bc

My Doctor, My Greatest Mistake

book_age18+
849
FOLLOW
7.4K
READ
billionaire
love-triangle
family
HE
escape while being pregnant
arranged marriage
goodgirl
doctor
heir/heiress
drama
bxg
lighthearted
campus
city
cheating
stubborn
like
intro-logo
Blurb

BLURB:Akala ni Amara Cataleya Bianchi na sapat na ang pagmamahal para ipaglaban ang isang relasyon. Buong puso siyang nagparaya, nagtiis, at naghintay sa lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya si Nayll Yuseffe Villafuerte. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, dala-dala niya ang isang lihim na maaaring magbago ng lahat: ang buhay ng anak nilang hindi nalalaman ng ama. Sa paglipas ng mga taon, habang natutunan ni Cataleya ang muling pagtayo, si Nayll naman ay nilamon ng pagsisisi at pangungulila. Sa hindi inaasahang pagkikita sa Maynila, magkrus muli ang kanilang mga landas. Ngunit sapat pa ba ang mga sugat ng nakaraan para bigyang daan ang ikalawang pagkakataon? O mananatili na lamang silang alaala ng isang pagmamahalan na muntik nang mabaon sa limot? Sa dulo, matutuklasan nilang ang tunay na pagmamahal ay hindi sinusukat sa tamis ng simula kundi sa tapang na manatili, kahit ilang ulit pang masaktan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE: "Sign it, Cataleya," malamig nitong utos, halos walang emosyon ang boses. Nanginginig ang mga daliri ni Cataleya habang binubuksan ang envelope. Divorce papers. Parang hinugot ang kaluluwa niya habang binabasa ang mga salita. "Bakit, Nayll?" mahina niyang tanong, halos hindi lumalabas ang boses niya. "Ano'ng nagawa ko para sumuko ka agad?" Tumawa si Nayll, mapait. "Huwag mo nang gawing mahirap pa 'to, Cataleya. Wala tayong kailangang pag-usapan. Tapos na tayo." Napaluha si Cataleya, pero pinilit niyang ngumiti. "Kaya ko pa, Ale... please. Ayusin natin 'to. Ayokong mawala ka." "Cataleya, don't make this harder than it already is," malamig niyang putol. Tumayo siya, naglakad palapit sa bintana, tumalikod sa kanya. "Kung may nagawa akong mali," patuloy ni Cataleya, habol-hininga, "sabihin mo. Magbabago ako. Magbabago ako para sa'yo." Sumulyap si Nayll sa kanya, malamig ang tingin. "Ang mali mo, Cataleya," madiin niyang sabi, "ay iniisip mong ikaw ang kailangan ko." Tumayo si Cataleya, lumapit, pilit siyang inaabot ang kamay ni Nayll. "Please, mahal kita... hindi ko kaya na mawala ka. Hindi ko kaya" Bumigwas ang isang malakas na sampal mula kay Nayll. PAK! Nahulog si Cataleya sa sahig, hawak-hawak ang kanyang pisngi na namula at sumakit. Hindi siya makapaniwala. Sa unang pagkakataon, sinaktan siya ng taong pinakamamahal niya. "Magsawa ka na, Cataleya!" sigaw ni Nayll, puno ng galit. "Hindi ikaw ang mahal ko! Hindi ikaw ang kailangan ko!" Halos hindi makahinga si Cataleya. "Sino, Nayll? Kung hindi ako, sino?" "Gusto mo ba talaga malaman?" maanghang na sabi ni Nayll, lumapit sa kanya at hinila siya pataas sa braso. "Si Seraphina! Siya ang mahal ko! She always has been, Cataleya!" Parang binasag ang buong mundo niya. "Pero... kasal tayo..." pabulong niyang sambit, hindi matanggap ang katotohanan. "Kasal na pinagpilitan lang ng pamilya mo!" sigaw ni Nayll. "Kung hindi dahil sa merger ng kumpanya natin, hindi kita kailanman papakasalan!" Nalaglag ang divorce papers mula sa kamay ni Cataleya. Ang luha niya ay hindi na niya mapigilan patuloy itong umaagos habang ang puso niya'y parang pinitpit ng paulit-ulit. "Pinilit ko naman, Nayll..." umiiyak siyang sabi. "Pinilit kong mahalin mo ako... araw-araw..." "At bawat araw, pinilit ko ring itanggi na si Seraphina ang gusto kong kasama sa buhay ko!" balik ni Nayll, halos pumutok ang ugat sa leeg. "Diyos ko, Nayll..." nanginginig si Cataleya, bumagsak siya sa sahig, umiiyak, "mahal kita... mahal na mahal kita..." "Pero hindi ako kailanman nagmahal sa'yo!" mariing sigaw ni Nayll. "Kailanman, Cataleya, ikaw ang naging sagabal sa buhay ko!" Parang nilunod si Cataleya sa sarili niyang luha. Naramdaman niya ang matatalim na salitang iyon na sumugat hindi lamang sa puso niya, kundi sa mismong kaluluwa niya. Hindi pa nakuntento si Nayll, lumapit ito at itinapon sa kanya ang ballpen. "Kung may natitirang dangal ka pa, Cataleya," malamig niyang sabi, "pirmahan mo 'yan. Palayain mo 'ko." Nanginginig ang kamay ni Cataleya habang dinampot ang ballpen. Sa gitna ng kabuuang pagkawasak niya, tiningnan niya ang divorce papers. Ang bawat letra ay parang mga blade na humihiwa sa puso niya. "Pwede ba..." mahina niyang pakiusap, "isang hiling lang, Nayll... tingnan mo ako habang pumipirma ako. Para kahit isang beses, maalala mong may isang Cataleya na minahal ka ng buong-buo.” >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.3K
bc

His Obsession

read
103.8K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook