0003xxx

2343 Words
0003xxx So Good   "Kiel Kacy! Anong petsa na?!" sigaw ko mula sa labas ng CR. Less than one hour na lang magsisimula na yung binyag ni Saskia. We can't be late for that. Kaya nandito yan dahil nakitulog at galing kasi sya sa night duty mula sa hospital. Ayaw nyang magdrive para makapagpahinga sya sa byahe. Ako naman yung gagawin nyang driver. Psh. I went back inside my room where my itouch is placed. Kinuha ko yun at muling tiningnan yung convo namin ni Kill sa Kik. Oo, nasa Kik na kami para mas feel yung vibes at landi sa ugat. He was off somewhere kaya agarang natapos din yung pag-uusap namin. He sent me a message just to see if I was still alive. Obviously oo dahil nagawa ko pang makipaglandian. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung pano kami nagtagal na magkausap nito ni Kill sa email at Kik. Sa experience ko sa lahat ng nakakausap ko sa email, minsan wala pang isang buwan dahil boring sila kausap or gusto nilang video chat. Which is a no-no! I mean, okay! What I'm doing is a form of cybersex pero kapag may video?! Can't be na yun talaga. May narinig akong kalampag mula sa labas ng kwarto ko kaya napaangat ako ng tingin, "PAOLINE!" Tumambad sa akin ang naka-dress at nakabusangot na si Kiel. Suot nya yung mataas nyang pumps — which in turn gives her false tall height. Hanggang ngayon umaasa pa rin syang tatangkad sya. "Anong petsa na? Kanina pa kita tinatawag pero nakatitig ka lang dyan sa itouch mo. Please stop daydreaming about Kill? Sa binyag at handaan sa bahay nila Gage, you can flirt all you want there. Nandun ang friends and family ni Ck at Gage." umirap sya at saka nakapamewang na naglakad sa direksyon ng living room. Ang galing galing ng advice nya sa akin samantalang alam naman naming lahat na sya lng ang may kayng makipagflirt ng harapan. She's a small girl with ginormous self-confidence. Malakas lang naman loob ko online because I'm great with using words. Kinuha ko na yung bag ko pati na rin yung gift ko for Saskia na bracelet with her name and a cross with it. "Nasan yung mga kapatid mo?" Tanong nya habang may hinahanap sa bag niya. “Nauna na sila dahil ang tagal mo daw.” Kinuha ko yung susi ng kotse ko a isang hamak na Honda City lang. Mas maganda pa din yung Civic ni Thea. “Ako?” nilingon niya ako at tinuro yung sarili niya, “Ako? Matagal? Parang nauna pa akong nagising sa kanilang dalawa ah.” Galit niyang pahayag habang inilalagay sa braso yung bag nya. “Ginagawa mo sa CR?” pang-aasar nilang tanong sa akin. Hindi ko na lang sya pinansin at saka sumakay sa elevator. Palabas na kami sa basement parking area nang biglang magsalita si Kiel na nagse-settle sa upuan niya para matulog malayo-layo rin kasi yung Christ the Redeemer church dahil malamang sa alamang, traffic yung mga dadaanan namin. “I wonder if Gage has any girlfriend now, no? Or potential mothers for Dalli?” I looked at her na para syang nakapatay ng sampung tao sa hospital kanina, “Ano? I’m just wondering dahil…ilang taon na ba si Dalli? Hindi ba nagtatanong yung bata kung sino nanay nya or – wait, sino ng aba ulit yung mother nun?” I shrugged at her question, “Anyway – hindi ba?! Hindi naman enough na tayo lang yung nakikita nya na girls in her life? Maybe yung Lola nya…pero, hindi ba?” Minsan itong si Kiel hindi ko alam kung nalalasing sa amot ng hospital eh – matutulog na lang yan ang daldal pa. “Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?” hindi ko sya pwedeng titigan ng matagal dahil nagda-drive ako kaya from  time to time nililingon ko sya at sinasamaan ng tingin, “Si Gage ay akin lang.” seryoso kong sabi sa kanya. Dahil crush ko talaga si Gage at hindi ako papayag na may babaeng makatuluyan yun! “Dini-deny mo kayang may gusto ka kay Gage!” hinarap nya ako at tinusok-tusok yung tagiliran, “Hindi ko naman talaga gusto – crush lang. C-R-U-S-H lang.” “Ang tagal na nung crush mo sa kanya, hindi na crush yun – like na yun – o baka naman…” napanganga sya at halos parang hindi makahinga. “OA mo. Okay, sige…like! Pero yung iniisip mo sobrang lalim na nyan.” “Malalim ba yung lust? Lust iniisip ko girl, wag kang assuming.” “Girl, that’s bad. One of the seven sins ang