Simula

1867 Words
Nagmahal. Nasaktan. Nagmove-on. Pero sa lahat yata ng nagmove-on, ako yung pinaka kakaiba. Hindi ko naman kasi naging jowa pero minahal ko---- ng palihim. Hindi niya alam--noong una. Pero umamin ako sa kanya. Nakakahiya! As in! Until now, pinagsisisihan ko ang pag-amin sa kanya ng nararamdaman ko. Letseng 2012 kasi iyan, ang sabi kasi noon magugunaw na ang mundo kaya hindi na ako nagdalawang-isip na magconfess sa kanya. Well, 10 years naman na ang nakakalipas. I'm 27 years old at single pa rin ako. Ewan ko kung nakamove-on na nga ba talaga ako. Sobra akong nasaktan noon eh. Iyan kasi! Ang sabi kasi sa akin dati ay mag-aral ng mabuti hindi maglandi. Eh inuna ko ang crush crush na iyan na nauwi sa love. Ayan tuloy sobra akong nahulog at hindi na ako makaahon. Nainis ako sa kanya. Nagalit. Nagagalit ako kasi sinaktan niya ako. Pero hindi niya naman alam na nasaktan niya ako pero basta, GALIT AKO SA KANYA. Gusto kong gumanti. Gusto ko din siyang saktan. Huwag lang sana magtagpo ang mga landas namin dahil hindi niya magugustuhan ang paghihiganti ko. SABADO ngayon at niyaya ako ng kaibigan ko sa trabaho na si Tricia na magrestobar. Saturday at Sunday ang paborito naming araw sa pagpunta dito sa The Moody. Para kasi ito sa mga sawi. Araw namin ito at itong The Moody ang paborito naming tambayan. Kakabreak lang ULIT nila ng jowa niya. At itong gaga na ito, super duper broken. Sa loob kasi ng tatlong taon na relasyon nilang magjowa ay natatansiya ko nang mahigit isang daang beses na silang naghiwalay at nagkabalikan. At sa tuwing nagbebreak sila ay ako itong iniistorbo niya at sinasama dito sa The Moody. "Hindi na niya ako mahal, bes." Maluha-luhang sabi ni Tricia sa akin. Nasa secondfloor kami at kaming dalawa lamang ang nasa table na mayroong isang bucket ng beer. Humalukipkip ako dahil sa aking narinig. "Suuus! Iyan din ang sinabi mo noong nakaraan." Pambabara ko sa kanya. "Totoo na talaga ito, bes. Sa tingin ko, wala na kaming pag-asa." Nakatulala na siya habang nagsasalita at kaunting-kaunti na lamang ay mahuhulog na ang mga namumuong luha sa mga mata niya. Maya-maya ay naririnig na naming kumakanta si Kuya Rob. Siya ang owner ng restobar na ito. Kilala na namin siya dahil minsan namin siyang nakausap at nakakwentuhan. Broken din pala ang mokong na iyon. Kung sino man ang nagwasak ng puso ng super hot and gwapong si Kuya Rob, isa lang ang masasabi ko, siguraduhin mong maganda ka dahil kung hindi ay sasabunutan talaga kita. Nang matapos ang kanta ni Kuya Rob ay nagulat na lang ako sa hitsura ni Tricia. Halos maghalo na kasi ang sipon at luha niya. Jusko itong babae na ito. Ang dugyot! Lumipat ako sa tabi niya at pinunasan ko ang pagmumukha niya. Kagandang babae pero tulo uhog kung umiyak. Tsk! Niyakap ko rin siya upang pagaanin ang kalooban niya. Ganito naman lagi ang ganap. At kung noon ay napakarami ko pang sinasabi na advice sa kanya, ngayon ay nananahimik na lang ako. Dahil kahit ano namang sabihin ko, hindi naman niya susundin iyon eh. Nangunguna yata itong bes ko sa pila ng mga marurupok. Habang niyayakap at inaalo ko siya ay sabay kaming napatingin sa cellphone niyang navivibrate. Kahit hindi ko tignan ay alam ko na kung sino iyon. "Sagutin mo na ang phone mo." Sabi ko ngunit umiling lang siya. "Ayoko na bes. Ayoko na makipagbalikan sa kanya. Napakatoxic na. Palagi na lang ganito. Napapagod na ako." Humihikbi-hikbi pang sabi ni Tricia. Napaikot naman ng very very hard ang mga mata ko. Maya-maya ay tumigil na sa pagvibrate ang phone niya. Makalipas lamang ang ilang sandali ay nagvibrate uli saglit ang phone niya. "Basahin mo na ang message niya." Sabi ko. Muling umiling si Tricia. Nang mahimasmasan si Tricia ay nag-enjoy na lamang kami sa kakapakinig ng mga songs mula sa live band. Sapul na sapul si Tricia sa bawat lyrics ng kanta kung kaya paminsan-minsan ay nagiging teary-eyed ito. Nagpaalam ako sa kanya na gagamit lang ako ng restroom. Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay sa sink at nagretouch na rin. I just put some powder on my face at naglipstick. Konting wisik ng pabango and okay na. Hindi na amoy nakipagbakbakan sa giyera. "Omg! Nakita mo ba yung kasama ni Rob?" Kinikilig na ani ng isang babae na kakapasok pa lamang dito sa restroom. "He's so hot, ughh!!" Gigil naman na sabi ng isa na may paaction pa sa kamay na akala mo ay umaapoy. "At dahil ang puso ni Rob ay exclusive lamang sa babaeng minahal at minamahal pa din niya at imposible kong masungkit, doon na lang ako sa hottie at cutie na bago niyang kasama." Kinikilig na sabi naman ng isang babae na hindi naman kagandahan. Napataas ang isang sulok ng labi ko at tinignan sila sa repleksyon ng salamin na tila hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig. Tingin na tila pinandidirihan ko sila. Aba! Maski sa panaginip, hinding-hindi ipagpapalit ni Kuya Rob si Lia. One and only love niya iyon eh. Napatingin din sa gawi ko ang tatlong dugyutin na mga babae at sabay-sabay nila akong inirapan. Umalis na lang ako sa loob dahil naiinis ako sa mga pagmumukha nila. Pero sa kabilang banda ay nacucurious ako. Sobrang hot at gwapo ba talaga ng kasama ngayon ni Kuya Rob? Grabe kasi ang mga pinagsasabi ng mga babae na nakasama ko sa restroom. Kulang na lang ay sambahin nila iyon. Habang tinatahak ko ang daan pabalik sa table namin ni Tricia ay hindi ko mapigilang luminga-linga sa paligid pati na rin sa ibaba. Nagbabakasakali na makita si Kuya Rob at ang hot and gwapo DAW na kasama nito. Nakabalik na lang ako sa table namin ni Tricia ay hindi ko man lang nakita ang nais kong makita. Pabagsak akong umupo sa malambot na upuan at nagcross arms. "Alam mo ba bes, may nakasabay ako kanina sa restroom tapos pinag-uusapan nila si Kuya Rob. Pero hindi si Kuya Rob ang pinag-uusapan nila, ang gulo ko noh? Eh kasi yung kasama ni Kuya Rob ang pinag-uusapan nila. Ang gwapo daw at ang hot. Kaso hindi ko makita si Kuya Rob. Curious sana ako sa sinasabi ng mga haliparot na dugyot na mga babae kanina eh. Nakuuu.. kapag iyan hindi kasing gwapo ni Sir Labs---" natigilan ako. Bakit ba ang bahu-baho ng lumalabas sa bibig ko ngayon? Bakit ba biglaan kong nabanggit ang pangalan ng lalaking yun? Oo, siya ang mahal na mahal ko noon na sinaktan lang ako. Hmp! Nakakainis! Pagtingin ko kay Tricia ay abala ito sa cellphone niya. Mukhang kanina pa siya busy sa pagcecellphone at hindi niya narinig ang mga pinagsasasabi ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil hindi pala niya ako pinapakinggan o matutuwa dahil hindi niya narinig ang pagbanggit ko sa pangalan ng taong sumira at nagwasak ng mura kong puso. "Huy Tricia!" Tawag ko sa kaibigan ko. At tignan mo nga naman ang babaitang ito, ni hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. "Hoy bes!!" Tawag pansin ko uli sa kanya pero ang gaga ayun napapangiti ng kaunti habang nakatutok sa cellphone niya. Tumayo ako at tumabi sa kanya. "Hooy!!" Muling sabi ko at mariing hinawakan siya sa kanyang balikat. Nagulat siya sa ginawa ko at sinamaan ako ng tingin. "Ano ba iyan! Bakit ka ba nanggugulat?" Inis na singhal nito sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata at tinaasan ng isang kilay. "Hoooy! For your information, hindi kita ginulat. Ikaw ang nagulat. Tinatawag lang kita. Kanina pa ako salita ng salita dito pero hindi ka naman pala nakikinig!" Inis ko ring singhal kay Tricia sabay irap. Lumayo ako sa kanya ng kaunti sabay halukipkip sa isang tabi. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako patagilid. "Sorry na bes. Nabusy lang ako. Eh kasi ano eh.." bigla namang napatigil si Tricia sa sinasabi niya. "Kasi ano?" Tanong ko pero mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin. "Kayo na ulit?" Lumaki ang mga mata niya sabay hampas sa akin, pero mahina lang. "Hindi naman sa ganun. Pero nakikipagbalikan kasi siya. Anong gagawin ko?" Pabebe nitong tanong sa akin. Humalakhak ako na may kasamang palakpak. Medyo nakakuha pa nga ako ng atensyon sa iba pero agad akong humingi ng paumanhin sa kanila. Jusko talaga itong kaibigan kuuu. Kumalma muna ako at nagpunas ng kaunting luha na lumabas sa mata ko dahil sa pagtawa. "Anong gagawin mo, bes? Balikan mo. Balikan mo siya. Kasi mahal mo eh, diba? Magpakasaya ka uli sa piling niya, tapos kapag nasaktan ka, babalik tayo rito. Tapos sasabihin mo ayaw mo na, hindi ka na makikipagbalikan pa. Pero isang tawag lang, isang text lang, kayo na uli. Ganun bes. Ganun dapat! Reyna ka ng karupukan eh. Diba?" Sarcastic kong sabi sa kanya. Napansin ko ang paglungkot ng mukha ni Tricia. Naoffend ko siguro siya pero duh! Deserve ng bessy kong ito ang ma-real talk paminsan-minsan. "Grabe ka naman." Maikli niyang tugon. Nakatingin na ito sa baba at hindi na makatingin ng diretso sa akin. "Hindi ka ba nagsasawa? Paulit-ulit bes. Paulit-ulit kayo, paulit-ulit tayo. Kailan ka ba matatauhan? Nasaktan na din naman ako, alam mo naman ang kwento ko diba? Pero pinili ko na lang na lumayo. Kahit ang gwapo-gwapo niya, kahit patay na patay ako sa kanya, kahit gustung-gusto ko siya kahit mahal na mahal ko siya, lumayo ako. Wala eh. Hindi kami ang para sa isa't-isa at tinanggap ko yun. Hindi na ako umaasa na mapapasaakin ang isang Paolo Lovendaño!" Madrama kong sabi. Medyo pumiyok pa ako sa huli. Ito na siguro ang pinakamatindi kong pag-aadvice sa bestfriend kong tanga. Para lang matauhan siya, sige, uungkatin ko na ang nakaraan ko. Hindi baleng bumalik uli ang sakit sa puso ko basta ba matauhan lang ang bestfriend ko. "Did I heard it right? Do you know my cousin? Paolo Lovendaño?" Ani Kuya Rob. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Tama din ba ako ng inaakala? Si Kuya Rob nga ba ang nagsalita? Nakatalikod pa rin kasi ako sa kanya at hindi pa rin siya nililingon. Cousin? Cousin ni Kuya Rob si Sir Labs? Paano? What a small world! Naramdaman ko na lang ang kamay ni Kuya Rob na tumapik sa balikat ko. Lumapit siya sa amin at tumigil sa harap ng aming table. Hindi ko pa rin magawang mag-angat ng tingin. Nakita ko ang katawan niya. "Nila" pala dahil dalawa sila. Napansin ko kaagad ang tattoo sa braso ni Kuya Rob kaya alam kong siya ang nakanavy blue na polo. Napansin ko din ang pamilyar na maugat na braso ng kasama niyang lalaki na nakalightblue polo. Napalunok ako. At unti-unti ko nang inangat ang paningin ko at halos malagutan ako ng hininga. Hindi nga ako nagkakamali. Siya talaga! Si Sir Labs. Si Paolo Lovendaño. Halos kumawala na sa katawan ko ang aking puso sa sobrang lakas ng pagtibok nito. My first heartache. My first heartbreak. Pero bakit ganito? Tulad ng dati, hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sa akin sa tuwing nakikita ko siya. Pero hindi! Galit ako sa kanya. Sinaktan niya ako. At ngayong muli kaming nagkita, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang araw na ito. Ang muli naming pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD