CHAPTER 29 Cataleya’s POV Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa condo ni Matteo, nagdesisyon akong umuwi. Ramdam ko pa rin ang init ng mga haplos niya, ang pag-aalaga niya, at ang yakap niya na parang kay tagal kong hinintay. Pero kahit gustuhin kong manatili ro’n, mas pinili kong bumalik… kasi asawa ko pa rin si Nayll. Oo, kahit ilang ulit niya na akong sinaktan. Bumalik ako dahil umaasa pa rin akong may kaunting espasyong natitira sa puso niya para sa akin. Pero pagkabukas pa lang ng pinto ng mansion Pak! Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napaatras ako, natumba sa sahig, at bago pa ako makatayo, marahas na hinila ni Nayll ang buhok ko. “A-aray! Nayll, tama na please!” “Putangina mo, Cataleya! Saan ka galing, ha?!” sigaw niya habang hinihila ako palapit sa living roo

