Jordan Pov Maaga ako nagising dahil pupunta ako sa bahay nila Albie. Baka nandoon lang siya at gusto ko siyang kausapin. Kagabi pa ako tumatawag at nagtetext sa kanya pero naka off ang kanyang cellphone. Nandito ako ngayon sa entrance ng subdivision nila Albie. Di ko alam kung papasukin ako ng mga guard dito dahil sa pagkakaalam ko ay mahigpit at di basta basta makakapasok sa loob dahil nga naman kilala at mayayaman ang mga nakatira dito. "Sir puwede po ba ako pumunta sa bahay nila Albie Lopez?" ang magalang kong taning ko sa isang guard "Kaano ano ka po ba niya?" ang sabi naman ni Manong guard "Kaibigan po niya ako. Ako po si Jordan Duque" "Teka lang po sir. Tatawag lang po ako sa bahay nila. Maghintay lang po kayo sandali. Di po kasi kami basta basta nagpapasok sa loob" tumawa

