JORDAN POV "Gusto ko magtrabaho" ang biglang sabi ni Albie habang kumakain kami ng hapunan. Di pa umuuwi si Brad di ko alam kung saan pumunta yun? Nagtxt naman ako sakanya pero di siya nagrereply. "Huh? Bakit kapa magtratrabaho di ka naman kinakapos sa pera?" Ang takang tanong ko sakanya. "Experience lang." Ang tugon ni Albie "Ikaw bahala ka. Ano bang gusto mong trabaho?" "Yung tulad ng trabaho mo" Napaubo nalang ako sa sinabi niya. Anong tingin niya sa trabaho ko madali? "Baliw ka ba? Bat mo naman naisipan yan?" nasamid talaga ako. "Experience nga di ka ba nakikinig dude! Gusto kong maintindihan ang trabaho mo. Gusto kong makita ang mundo mo kapag nasa trabaho kana" "Alam mong di ako papayag sa gusto mo! Lalo na kapag nalaman ng daddy mo yan." "Dude please pagbigyan m