lust! Papunta tayong church. Paki-bleach ang ating mga utak at bibig, please.” ** “Tita Pao, Tita Pao, Tita Pao!” sunod-sunod na kalabit ni Dalli sa akin habang pilit niyang iniuupo yung sarili niya sa upuan ng church. Hindi sya makaupo dahil kinakalabit nya at hinihila nya yung damit ko and madulas yung suot nyang dress din. Naka-hairband din sya at bagsak na bagsak yung wavy nyang hair. “Yes, Dalli?” tingin ko sa kanya at hinayaan syang iangat ang sarili niya. Ayaw niya kasi ng tinutulungan sya minsan kaya we all wait for her to ask for help. “When can you sleep beside me again?” Nagulat ako sa tanong niya dahil minsan ko pa lang syang nakatabi sa pagtulog at yun ay dahil ayaw nyang mag-isa sa kama nya. Simula kasi ng lumabas si Saskia sa hospital… kaming anim na ang naghalinhinan sa pag-aalaga pag busy si Ck. Yung parents din naman nila ay minsanan lang maging available lalo na’t ang pamilya ni Lois ay nagbabalak nang sumunod kila Ate Gwen sa Amerika at dun na mag-stay. “Uhm…ano…kung kailan kami mag-aalaga ulit kay Saskia, pretty.” By this time, tinulungan ko na syang makaupo sa tabi ko. “Can you please babysit me, too? Ka-hit…h-hindi na ako baby?” Tanong nya sa akin nang nauutal pa sa tagalog. Fluent mag-english dahil laging English ang medium of communication nila ni Gage at ng buong pamilya nito. Sa amin lang sya nakakarinig ng sandamakmak na tagalog kapag binabantayan namin sila. “Baby ka pa rin naman ah? Baby ka ni Daddy Gage mo. Princess pa nga, hindi ba?” Daddy Gage – bakit bagay na bagay yung ganung tawag sa kanya? Speaking of him, tanaw na tanaw ko kung nasaan man sya ngayon. Nakatayo katabi ni Ck na hawak-hawak ang natutulog na si Saskia. Nakasuot sya ng white button up polo shirt at brown slacks. Super shiny din ng shoes nyang suot at kahit na hindi sya naka-suit and tie eh parang laging may pupuntahang business itong isang ito. Yung malapad niyang mga braso saka yung tindig nya eh kakaiba. Siya lang yung tanging taong nakita kong kayang-kayang magdala ng posturing katulad ng kanya – taas noo eh. Palibhasa mas matangkad sya kay Ck at kuyang kuya ang itsura nya. Tapos na rin naman kasi yung binyag. It’s a special one dahil si Saskia lang ang tanging bininyagan sa araw na ito. At hindi kayo makapaniwala sa dami ng taong nandito. Bawat kamag-anak at kaibigan yata ay may representative dito. Syempre, hindi kami mawawalang mga Ninang. Pumwesto na lang ako dito sa may pangatlong line ng mga upuan dahil pagod din naman ako mula sa trabaho kahapon at may papasok pa pala ako mamayang gabi sa hospital. “Dallilah, let’s go.” Napa-straight ako ng upo ko ng mamalayan kong isang malaking hakbang na lang ang pagitan namin ni Gage. Dalli’s in between us at nasa bungad sya ng bench. Buong katawan ko yata nakaalerto sa close proximity ni Gage sa akin ngayon. Nandun yung urge to hold your breath until he goes away… “Daddy! Can I be with Tita Pao and Sas everyday?” bungad ni Dalli at hindi kinuha ang nakalahad na kamay ng ama. Napatingin ang mala-tsokolateng mga mata nya na malamig at parang nagtatanong kung anong sinasabi ni Dalli. I just shrugged my shoulders at saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Muli kong tiningnan si Dallin a naghihintay ng sagot. Gage crouched and was now eye-level with Dalli, “Baby, if they’re to babysit Saskia you can go…but you can’t be with her everyday. She has work and so is Daddy and all your other Titas kaya you’ll stay with Lolo and Lola. Is that clear, princess?” Nag-alangan pa si Dalli pero agad din namang tumango, “Okay, Daddy…” at saka naghop pababa para maglakad kasama ang Daddy niya sa aisle. “You’re all dreamy na naman, girl.” Bati ni Kiel habang papaupo sa upuan sa harapan ko. Kata-katabi nya lang din si Amelle. “Yung mga mata mo. Nasa simbahan tayo, ha?” Tumayo ako at inayos yung damit ko, “Edi tara na, pumunta na tayo sa kainan. Para hindi ako yung napapansin niyo.” Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala si Anne. Papalapit na rin naman sa amin yung kambal kasama si Gray at Ck. “Nasaan si Anne?” tanong ko nang makatayo kaming lahat, “Nauna na. Pinauwi na agad ni Tita para makapagpahinga na daw.” Tumango-tango ako at saka bumaling kay Ck dahil may sinasabi ito, “You wanna bring Saskia back or kita na lang tayo sa bahay ni Kuya?” Umiling kami lahat, “Ikaw na mag-uwi kay Saskia. You’re her Dad. Saka na namin sya kidnapin kapag nasa kainan na.” sabi ko at isa-isa na naming hinalikan sa pisngi si Saskia. Hinahayaan namin silang mag-bond mag-ama as much as possible para naman hindi mawili si CK sa work. Marami kasing cases na kapag namatayan ng asawa or partner, the guy tends to neglect his child or something like that. Masyado silang lost dun sa moment na wala na silang makakasama mag-alaga at mag-aruga – but looking at Ck, alam naming mahal na mahal niya si Saskia. He would do anything for that baby. ** “Okay! Lahat ng Ninong at Ninang kailangan may picture na magkakasama!” Sigaw ng isa sa mga kamag-anak nila Ck. I think kapatid to ni Tita. Medyo kahawig nya kasi. Kanina pa sila nagkukuhaan ng picture. Parang walang bukas talaga. Kahat na yata ng anggulo ng mukha ni Saskia at lahat ng bisita nakapagpapicture na sa kanya. The only good thing about that is game na game din naman si Saskia at hindi sya umiiyak. At dahil idinemand ito ng elders, kailangan naming magpunta dun at makisiksik. Ang dami namin Ninang at Ninong –hindi naman isang barangay pero kaming lima na babae and then dalawa pang girls from their families tapos si Gage, Gray pati na rin ilang kaibigan nila. Hindi kami magkakatabing magkakaibigan dahil basta makapwesto na lang kami at atat na sila magpicture. Nagulat ako ng bigla akong may maramdamang braso slight na nakapatong sa bewang ko. I felt my senses rile up and the hairs on my skin started to stand up. Para akong naestatwa sandali. Hindi ko na nagawang mag-react dahil sumigaw na si Tita ng “Smile!” So I smiled my protest away. Hindi ko rin sya matingnan dahil mas matangkad sya sa akin. All the while in between shots – oo, in between talaga dahil ang daming gustong ipagawa sa amin at daig pa namin ang nasa magazine cover – I’m taking large gulps of air at napapasama doon ang amoy nya. A woodsy spicy rose? I’m not sure pero it’s unlike any other cologne na naamoy ko sa mga katrabaho ko at sa mga pasyente sa hospital. This is the first time I’ve smelled something like this. It’s not too strong na nakakasulaksok para pa ngang gugustuhin mo na lang na araw-araw maamoy itong isang ito. Dahil sa kakaamoy ko indiscreetly, hindi ko namalayan na tapos na ang photo session. Ano ba magagawa ko? Hindi na natanggal yung ngiti sa mukha ko para walang problema kung magkuha man ng shot. Basta maamoy ko lang sya kaya nawala na naman ako sa sarili. “Daddy! Can I have another cupcake from your plate?” Napatingin ako sa direksyon ni Dallin a kasalukuyang hinihila ang pants ng lalaking katabi ko. Si Dalli ang tumatawag ng Daddy at ang braso ng tinatawag nya ay nananatiling nasa bewang ko. Dahan-dahan akong tumingala at tumambad sa akin ang nakayukong ulo ni Gage. Sobrang lapit ko sa well-defined jaw nya na inguso ko lang yung mga labi ko eh pwede ko nang mahalikan ang mga yun. Umatras ako ng kaunti pero hindi ganon kalayo kaya nang maramdaman ni Gage yung paggalaw ko ay agad syang napalingon – our faces now mere inches away from each other. Isa lang ang masasabi ko sa lalaking ito – he loves Dalli so much. Sa tuwing kausap niya si Dalli ay parang tinutunaw na Hershey’s chocolate yung mga mata nya. Kitang-kita yung tuwa at galak sa presence ng anak nya at kung gaano ito kabibo at katalino. Nagpanic ako dahil sa mukha niyang gwapo at sa mga mata niyang nakangiti. Ngayon ko lang nakita yun sa kanya yun. “You smell so good.” Nangarag pa yung boses ko nun dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. And there you have it folks, I blurt out the first thing I can think of when I am panicking. Lumaki kaunti yung mga mata nya kaya agad akong humiwalay sa kanya. Buti na lang nagkakagulo pa sila sa mga pictures kaya hindi nila masyadong nahalata yung interaction namin ni Gage. Nakita kong bumuka yung bibig ni Gage na para bang may gustong sabihin pero agad nya iyong isinara. Kaya I awkwardly blurted, “Ah…hehe. Sige, bye.” What the hell was that? Sabi ko crush ko lang si Gage! Ano ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD