ninyong pagandahin lalo ang katawan ninyo. Sa ngayon lahat kayo ay maganda naman ang mga katawan ninyo. Pero ayaw namin na masyado na mascular. Lalo na sa mga versa." Ang sabi ni Sir Lexis. Pinagpatuloy nanamin ang magpractice ng sayaw. Mahalaga daw ang opening number namin. Dahil doon ang unang una namin public apperance sa mga guest ng Helix Bar. Na pansin ko na wala man lang poster o flyers na nagsasabing magbubukas na ang Helix Bar. Sinabi sa amin ni Sir Lexis at Governor

