Panibagong araw nanaman. Para kay Love, isa ito sa pinaka magandang araw niya dahil mula ng manligaw si Gelo ay ito ang unang beses na hindi ito nangulit. Absent kasi ito ngayon. Ilang araw na rin siyang nagtataka sa kanyang dalawang kaibigan dahil ilang araw na ang mga ito na busy sa kani-kanilang cellphone. "May assignment na ba kayo kay Ma'am Falco?" Tanong ni Love sa mga ito. Tinutukoy niya ang assignment nila sa stenography. Kokopyahin lang nila ang strokes na nasa libro at isa-isa raw nila itong babasahin para sa kanilang graded recitation. Ngunit walang nakuhang sagot si Love mula sa dalawa. Busy pa rin ang mga ito at maya-maya ay tila kinikilig ang mga ito. "Huy! Aba! Aba! Kanina pa kayo nakatutok sa cellphone niyo ah." Pagrereklamo ni Love. Tila natauhan naman ang dala

