0004xxx
Right one
Sabado ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin kong paghahanda sa pagdating ng mga bata dito. Kami kasi ulit yung magbabantay kay Dalli at Saskia. I don't even know why I'm like this. As if naman si Gage yung aalagaan ko, hindi ba? Ang aligaga ko lang lagi simula nung nangyaring yun sa reception ng binyag.
All throughout the celebration lumayo na ako kung nasaan man nandun si Gage dahil... dahil hindi ko din alam. Ang kapal kapal kaya ng mukha ko pero may kung anong iba akong naramdaman nung mga anahong nakatingin lang ako sa kanya.
Multo ba si Gage? Every time I remember his eyes and face and how his arms are draped over my waist, kinikilabutan ako.
"Ate! Sa kwarto muna ako, ikaw na muna maghintay sa kanila." Sigaw ni Teyah mula sa living room at narinig ko ang pagsara ng pinto niya. Okay lang yan. Si CK naman magdadala dun sa dalawang bata. No big deal.
Bumalik ako sa paghahanda ng sandwich at fruits para sa kanila. I don't think CK will eat here, though. Alam kong may business silang dapat puntahan kaya i-drop lang nila dito yung dalawang bata.
Ilang minuto lang ang nakalipas eh nakarinig na ako ng pagtunog ng doorbell. Hindi ko talaga alam kung bakit pero parang kinakabahan ako. Parang kukunin ko lang yung mga bata tapos si CK naman mag-aabot bakit ba ganito!
Nagmamadali kong binuksan yung pintuan at bumungad sa akin si Dalli, "Hi Tita Pao!" she was all smiles and her was in pigtails. "Hi, pretty." Bati ko sa kanya at nag-proceed para kunin ang carrier ni Saskia. Iniangat ko yung ulo ko para i-greet si CK pero napasinghap at napaatras ng kaunti nang makita ko si Gage sa harap ko in his usual suit and cold demeanor.
Nakailang ulit ako ng lunok dahil para akong naestatwa sa harap niya. Katulad ng pagiging cold nya, na-frozen pati katawan ko. Ang galing-galing lang. Mukha siguro akong ewan at nakatitig lang sa kanya – nagtititigan lang kami.
"Paoline." Kasing lamig ng yelo yung boses niya and it sent electrifying chills all over my body. Hindi ko alam na connected na pala ang mga naririnig ng tenga sa buong katawan at sa certain parts nito. "G-Ga..." tumigil ako at tumikhim dahil parang may nakabara sa lalamunan kong hindi maalis ng ilang ulit na paglunok.
"Gage, Uhm..." Inabot ko na lang yung hawakan ng carrier ni Saskia pero para akong napaso ng mahawakan ko yung kamay ni Gage. Yung totoo talaga...anong meron kay Gage? Ilang beses ko nang pinlano kung paano ko lalandiin itong crush ko na ito pero sa tuwing malapit kami sa isa't isa para akong natatangang ewan.
Tumikhim sya at inilagay yung kamay nya sa side carrier ni Saskia at iniabot sa akin yun – telling me to grab it from the top. "Sorry if kabuntot na naman si Dalli. She...really wants to be with Saskia almost every minute." Nakita kong umangat yung kamay at napunta iyon sa likod ng batok nya. He seemed tense at parang nahihiya.
Nagpipigil ako ng ngiti dahil amused na amused ako sa itsura nya ngayon. Medyo nawala na rin yung tension sa katawan ko dahil sa nakikita ko sa kanya, "Baka kasi gusto na nang kapatid ni Dalli." Bigla kong bulalas at hindi ko alam kung saan ko hinugot yun. Pinigilan kong magulat at naging neutral s***h seryoso yung mukha ko.
Laking pagdadasal ko na lang na hindi nya makita namumula ako. Gusto ko sanang bawiin yung sinabi ko pero naunahan nya ako sa pagngiti at kaunting pamumula ng tenga niya, "Someday maybe. If I'll find the right one." Namumula sya pero ang cool ng pagkakasabi niya nun. His smoldering eyes boring on my skin and my skin started to prickle.
He moved his body sideways and called out to Dalli, "Princess! Daddy's going."
Nilingon siya ni Dalli at tumakbo ito papunta sa kanya. "Bye, Daddy. I love you. Please, please, please, please take Ate Pao with us home so that I can be with her always?" inosenteng request niya.
Nanlaki kaunti yung mga mata ko at ganun din si Gage, "Princess..."
Yumuko si Dalli at parang alam na ang gustong iparating ng Dad niya. "Okay, Daddy." He kissed Dalli's forehead and rubbed Saskia's chubby little cheeks as good bye. Tumingin sya sa akin at bahagyang ngumiti at kumaway. "Bye." Bulong ko nang makatalikod sya.
Iniiling-iling ko yung ulo ko para magising ako sa kung ano mang ilusyong nakita ko kaninang pamumula at pagkahiya niya. Pumasok na din ako para mailapag na sa mas kumportableng lugar si Saskia.
Maya-maya pa ay lumabas na si Teyah at saka ako tinanong, "Bakit namumula ka, ate?" Napatingin ako sa kanya pero hindi ko ma-process yung tinatanong niya. "Wag mong sabihin dahil kay Ck yan?" nagtataka pa nyang tanong habang papalapit kung nasaan si Dalli at inabot niya sa Saskia.
"H-ha, hindi! Wala to. Mainit kasi sa labas tapos malamig dito sa loob natin, so... yeah." Pagdadahilan ko. "Oh baka dahil kay Kuya Gage?" umiling-iling lang ako at mas lalo pa yatang namula. "H-hindi ah!" kumunot yung noo ko at napakagat ako sa labi ko.
She stomped her feet. "HA! SI KUYA GAGE NAGDALA SA KANILA NO? Hanggang ngayon crush mo si Kuya Gage?! Akala ko nagbibiro ka lang!" Pag-conclude nya sa mga ikinikilos ko. I feigned innocence at tiningnan syang parang nagtataka. "You really like Kuya Gage?" pang-aasar pa niya lalo at saka humarap kay Dalli. "Hey, Dalli... you like to have a mommy?" Tumango lang si Dalli at nagtatalon sa sofa habang nagsisisigaw ng yes yes yes! Teyah just smirked and then started to laugh. "You want one now, Dalli?" napastop sya sa pagtalon at tumingin kay Teyah.
"Now? No! I'll want her if she gives me a baby sister." Pahayag ng bata. Nako po! Mahihirapan ako sa batang ito kung balak ko mang tuluyan na akitin si Gage. Kung magkakaroon ako ng lakas na maakit sya. I am so busy and everytime he's near, nanlalamig at naeestatwa ako.
"TEYAH VIVIENNE HERRERA! Wag mong inimpluwensyahan ng kalokohan yung bata!" Hinampas ko ang tawang tawa na si Teyah na kakatapos lang bumulong kay Dalli at napa-aray sya. Kassabay nun ang pagtawa ni Saskia na nakikini-kinita ko nang magiging sadista paglaki.
Pinag-usapan na rin namin yung plano nila for the party at nag-suggest akong mag-Pizza party na lang kami at ang regalo namin sa kanya ay si Blade. Si Blade kasi yung gwapong delivery boy from Dolce Pizzeria na favorite naming pag-order-an.
"Bakit hindi ka pa mag-ready? Night duty ka, hindi ba? Hindi ka matutulog?" tanong ni Teyah sa akin habang hinehele si Saskia na inaantok antok na habang naglalaro ng laway.
"I can spare a few more hours. Maybe pag nakatulog na si Dalli." Night duty naman talaga ako ngayon. Pero minsan naisip kong maging full-time babysitter na lang – naisip ko lang naman dahil tingnan mo naman kami ngayon. I know, sasabihin niyo sayang yung pinag-aralan ko at lisensya pero I do enjoy looking after these kids.
Kapag sa hospital nga I'd rather be assigned on children and the geriatrics. Mas amusing kasi sila alagaan kesa dun sa mga kasing-edaran ko or yung mga middle-aged. They're too damn demanding! Sila na nga inaalagaan, magagalit pa? Hindi sa nagrereklamo ako pero konting konsiderasyon lang.
But, let's see what I can do. Nakakapagod din kasi para sa mga batang ito na papalit-palit ng mag-aalaga. Madalas lang sa amin dahil busy sa trabaho si Kiel at Amelle. Si Anne din madalas sa kanya dahil hindi na sya nakapagexam sa board Last September – on call na din naman sya sa isang laboratory habang nagrereview at nagreready for the March boards next year.
**
I'm panicking.
Kaya pala hindi umuwi yung kapatid ko nung madaling araw after their birthday ay dahil naisuko na nya ang Bataan! At sa taong hindi niya kilala at sya pa mismo ang nag-initiate. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil hindi daw sila gumamit ng proteksyon.
