A/N: Before you read po, pwede niyo po muna balikan yung simula nitong kwento. Ito po kasi yung karugtong. Salamat! ♡♡♡♡♡♡♡♡PRESENT♡♡♡♡♡♡♡♡ Isang linggo na rin ang nakalilipas buhat ng muling magkita si Love at si Paolo Lovendaño sa The Moody. Naiinis ang dalaga sa sarili niya dahil mukhang mapupurnada pa ang plano niyang paghihiganti. Mukhang hindi niya kaya. Gusto na niyang bawiin ang paghihiganti. Tila ayaw na niyang makaharap muli ang binata. Ang ginawa kasi niya noong gabi na iyon ay tumakbo. Oo. Tumakbo siya ng mabilis. Iniwan niya ang kanyang kaibigan sa restobar at wala na siyang paki basta ang mahalaga lamang sa kanya nang mga oras na iyon ay ang makaalis. Ang makatakas. Tila bumalik ang lahat-lahat ng naramdaman niya noon. Ang hiya na naramdaman niya dahil sa kanya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


