MASAKIT NA KATOTOHANAN

1666 Words
CHAPTER 2 NAYLL'S POV "Cheers to the newlyweds!" sigaw ng host habang sabay sabay na tinaas ng mga bisita ang kanilang champagne glasses. Sa gitna ng engrandeng reception hall, ako at si Cataleya ay nakatayo sa harap ng lahat-lahat ng mata nasa amin. Nakangiti siya, habang ako? Wala. Isang pilit na ngiti lang ang kaya kong ibigay. God, this is exhausting. "You look amazing, Nayll," bulong ni Cataleya habang nakahawak sa braso ko. "Thank you for today." Hindi ako tumingin sa kanya. Instead, I took a sip of my champagne, then looked around the room like I was searching for an exit. "You're not even gonna look at me?" mahina niyang tanong, pero rinig ko ang panginginig sa boses niya. "This is just part of the act, Cataleya," malamig kong tugon. "Don’t mistake this celebration for something it’s not." Nakita ko ang pagbitaw ng kaunting ngiti sa labi niya, pero mabilis niyang sinubukang bumawi. "I know... pero kahit papano, this is our wedding. You could at least try." "Try?" Napailing ako. "I already did enough. I showed up. I signed the papers. Isn’t that what you wanted?" Tahimik siya. Ilang sandali, narinig ko ang host na tinatawag kami para sa first dance. "Ladies and gentlemen, please welcome Mr. and Mrs. Nayll Villafuerte to the dance floor!" Mabigat ang bawat hakbang ko papunta sa gitna. Tumutugtog ang soft jazz music, eleganteng pinili para sa gabing ito. Hawak niya ang kamay ko. Yumakap siya sa leeg ko, habang ako ay halos hindi ko siya matingnan. "You smell like expensive regret," bulong niya, pilit na tinatawa pero ramdam kong may kirot. "You smell like desperation," balik kong sagot, hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong kasuklaman ang sitwasyong ‘to. Nakita ko kung paanong biglang nanigas ang katawan niya. "I guess I deserve that," mahina niyang sagot. "Yes, you do." After the reception… Pagkatapos ng mga speeches, photos, at gift-giving, nagpaalam na kami sa lahat. Hindi ko na hinintay pa ang send-off na fireworks. I just wanted to get out. Pagdating sa sasakyan, wala kaming imikan. At the Mansion… Pagbukas ng pinto ng mansion, agad akong dumiretso sa mini bar. I didn’t even take off my coat. I grabbed the nearest bottle, tequila, and poured it straight into a glass. "You really drink a lot, huh?" bulong ni Cataleya habang nakasunod sa akin. Nakatayo siya ilang hakbang lang mula sa likuran ko, suot pa rin ang wedding gown niya. Maganda siya, oo, pero hindi ko siya mahal. Not even close. "Leave me alone, Cataleya," malamig kong sabi habang nilagok ang alak. "Pwede bang... pwede bang mag-usap tayo kahit saglit lang?" Crash! Hinagis ko ang baso sa sahig. Napasigaw siya, napaatras. Pero hindi ako tumingin sa kanya. I couldn’t stand looking at her eyes yung mga matang punong-puno ng ilusyon. "You still don’t get it, do you?" unti-unti akong lumapit sa kanya, mabigat ang bawat salita. "This marriage... is nothing. It’s fake. It’s for business. Hindi kita pinili. You were forced into my life." "Nayll..." nanginginig ang boses niya, "alam ko naman ‘yon... pero sana kahit konting respeto" "Respeto?" Napatawa ako, sarcastic. "You think you deserve my respect just because you wore that damn dress?" Tumulo ang luha niya, pero pinilit niyang tumayo nang diretso. "Hindi ko hiningi ‘to para saktan mo ‘ko. Mahal kita, kahit pa" "Don’t say that!" pasigaw kong putol sa kanya. "Don’t ever say you love me. I don’t want your love, Cataleya. I never did. And you know why?" Tahimik siya, takot na takot ang tingin. "Because I already gave my heart to someone else. Si Seraphina. The woman I love. The woman I lost because of this damn marriage. But now... she’s back." Napalunok siya. "Bumalik na siya?" "Yes. And I swear, I will find a way to be with her again. Whatever it takes. So don’t expect anything from me. Hindi kita mamahalin. Never." "Mahal kita kahit masaktan ako, Nayll. I waited for this day—" "You waited for a dream, not for me," sabat ko. "You don’t love me, Cataleya. You love the idea of having me." Tumalikod ako, pero narinig ko ang pagbagsak ng luha niya sa sahig—sunod-sunod, parang ulan sa katahimikan ng gabi. "I’m not your fantasy, Cataleya. I’m your nightmare." Few minutes later… Nasa kwarto na siya, iniwan ko siyang mag-isa. Ako? Balik sa mini bar. Ilang shot pa ng tequila, pero kahit anong inom, hindi mabura ang frustration ko. Biglang may kumatok. "Pwede bang pumasok?" mahina niyang tanong mula sa labas ng pintuan ko. "Ano pa bang gusto mo?" "I just want to sleep beside you tonight. Kahit hindi mo ako kausapin. Just let me be near you... kahit ngayon lang." Napapikit ako. Damn it. Binuksan ko ang pinto. Nakatayo siya doon, nanginginig, pero may tapang sa mga mata. "You really don’t give up, do you?" "No. Because I married you with my whole heart." "Well, I didn’t." At tumalikod ako ulit, iniwan siyang nakatayo sa pintuan ko, luhaan. Hanggang sa narinig ko siyang bumalik sa guest