She needs a morning-after pill. Sana lang maging effective yun dahil up until 5 days naman pwedeng gamitin. Laking pagdadasal ko na nga lang na hindi fertile si Teyah nung mga time na yung para wala talagang mabuo. Nakaka-guilty pa din ang gumamit ng pills or contraception lalo't may nangyari na.
"Ito na. Inumin mo na ito." Hinihingal pa akong lumabas sa office ni Mommy para lang kumuha ng pills. Buti na lang talaga at OB si Mom at walang kahirap-hirap na makakuha. "Wag ka nang uulit, Teyah." Pagsaway ko sa kanya habang nakaupo sya sa isa mga cushioned seats.
"Hindi na ako uulit talaga. Hindi ko naman kilala yung lalaking yun." Inirapan niya ako at saka kinuha yung pill. She downed it with water na dala-dala nya magmula pasa bahay. Para daw pagkadating at pagkakuha ko daw ay inumin na nya.
"I mean, okay you can do it again...but please use protection! Kung katulad ng ginawa mo the first time na ikaw ang naging in-charge at ikaw ang nagpasok...can you please take time to sheath him up? Wala pang ilang segundo yun!"
"Lasing ako nun, ate! I was intoxicated – wala ako sa tamang pag-iisip. Do you think I'll give my virginity up to a total stranger?"
"Wag na nating balikan yun. Ang mahalaga, nakainom ka na. Wag ka nang uulit talaga! Saka please before you do it again, wait for me to at least give up mine?" pagtatanong ko dahil naunahan ako ng bunso kong kapatid. I'm 25 for Pete's sake and still a fricking virgin. Marami akong nakikitang studies na mataas ang percentage ng mga taong namamatay ages 20-50 dahil sa napakaraming factors ng modern world.
I don't want to die a virgin, please!
That's out number one motto. Walang mamamatay na hindi nakakaranas ng sarap!
"Nurse Pao! Pinapatawag ka sa station." Tawag sa akin ng co-nurse ko habang padaan sya papunta sa kabilang side ng hallway para sa isang pasyente.
Hinarap ko si Teyah at nakita ko syang nakatulala pa din. I snapped my fingers at nang maagaw ko na yung atensyon mula sa pader, "O sige na. Magttrabaho na ako baka ilagay pa ako nitong mga to sa charity ward. Tinawagan mo na ba si Thea?"
"Hindi. Kaya ko na umuwi mag-isa. Baka dumaan ako saglit sa Starbucks. Thanks, Ate. Bye." Niyakap niya ako at nagpaalam nang tuluyan. Nang makaalis sya, dumiretso na ako sa station para makausap na si Mam Tessa na head nurse.
"Paoline," pambungad nya ng makalapit ako. "Okay lang ba kung ibigay ko sayo yung pasyente ni Marie?"
"Teka, Mam...bakit po?"
"Ngayon araw lang naman or for the next two days. Dahil may emergency syang pupuntahan at ang mga magulang daw nya ay isinugod sa hospital at critical pareho ang kondisyon." Magrereklamo pa sana ako pero nang marinig ko yung dahilan eh nagpaubaya na ako.
"Wala bang pwedeng pumalit sa kanya. Madami namang nurse." Madami-dami na din kasi yung hawak ko ngayon at hindi ko alam kung pano ko pa i-handle ang mga iyon ngayon.
"Bukas pa may papalit sa kanya kaya ikaw muna ngayon. May iba akong inutusan pero alam ko namang mapapabayaan lang nila yun. Ikaw lang naman yung may tyaga at pinagkakatiwalaan ko dito." Nagulat ako sa sinabi ni Mam. Hindi ko alam kung dahil ba talaga masipag ako o dahil anak lang ako ng mga magulang ko na syang dalawa sa pinakamagaling sa hospital na ito pati na rin sa buong Pilipinas.
"Mam..." hindi ko alam kung tatanggi ako o ano pero mabait din naman itong si Mam Tessa. Isa sa mga kwelang senior nurses sa hospital. Yung ilan kasi sa kanila eh masungit – daig pa sampung menopausal na matandang dalaga.
"Sige na. Minsan lang ito. Hindi na uulit. Pag ginawa mo ito, magkakaboyfriend ka na!" pam-bribe pa nya sa akin. Alam niyang kahinaan ko ang usapang boyfriend dahil feelingerang NBSB ako. Feelingera dahil minsan na akong may naging boyfriend pero bata pa ako nun – parang fling na hindi at parang naglalaro lang? Bata pa nga kasi at laking pagsisisi ko lang sa pagsagot sa lalaking iyon. Hindi naman kagwapuhan! Never ko talagang i-consider yung isang beses na yun.
After nun nag-focus na ako sa pag-aaral at nawalan na ng time maki-mingle maliban sa mga kaibigan ko ngayon. Hanggang sa ngayon mga panahong ito, sawi pa din ako sa paghihintay ng lalaking manliligaw sa akin – ang taas-taas na kasi ng standards ko lalo na't snadamakmak na romance novels na ang nabasa ko. Pakisisi na rin pati si Nick Bateman at Jamie Dornan. Walang wala na ang mga taong nakakasalamuha ko.
Maliban kay Gage.
**
The days flew by in a blur. Sa sobrang busy ko sa hospital, pati si Kill ay hindi ko na rin nakakamusta at minsanan na lang ang interaction namin sa Kik. He understands naman daw at pareho lang daw naman kaming nagttrabaho. Okay na daw na kahit papaano ay nakakapag-usap kami.
How sweet, right? Sana totoo ka na lang at katabi kita ngayon, Kill.
"Paoline, thank you sa pag-aalaga kay Saskia, ha?" pagpapasalamat ni Tita Marina na nanay ni Ck. "Nasaan na pala sila Anne?"
"Wala po yun, Tita. I'm happy to take care of Saskia. Nauna na sila may mga pasok pa kasi yun eh. Ako lang po ang naiwan dahil halos kakauwi ko lang po from night duty." Hawak-hawak ko yung kamay ni Dalli dahil nasa labas kami ng bahay nilang mag-ama.
"Oh. Pagod ka pala, we should get going then. Let's go Dallilah." I smiled at them habang inaaya nila si Dalli na sumama sa kanila. Pero imbes na sumama ay nanatiling katabi ko ito at mahigpit na nakakapit sa akin. "No, Lola. I want to wait for Daddy on his bed. I don't want to come." Pag-iling at pagmamatigas ng bata.
"Dallilah..." paghaplos ni Tita sa pisngi ni Dalli. "Ang bilin ni Daddy mo ay isama ka namin pag kinuha namin si Saskia. Dun ka dadaanan ni Daddy pagkagaling niya sa work."
"No. When is Daddy coming home? Can you please tell him to go home now so that I won't be leaving the house?" Para syang matanda kung makipag-usap at magdahilan.
"Why wouldn't you want to leave the house?"
"Baka po kasi may kumuha nung bagong bed ni Daddy. New lang po yun ka-si...sa-bi ni Daddy a...yaw nya nung bed nya before. It's too hard for his back." Nabubulol pero diretsong dahilan niya sa Lola niya. This girl's bubbly and fun to be with pero pag gusto niya at kapag may dahilan sya, ipipilit nyang tama sya.
"Tita, sige okay lang po." Pagsingit ko sa banter nilang dalawa. "Samahan ko na lang sya until Gage come home."
"Are you sure, hija? You look like you need some rest. Masyado yatang busy sa hospital ngayon."
"No, okay lang po. I'll take a nap na lang every half hour or so with Dalli. Nandyan naman si Manang eh." Meron naman talagng helper si Gage kaso may edad na rin naman ito at hindi niya kaya ang kahyper-an ni Dalli.
"Are you really sure? Dalli can be a handful lalo na't may sumpong yata."
"Sure na sure po. I can handle her, Tita. Madami pong ganyang bata sa hospital." Yumakap sa binti ko si Dalli na parang naiintindihan nyang ako na muna ang sasama sa kanya sa bahay. "okay...sige." She hesistated for awhile pero nagpaalam na sya kay Dalli. "Be good, okay? Tita Pao is tired."
"Yes, Lola. Bye!" she enthusiastically waved goodbye to her grandparents at saka ako hinila papasok sa loob ng bahay. Dumiretso kami sa isang kwarto na nasa far end ng second floor.
"Is this your Dad's room?" Tumango lang sya at tuluy-tuloy na pumasok sa loob. "W-wait, pretty...hindi ako pwedeng pumasok dito." Pinigilan ko si Dalli at umupo ako para maging magka-level kami. "It's your Dad's room. We can play in the living room, hindi ba? The TV's there and some of the consoles." Pag-alo ko para lumihis kami sa kwarto ng Dad nya.
It's like invading his privacy kasi it's his room. Maybe Dalli can be in here pero I can't. We're not even friends – well, friends pero hindi close. Mas close kami ni CK dahil mas madalas kaming magkasama nun. Gage, on the other hand, is a different case. He's closed off kahit na kasama sya ni CK. The only way he's opening is when he's with Dalli.
Napansin ko yun this past few months na nag-aalaga kami sa dalawang bulilit na ito. Iba yung demeanor nya kapag kasama si Dalli and even Saskia! Sa mga bata lang sya nag-loosen up.
"It's alriiiight, Tita Pao. Come! Come!" I stayed rooted on the floor sa bungad ng pintuan pero pursigido si Dallin a hilahin ako. "Tita Pao~! Come on!" She whine and pull me at her best kaya bumigay na ako. Pwede ko pa syang makumbinsing lumabas. Malamang ko gabi pa naman uuwi yun si Gage.
Pumasok ako sa loob at nakita kong nakalinis ng kwartong ito. Parang hindi sya natutulog dito at parang walang taong gumagamit. Everything's in place at para bang ni-ruler ang layo at pagitan ng mga gamit dito. Nakakatakot galawin at baka mamaya may patibong na lumabas at syang makapatay sa akin at kay Dalli.
Tiningnan ko ang lugar kung saan kami nag-stop ni Dalli at kung saan nya binitawan yung kamay ko. One corner of the vast bedroom is covered with toys and pink doll houses. It's stark contrast against the white and brown clinical color of the whole room.
Kumbaga sa black and white picture, may portion lang doon na colored. At yun ay ang play area ni Dalli. "I have so many toys, Tita Pao." Masayang bigkas ni Dalli. Maya-maya pa eh parang wala na syang kasama dahil concentrated na sya sa paglalaro nya ng Barbie dolls.
Inilibot ko pa yung mata ko ng isang beses sa kabuuan ng kwarto at saka nagtungo sa four-poster bed sa gitna ng kwarto. It looks so inviting at nagsisimula ko nang maramdaman yung pagod. Para akong binugbog dahil parang ang dami-daming nasa hospital ngayon na mga tao. Dahil yata malapit na naman ang Pasko kaya nagkakaganito or whatever.
I yawned big at naramdaman ko ang kalambutan ng bed na ito. Para kang nakahiga sa sandamakmak na marshmallow at feathers sa lambot nito. Bakit hindi ganito kalambot yung kama ko? I bounced on my place at parang umaalon.
Ano ito? Water bed? Tinusok-tusok ko sya pero hindi...sadyang malambot lang sya at parang walag spring dahil wala akong naririnig na creak...o baka dahil bago lang? How does it feel to make love on a very very soft bed like this?"
"Dalli...pretty...mag-sleep lang ako sandali ha?" nakarinig ako ng sagot pero hindi ko alam kung pagsang-ayon ba yun o pagtanggi dahil nasa gitna na ako agad ng kama na ito.
It's too inviting not to be on at sobrang pagod na pagod na ako. Feeling ko tuloy nadagdagan na naman ng bagahe yung lugar sa ilalim ng mga mata ko. I inhaled the bed sheet's smell at naamoy ko na naman dun yung gamit na pabango or kung ano man yun ni Gage... spicy woodsy rose. I wonder if may ganun talagang amoy ng rose, ano? Daig pa nito yung pampatulog dahil in just a few minutes nakatulog na ako.
Nagising akong parang naka-sandwiched sa pagitan ng dalawang tao.
Gising ako pero hindi ko pa din idinidilat yung mga mata ko dahil na rin sa kagusuthan ko pang bumalik sa pagtulog.
I tried adjusting myself and somehow turn pero kaunti lang ang naigalaw ko dahil narealize kong may nakayakap sa akin. Some thick heavy arm is draped over my torso just below my breast. I was slightly on my side at ramdam ko yung braso sa pagitan ng mga binti ko.
Napadilat ako nang marealize kong wala ako sa bahay at naiwan akong nagbabantay kay Dalli.
Bumungad sa akin ang madilim na kisame ng kwarto ni Gage.
Dahan-dahan kong inilingon yung mukha ko sa kanan kung saan nakapwesto si Dalli. She's all curled up at nakasiksik sya sa braso ko. May naka-drape na rin sa kanyang kumot. Pilit kong iniisip at binibilang yung possible na tagal ng tulog ko nang makaramdam ako ng paggalaw sa kaliwa ko.
I can hear the person mutter some words na hindi ko maintindihan at mas lalong sumiksik yung ulo sa boobs ko. SA BOOBS KO!
Ramdam na ramdam ko yung higpit ng yakap niya pati na rin yung bawat paghinga niya. He's also softly snoring tanda na napagod din sya sa trabaho.
Pero...fuçk!
Nilingon ko sya at laking gulat ko nang kumportableng katabi ko si Gage.
IT'S GAGE FREAKING DAVID BESIDE ME CLUTCHING ME AS IF I AM SOME LIFE-SIZE PILLOW!
I tried sniffing in the air to smell if he has consumed any alcohol at ganito na lang ang pwesto namin ngayon. I craned my neck hard enough to see the digital clock behind him.
It says: 9:13pm
What the actual...fuçkity fuuuck! Sarap gawing alarm nung pagkakasabi ko nun dahil may tune sya pero jusko po! I know crush ko si Gage! Pero Babae lang ako. We're on the same bed, for heaven and earth's sake. Nandito pa si Dalli! Baka kung anong magawa kong pananamantala sa ama nyang papasang modelo ng Calvin Klein dahil sa katawan.
The feel of his body against mine is nerve-wrecking and heart-stopping.
Kung nung nakaraan na barely there yung braso nya sya bewan ko eh halos mamatay na ako, ano na lang ngayon na he's draped almost all over me?
Help me, please? Anyone!
Sa paulit-ulit kong sabi nun sa isip ko, nakarinig ako ng ring mula sa bedside table niya. It's not my ringtone so most probably kay Gage yun. I tried wriggling myself out para magising sya at marealize niya na nagriring yung phone nya pero mali pala yung ginawa kong yun.
He groaned at mas lalong sumiksik sa akin. Umakyat din yung kamay nya sa ibabaw ng boobs ko.
Napasinghap ako lalo nang i-flex nya yung fingers niya to cup it within his palm.
"Fuuuuuck." I hissed through clenched teeth.
Hindi ko kaya ito!
Iniangat ko yung kamay ko sandali at itinaon sa pagri-ring muli ng phone niya yung paghampas ko sa tyan ng mahina pero it was enough to make him stir and hear his phone.
"Annoying people, annoying work." narinig kong bulong niya bago kumawala sa akin at umikot ng higa. I thank the heavens na sobrang dilim sa kwarto ngayon at hindi niya ako kitang namumula. All my nerves are high and alert dahil sa kanya!
Sana lang din ay hindi nya maalala yung pinaggagawa niya habang natutulog sya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ako ba mahihiya? O mahihiya ako para sa kanya?
But damn girls, his hands are too good against my clothed boob.
Shit! Stop being a pervert and get out of the fricking bed! Fuuuck.
I immediately slid off the bed as carefully as I can while he's tapping away from his phone. "Uhm...Gage..."
Napalingon sya sa kung saan ako nakapwesto at agad na napaupo nang makita niya ako, "Gising ka na pala." Sabi niya. So...alam nyang magktabi talaga kaming tatlo.
Umangat yung kamay nya sa batok nya at nahihiyang tumingin sa akin. I can't see him fully pero dahil sa ilaw mula dun sa phone nya, kita ko yung upper portion ng chest up until his face.
"Sorry. I didn't have the heart to wake you up with Dalli glued to your side. You looked too tired kaya...I...uhm, tumabi na lang ako sa inyo. I hope...uhm...that's okay."
Another achievement unlocked ata para sa akin ang makita at marinig na nabubulol si Gage. Ang Pulido at walang mintis na si Gage David!
Huminga ako ng malalim at saka nagsalita, "Ako dapat nagso-sorry. Pumasok ako sa kwarto mo and even slept on your new bed without any permission..."
"No, no...it's okay. I know Dalli can be...persuasive...some times...well," nagkatinginan kami at sabay na sinabi, "Most of the time." Ilang minuto pa kaming nagtitigan pero ako na yung unang pumutol dun dahil baka kung ano pang magawa ko. Kailangan ko na ding umuwi.
"Sige, una na ako. Bye, Gage."
"Do you have a car? Hindi ko napansin kung may kotseng nakaparada sa harap eh. If wala, I can get you home." He offered while standing up.
Agad ko syang pinigil, "Hindi na! Pero thank you. My car's in front of Tita Lilian's house. Dun ko pinark kasi may nakapark kanina sa harapan niyo."
"And...sige na Bumalik na kayo sa pagtulog. I'll find my way out. Uhm, una na ako." Pagkasabi ko nun ay agad na akong umalis at lumabas. Hindi ko na sya hinitay na may sabihin pa.
Pero ang totoo talaga, gusto kong dun na lang matulog... forever... beside him.
Landi!