Jordan Pov "Jordan tara na. Uwi na tayo." ang sabi Sarah "Pero si Albie" "Wag kang mag alala sa kanya. Nandyan lang siya sa loob ng bahay nila. May topak yan kaya ayaw magpakita. Pagpasensyahan mo na siya" ang ngiting sabi ni Sarah Parang inaasta ko ngayon ay parang ako yung girlfriend ni Albie. Gusto ko man mainis kay Albie di ko naman magawa dahil kasalanan ko di ko agad sinabi sakanya ang lahat. Umalis na kami sa subdivision. Pababa lang sana ako sa may labasan ng subd. Pero nagpumilit si Sarah na pumunta muna daw kami sa Rald's Box Café para makapag almusal. Wala na ako nagawa kundi pumayag. Buti nalang naisip ni Sarah na mag almusal. Ngayon ko naramdaman ang gutomm di papala ako nakapag almusal. Maaga kasi ako umalis kanina. "Alam mo nagseselos at naiingit ako sayo Jordan

