Alfonzo POV Papunta ako ngayon sa bahay ni Simon di na ako nagsabi sakanya. Dumadaan na din ako sa Rald's Box at bumili ng Banana Muffins isa din kasi ito sa favorite ni Simon peace offering ko sakanya. Nakarating ako sa bahay niya agad na ako pumasok kilala naman ako ng mga guards. "Asan si Simon?" ang tanong ko sa isa sa kasambahay niya. "Naku Sir Alfonzo kakaalis lang ni Sir Simon. Pero nandito po si Sir Albert. Teka lang po tatawagin ko lang po siya." Saan kaya nagpunta yung lalaki na yun. Umupo na muna ako sa sala habang hinihintay bumaba si Albie. "Uncle Al kamusta tagal mo ng di nagpupunta dito ah!" ang masayang sabi ni Albert "Alam mo naman na bumabawi ako kay Albie alam mo naman yun. Nga pala malapit na kasal mo kamusta" ang sabi ko sakanya. "Ayun ok naman kinaka

