CHAPTER 47 NAYLL POV Pagkarating ko sa hospital, diretso agad ako sa OR. Emergency daw. Wala na akong oras para magpahinga o mag-isip pa ng ibang bagay. Nakapila na ang mga pasyente. Lumangoy ako sa routine gloves, gown, mask, scalpel. Isa-isang inoperahan ang mga nangangailangan. Paulit-ulit ang adrenaline, pero naging matagumpay naman ang bawat operasyon. Ngunit kahit anong tagumpay sa trabaho, may kulang. May ingay sa loob ng dibdib ko na hindi kayang patahimikin ng kahit ilang beses akong pumirma sa successful case reports. Pagkatapos ng huling pasyente, hinubad ko ang gloves ko at dumeretso sa office ko. Napabuntong-hininga ako habang binubuksan ang pinto. Pag-upo ko sa swivel chair ko, napansin ko ang isang bagay sa ibabaw ng lamesa ko. Isang maliit na handmade na bulaklak, gawa

