CHAPTER 39 NAYLL'S POV Isang buwan na. Isang buwang lumipas mula nang tuluyang mawala si Cataleya sa mundo ko. At hanggang ngayon wala pa ring lead. Wala pa ring balita. Parang nilamon siya ng lupa. Sabi ng private investigator ko, ginawa na nila ang lahat. Chinarge ko ng triple ang bayad kahit magkano, basta mahanap siya. Pero wala. Bawat sulok ng mansion ay parang patay tahimik, malamig, walang kaluluwa. Umalis si Manang Delia para magbakasyon sa probinsya. Ako na lang ang naiwan. Ako na lang ang nilamon ng konsensya. At ngayong gabi, heto ako. Umiinom sa isang bar sa BGC. Isa na naman sa mga gabi na ayokong maalala kung sino ako. Sa kandungan ko, may dalawang babae na nagtatawanan. Nakangisi, nakapatong halos, inaamoy ang leeg ko. Isa sa kanila, dumampi ang labi sa tainga ko. “D

