Chapter 5

1644 Words
Quenhyra POV Naalimpungatan ako sa mga kuliglig na naririnig ko sa labas ng bahay naming ni Mera. Nandito na ako sa kuwarto ko. Napaupo ako at inayos ang aking buhok. It must be Mera. Dinala niya siguro ako pauwi ng bahay namin. Umatake na naman pala ang sakit ko, suki na talaga ako ng Clinic ng School. Napatingin ako sa bintana, pumapasok dito ang liwanag ng buwan na nagbibigay ilaw sa madilim kong silid. Nagpapasalamat ako dahil nagising ako pa din ako na hindi dahil sa bangungot na hinahabol ako kundi dahil sa buwan na inaanyayahan akong panoodin siya, kinuha ko sa lalagyan ang balabal ko at lumabas. Dahan-dahan akong lumabas ng bahay. Ayoko ng istorbuhin pa si Mera lalo na at alam kong pagod siya at kailangan niyang magpahinga dahil sa akin kapag ganitong maayos ang gising ko ay naglalakad-lakad ako para makapag-isip. Nilanghap ko ang mabangong simoy ng hangin. Nagpapa-relax ito sa buo kong katawan. Ahh, this is life! Ito ang pinapangarap kong buhay. Isang bahay na puno at napapaligiran ng bulaklak at mga malalabong na puno ng kahoy pero sa tingin ko ay hindi na mangyayari iyon dahil sa markang nasa pagitan ng leeg at balikat ko. Noon pa man ay alam ko na kung ano ito kaya masasabi kong pag-aari niya talaga ako kahit pa hindi iyon gusto ng buo kong pagkatao. I can’t change my fate. Kaakibat ng markang ito ay ang halimaw na nagmamay-ari dito. Alam kong hindi ko siya matatakasan ngunit habang nasa tabi ko si Mera ay kailangan kong suliitin ang pagiging malaya. I am on the middle of the forest. I know I am safe here. Naupo ako sa damuhan kung saan malaya kong nakikita ang langit at mga butuin. Malawak ang damuhang ito at marami ding iba't-ibang uri ng mga bulaklak. I traced the mark between my neck and collarbone –the mark of the Devil. Ang markang ito na siyang magpapahamak at nagpapahamak sa akin. Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Bakit pa kami ang itinadhana kung ito lang din naman ang sasapitin ko hindi ba? Bakit ako pa ang napili para sa kanya kung puro sakit lang din naman ang dala niya? Marahil, kung may nakakaalam lang nito sasabihin napakaswerte ko. Ako si Gailzie Quenhyra ay kabiyak ng Vampire King maraming luluhod para lang maging kaibigan ako diba? Ngunit, nagkakamali sila dahil kung papipiliin ako mas gusto ko nalang maglaho sa mundong ito wala din naman akong babalikan dito hindi ba? Lahat kinuha niya sa akin, pamilya ko, kaibigan ko, pangarap ko at buo kong pagkatao. Wala man lang siyang tinira dahil makapangyarihan siya lahat nakukuha niya lahat gagawin ang lahat kahit pa lumuhod sa kanya. Tumingin ako sa madilim na kalangitan kanina lang may mga butuin nagniningning at maliwanag na buwan. Bakit bigla naman yatang nawala? Nakikisabay ba ang panahon sa paghihirap ko? Nagbabadya ang bubuhos na ulan pero wala akong pakialam tanging gusto ko lang muna ay ang makalaya sa mga problema kahit panandalian. Inihiga ko ang aking katawan sa damuhan at ipinikit ko ang aking mga mata kung mababasa man ako ngayon, mas mabuti dahil bahagi iyon ng kabataan ng isang tao na hindi ko nalasap man lang. Naalala ko ang mukha ng mga magulang ko at ng mga matatalik kong kaibigan sana masaya sila kung nasaan man sila ngayon. I feel the sadness in me but then, the peace I am enjoying was interrupted. Napabalikwas ako nang may marinig akong mga ingay wala naman sigurong nakapasok dito hindi ba? Sana naman hindi. Sinigurado ni Mera na walang estrangherong makakatapak sa territoryo naming dalawa maliban na lamang kung imbitado ka. Napalinga-linga ako sa paligid bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso ko. Palapit nang palapit ang mga yabag na naririnig ko. Nararamdaman kong aatakehin na naman ako ng sakit ko. Bakit ba habulin ka ng kapamahakan Quenhyra may balat ka ba sa puwet? Sinong tanga ang gagala-gala nang ganito sa kailaliman ng gabi at nag-iisa pa? Kulang na lamang sigawan ko ang sarili ko dahil sa kagagahang ginawa ko. Dear Lord, help me... pipi kong dasal. Mabilis akong tumayo at nagtago sa likod ng puno na malapit sa akin. Palakas nang palakas ang mga naririnig kong mga yabag huwag naman sanang mga Proletarius. Huwag naman sana... please... please not a Proletarius Vampires! "Ahh!" Gulat kong sigaw nang may humawak sa akin. Vampire Strenght. Check! I am doomed! "A young lady in the middle of the night. Your blood it smells delicious," nabungaran ng mata ko ang isang lalaking napakalaki ng pangangatawan at naglalaway. Sh*t! Cravings. Check! You are f****d-up Quenhyra! "Your blood is something." Dagdag niya habang inaamoy ang hangin. Wala na check, check na lahat. It’s really a Proletarius! I am dead! So dead! "Mind sharing, bro?" Nanginginig akong tumingin sa likod ng bampirang may hawak sa akin. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima at anim silang lahat kasama ang bampirang nasa harap ko. "Ofcourse, sinu-sino pa ba ang mag bibigayan tayo-tayo din naman ‘di ba?" He smiled wickedly making me shivered in fear. Why do I have this feeling na gulo talaga ang lumalapit sa akin? At hindi nito ako tinatantanan. He gripped my hands tighter. Napaigik ako sa ginawa niya. Naglalaway naman akong tinititigan ng mga kasamaha niya sa likod. Ako ang biktima nila ngayong gabi! I am their food! Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya. I know any time sooner kapag lumabas ang halimaw sa loob nila aatakehin na naman ako ng sakit ko. I hate violency. Ito ang nagpapahina sa akin. "Gusto ko ang pagkaing tulad mo. I smelled your fear," sabi niya habang inaamoy ang hangin. Kailangang kong makaalis dito. Kailangang kong makahingi ng tulong kay Mera. Unti-unti ng nanginginig ang tuhod ko pati ang buong kalamnan ko. "Huwag maawa kayo, huwag ako," paki-usap ko. Ayaw ko man itong gawin sa kahit na sinong bampira. Wala akong magagawa kung gusto ko mang maglaho sa mundong ito not in this way. No I won't allow myself to be killed by this Vampires. Kung gugustuhin ko pwedeng ako ang bumawi ng sarili kong buhay pero may takot pa rin ako sa Diyos. Sana naman hindi nila malaman kung sino ako dahil mas magiging malaking problema ito sa akin. He slapped me right on my face. Umalingawngaw sa buong gubat ang lakas ng sampal niya sa akin. Hindi, hindi maari. Kinapa ko sa sarili ko. Kinapa ko maging ang lakas ng loob upang makatakas sa kanila. Bumalik ka sa katinuan mo Quenhyra! Bilisan mo na bago ka maging midnight snack nila nang mahismasmasan ako sa takot. Buong lakas ko siyang tinuhod sa p*********i nito ang bampirang may hawak sa akin. Nabitawan niya ako at agad akong tumakbo nang tumakbo nangg mabilis bumalik ako kung saan ako dumaan kanina. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Hindi man ako ang pinakamabilis tumakbo. Ginawa ko naman lahat ang makakaya ko para makatakas sa kanila. Nang matanaw ko ay bahay namin ay agad akong nagsisigaw. "Mera! Mera! Tulong! Tulong!" Sigaw ko habang Tumatakbo at tumitingin sa likod na ko. malapit na sila. "Mera! Tulong!" Hestirikal kong sigaw. Nakita ko na binuksan niya ang pinto, tinignan niya ako ng nag-aalala nakasuot pa siya ng pantulog. She abruptly notices the vampires behind my back. Taranta akong pumasok sa pinto nang makapasok kami sa loob. We locked the door at ginamit ang aming sarili upang barahan kong anuman ang papasok dito. Hinihingal akong sumandal sa pintuan ng bahay namin ganoon din ang kaibigan ko. "Ano yon Que –what the hell?!" Hindi natapos ni Mera kong anong sinasabi niya bigla nalamang siyang napamura at mas buong pwersang tinutulak ang pinto namin. Sh*t! Sh*t! What I’ve gotten myself into?! Pahamak talaga ang dala ko! "Ano ito, Nhy?!" Sigaw niya habang tinutulak pa rin ang pinto. "Proletarius! They are chasing me! They want my blood! Ahh!" Sigaw ko na sagot sa kanya dahil sa biglang may malakas na lagabog sa pintuan namin. Pwersahan nila itong ginigiba upang makapasok pikit mata kong inihaharang ang sarili ko sa pinto namin. "Damn! Damn! How did they enter here? Sinigurado kong malakas ang mahikang iniligay ko sa buong paligid ng territoryo natin!" Inis na sigaw niya. "Hindi ko din alam paano! Ahh!" This time mas malakas na ang pagsigaw ko dahil mas malakas na pagtulak ang tumama sa pinto. Six Vampires! Banging our door! Dalawa lang kami at babae pa. Sana naman may tumulong sa amin. Sana naman. Sa magkabilang direksyon kami tumilapon ni Mera ng sa huling pagkakataon ay nawasak ang pintuan namin. The door shattered into pieces. Tumilapon ang katawan ni Mera sa aparador ng mga dekorasyong pinggan at mga baso. Nawalan ito agad ng malay. Tumilapon naman ako sa sofa atleast maswerte pa rin ako kahit kaunti. Ang malas ko lang dahil pumasok na ang mga gutom na gutom na bampira. Ang isang may hawak sa akin kanina ay kinuha niya ako gamit ang leeg ko. Nahihilo ako dahil sa impact na nangyari kanina. Dalawang tao siya sa paningin ko, epekto ng hilo ko. My head hurts like hell. “Ang ayoko sa lahat ay pinahihirapan ako ng pagkain ko!" He angrily said and throw me at dining table. It hurts so much hurts we we're going to die in the hands of this filty vampires. Kinuha niya ulit ako, pinalabas niya ang dalawang matutulis niyang pangil. Geez! Ang baho ng hininga ng bampirang ito biro ko sa sarili ko mamatay din naman ako. Mawawalan na ako ng malay. But, before he sank his teeth on my skin a miracle happened. May narinig akong mga tinig na alam kong tutulungan kami still there's a little hope for us I heard their voices before everything turns into black. "All of you will be dead."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD