Alas-4 pa lang ng madaling araw ay umalis na si Love sa kanila at nagsimula ng maglakad papuntang university. Siya ay nakaputing t-shirt at olive green na short. Puti rin ang kanyang rubbershoes. Hindi na muna niya pinusod ang kanyang mahabang buhok dahil basa pa. ** Alam mo yung nakakahiya? Yung "HA?" ka ng "HA?" sa taong malayo sayo tapos yung katabi mo pala ang kausap niya. --- Nyahahaha! Gud mrning mga buddy! Hv a great day! Lkd lkd na ppuntang skul. #training day ** Sent. Habang naglalakad ay nag-GM si Love. May ilang nagreply ng "Ingat." sa kanya. Nang makarating sa university ay pinapasok naman agad siya ng guard at tinahak niya ang daan papunta sa DMST Office. Madilim na at sira ang poste ng ilaw banda sa building kung nasaan ang office. Ngunit hindi naman siya natatako

