Alfonzo POV Ilang linggo na ako di makapag focus sa aking trabaho at alam kong pati si Albie ay napapabayaan ko na di ko man nagawang kamustahin siya kapag naabutan ko siya sa bahay. Noong nakaraang kaarawan ko nabigla ako sa pag dating ng anak ko di ko expect na darating siya. Napansin ko din na sa bahay na siya lagi umuuwi. Laging nagkukulong sa kanyang kuwarto. Masaya ako na doon na siya umuuwi sa bahay kaso di man lang ako pinapansin. Di ko alam kung may problema siya dahil pagkatapos niyang kumain ay aakyat na siya sa kuwarto at magkukulong na siya kuwarto niya. Aminado naman ako sa sarilu ko na napapabayaan ko ang pagiging ama kay Albie. Isa pa sa nagpapagulo sa aking isip lalo na sa aking puso ay ang isang lalaking kamukhang kamukha ng isang taong minahal ko noon. Si