room. That night, I lay in bed alone, Seraphina’s face haunting my thoughts. And yet, Cataleya’s silent tears wouldn’t leave my mind. Pagkapasok ko sa kwarto, ramdam ko pa rin ang tensyon sa katawan ko. Nagtanggal ako ng coat, binuksan ang unang button ng white polo ko, at dumeretso sa walk-in closet para magpalit. Ang hirap itago ng inis ko. Buong araw akong ngumiti sa mga tao, buong araw akong nagkunwaring okay lang ang lahat—pero hindi talaga. Tangina. Pinagmukha akong masaya habang pinipilit akong pakasalan ang taong hindi ko mahal. Hindi si Cataleya ang gusto ko. Hindi siya kailanman naging "siya." Nag-ring ang phone ko. Seraphina. Biglang nag-iba ang t***k ng puso ko. "Myloves" flashed on the screen. Kahit na gutay-gutay ang pakiramdam ko, nabuhayan ako ng loob. Sinagot ko agad. "Hello?" "Nayll..." Mahina ang boses niya. Halos pabulong. Parang umiiyak. "Seraphina, what’s wrong?" "Can you come over? Please... I need you." Hindi ko na siya pinapaliwanag pa. "I’m on my way." Pagkarating ko sa condo niya, hindi pa man ako kumakatok, bumukas na ang pinto. Nakatayo si Seraphina sa harap ko—nakasuot lang ng silk nightdress, kulay maroon, at magulo ang buhok niya. Pero kahit ganun, ang ganda pa rin niya. Siya ang tanging taong kayang palambutin ang puso ko. Wala siyang sinabi. Hinila niya ako papasok, diretso sa loob ng condo. Sinunggaban ko siya ng halik, mapusok, gutom, puno ng pagkasabik. Tugon niya’y kapareho ng akin—mapusok, sabik, pero may halong sakit. Pero bigla siyang natigil. "Nayll..." bulong niya habang nakapikit, luha ang pumatak sa pisngi niya. "Bakit siya ang pinakasalan mo?" Nanahimik ako. Nakayakap pa rin ako sa baywang niya, pero ramdam ko ang bigat sa tanong niya. "You told me... you loved me. That you’ll fight for me." "And I still do," mariin kong sagot. "Pero wala akong choice. You know this, Seraphina. It's for business, it's for the family." Tinulak niya ako ng kaunti. "So what am I, Nayll? Side piece? Secret lover?" Boses niya'y nanginginig. "Pinanood kong kinasal ka sa TV. I saw how she looked at you. She looked at you like you were her entire world." "She’s nothing to me," mariin kong sagot. "Cataleya is trash. A desperate little girl playing queen." "Pero asawa mo na siya!" sigaw ni Seraphina, sabay hampas sa dibdib ko. "Do you have any idea how much that hurts?!" "Hindi ko siya pinili! She forced herself into this! She begged her parents, and mine agreed! This marriage was never about love. It’s a cage. But you?" hinawakan ko ang mukha niya, "ikaw ang mahal ko. You’re the one I want to be with." Umiling siya, luha pa rin ang umaagos. "Then why does it feel like you left me?" "Because I did, for now. Pero hindi ito forever, Seraphina. Hindi ako titigil hanggang makawala ako sa kasal na ‘to. I’ll find a way." Tahimik siya. Pinikit ang mga mata niya habang huminga ng malalim. "I miss you so much," mahina niyang sabi. "Pero Nayll... hindi ako pwedeng laging palihim. Hindi ako panglihim na babae." "Hindi ka ganun. You’re my everything. This is temporary. Magtiwala ka lang." Meanwhile... Habang pauwi ako, hindi ko mapigilang maalala ang mukha ni Cataleya kanina sa reception. Kung paanong pilit siyang ngumiti habang magkasama kami. Kung paanong tuwing titignan niya ako, parang may iniindang sakit pero pinipilit itago. Pero ano ngayon? Dapat ba akong maawa? Hindi. Ginusto niya ‘to. Siya ang pumasok sa mundong ‘to, knowing full well na hindi ko siya kayang mahalin. Ang hindi lang niya alam, ako ang magiging dahilan kung bakit siya magdudusa araw-araw bilang asawa ko. I warned her. Pero pinili pa rin niya ako. Pagdating ko sa mansion, tahimik ang paligid. Madilim. May isang ilaw lang sa may hallway ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, nandoon si Cataleya—nakaupo sa kama, nakayuko, naka-robes pa rin. Magulo ang buhok niya. Mukha siyang pagod, parang umiyak. Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Pagbalik ko, hindi pa rin siya nagsasalita. "Wala kang balak magtanong kung saan ako galing?" malamig kong tanong. Tumingin siya sa akin, bakas sa mata ang lungkot. Pero ngumiti siya ng pilit. "Hindi kita pag-aari, Nayll. Asawa mo lang ako sa papel. Alam ko kung sino ang gusto mo." Napakapit siya sa dibdib niya. "Masakit, pero alam kong hindi ako ang pipiliin mo kahit kailan." "Good. At least malinaw sa’yo." "Pero kahit ganun... sana kahit konti, respeto man lang." Napailing ako. "Don’t expect anything from me, Cataleya. You chose this path. I’ll make sure you regret it." Tumayo siya. Tumulo ang luha niya habang diretsong nakatingin sa akin. "Sana balang araw, maramdaman mo rin kung paano masaktan nang ganito, Nayll." Naglakad siya palabas ng kwarto, dala ang dignidad niyang durog na. At kahit sandali... kahit isang segundo lang, may parte sa puso kong hindi mapakali. Pero agad ko rin iyong pinatay. Hindi ako mahuhulog sa patibong niya. Hindi kailanman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD