School Year: 2011-2012
"Congratulations sa inyo mga anak. Super proud ako sa inyo. Pagbutihin nyo pa ang pag-aaral dahil magkokolehiyo na kayo." Sabi ni Reynold na Uncle ni Love. Kakatapos lang nang kanilang graduation ceremony at lulan na sila ng sasakyan na minamaneho ng tiyuhin ni Love kasama ang kanyang Auntie Charity at pinsan na si Cherry na nagtapos din ng high school.
Sila ay kakain sa isang restaurant upang i-celebrate ang pagtatapos ng dalawa.
Simula nang tumuntong si Love nang highschool ay nakatira na siya kasama ang Uncle Reynold niya at ang pamilya nito. At dahil nakapagtapos na siya ng highschool, siya ay may apat na taon na ding hindi nakakasama ang ina dahil ito ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Noong una at ikawalang taon niya sa hayskul ay walang palya sa pagpapadala ang mama niya ngunit pagtungtong niya sa ikatlong taon ay ni-piso hindi na ito nagpapadala at tuluyang nawala ang komunikasyon nila. Nag-alala siya sa ina noong una hanggang sa nasanay na lang siya na wala nang update sa buhay nito.
"Opo, Uncle Rey. Mas lalo ko pa pong pagbubutihan ang pag-aaral ko." Sagot niya sa tiyuhin na kadalasan niyang tawagin sa pinaikling pangalan nito. Siya ang katabi ng tiyuhin sa harapan at nasa likod naman ng sasakyan ang mag-ina nito.
"Hoy Love! 2 year-course lang ang kunin mo ha! Para naman after 2 years, makatulong ka na sa amin ng Uncle Reynold mo. Dalawang taon ka na ring pabigat sa amin." Walang preno at habas na sabi ng Auntie Charity niya.
Nalungkot siya sa narinig. Nais pa man din niyang maging isang guro. Naisip niya tuloy ang kanyang ina. Kung nagpatuloy pa rin sana ito sa pagsuporta sa kanyang pag-aaral, sana ay makukuha niya ang gusto niyang kurso.
"S-sige po, Auntie." Mahinahon niyang sagot sa tiyahin.
"Ano ka ba naman, Charity. Hayaan na natin ang bata kung ano ang gusto niyang kurso. Balita ko pa naman ay pangarap nitong si Love na maging teacher. Tama ba, Love?" Humawak pa ang kanyang tiyuhin sa kanyang kamay. Nagkatinginan sila saglit at pagpapasensya ang nakita ni Love sa mga mata nito.
NANG makarating sa pupuntahang restaurant ay agad silang nag-order ng pagkain.
Umupo sila sa four-seater table. Ang mag-asawa ay magkatapat nang upuan. Katabi ni Love ang kanyang uncle at katabi naman ni Cherry ang kanyang ina.
Hindi nagtagal ay isinerve na ang inorder nilang pagkain.
Natakam bigla sa mga inilalapag na pagkain si Love. Kanina pa kasi siya nagugutom.
Napansin naman niya sa kanyang katapat ang pinsan na bakas din ang kasiyahan sa mukha ngunit sa iba ito nakatingin.
Nakatingin ito sa waiter na nagseserve ng mga inorder nilang pagkain.
Napangiwi si Love at ibinalik ang tingin sa pinsan na kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata.
Aksidente namang napatingin si Cherry sa kanya kaya nawala bigla ang ngiti sa mga labi nito. Tinignan niya si Love ng "ANONG-TINITINGIN-TINGIN-MO-LOOK".
Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at muling napasulyap sa nakasideview na mukha ng waiter.
Napatingin din ito sa kanya at dali-dali siyang nag-iwas ng tingin.
Para sa kanya kasi ay nakakahiya ang nangyari dahil nahuli siya nito na nakatingin. Pinamulahan tuloy siya nang mukha. Umayos na lang siya ng upo at tumingin na lang sa kanyang mga kamay na nakapatong sa hita niya.
Isa lang ang masasabi niya. Ang gwapo nga nung waiter kaya hindi na siya magtataka kung bakit ganun na lang kung makatingin ang kanyang pinsan.
Habang nakatingin si Love sa mga kamay niya ay biglang nakarinig siya ng kalansing nang nahulog na kubyertos.
"Ay! Nahulog." Mahinhing sabi ni Cherry.
Nakita naman agad ni Love kung saan napunta ang kubyertos. Nasa paanan ito ng gwapong waiter kaya naman ay niyuko niya ito at kukunin sana pero nagulat na lang siya ng may isang kamay na pumatong sa kamay niya.
Napatingin siya sa may-ari nun at lalo pa siyang namangha sa nakikita nang matitigan pa lalo sa malapitan ang mukha ng gwapong waiter.
Kinuha na nang waiter ang nahulog na kubyertos at saka lang bumalik sa realidad ang dalaga nang tumayo na ito.
Umayos muli nang upo si Love. Palihim niyang tinignan ang magnetic name badge ng waiter.
Paolo.
ARAW ng enrollment.
Hinatid sila Love at Cherry papunta sa sikat na State University sa kanilang lugar na papasukan nila para mag-enroll.
Naunang bumaba sa lumang kotse si Love. Nilanghap pa niya ang sariwang hangin kasabay nang nagsasayawang dahon ng mga puno. Habang si Cherry naman ay nakabusangot na bumaba ng kotse.
"Salamat po sa paghatid, Uncle Rey!" Ani Love.
"Papa, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Gusto ko sana sa FEU, ayaw ko dito." Pagrereklamo naman ni Cherry sa kanyang tatay.
"Mas makakatipid tayo kung dito ka mag-aaral, anak. At saka, dalawa naman kayo ni Love na mag-aaral dito. Ayaw mo ba nun?" Nakangiting sagot naman nito sa anak.
Sinimangutan lang siya lalo ni Cherry na ikinatawa naman niya. "Lubog nanaman iyang ilong mo tapos salubong pa ang kilay. Sige na, mag-enroll na kayo. Bye!" Pagpapaalam niya sa dalawa.
Sabay na nagtungo ang dalawa sa building kung saan nandoon ang registrar. Napakahaba ng pila at ang daming tao. At dahil hindi pa nila alam kung paano ang proseso ng pag-eenroll ay naisip ni Love na magtanong. Kaso ay napakamahiyain niya kaya humahanap pa siya ng tiyempo.
Nagpalinga-linga siya sa paligid para pumili sana nang mapagtatanungan nang biglang napadako ang kanyang mata sa nakapaskil na papel sa dingding.
Napangiti siya ng maluwag dahil hindi na niya kailangan magtanong kung ano ang uunahin. Dahil ang papel na nakapaskil pala ay ang mismong step-by-step procedure for enrollment para sa mga incoming first year students.
Una, kailangan nilang kumuha ng pass slip sa Guidance Office bago pumila sa registrar.
Mahaba-haba din ang pila dito at medyo may kasikipan ang pasilyo.
Pumila na sila ni Cherry papuntang Guidance Office. Todo naman sa pagpapaypay si Cherry at tahimik lang itong nagmamaldita.
"Hmp. Makapaghanap na nga lang ng gwapo," bulong ni Cherry na hindi nakatakas sa pandinig ni Love.
Thirty minutes na sila sa pila pero medyo malayo pa din sila sa katotohanan kaya naman naisipan ni Cherry na pumunta sa cafeteria para bumili ng maiinom.
Naiwan si Love sa pila nila at tumitingin na lang sa mga taong dumaraan sa gitna ng pasilyo.
"Hi, Sir Romero!!" Bati nang isang grupo ng kababaihan na nakaagaw ng atensyon ni Love. Halata pa sa mga boses nila na kinikilig sila kaya naman naintriga si Love sa binati nilang Sir Romero.
Paglingon niya ay bumilis ang t***k ng puso niya.
Matangkad, moreno at mapupungay ang mga mata at aaminin niyang mayroon itong angking kagwapuhan.
"GOOD morning po, Ma'am," bati ni Love sa hindi gaano katandang babae na sa tingin niya ay ang siyang Guidance Counselor ng eskwelahan. Mrs. Helena Bilbao- Guidance Conselor, ang nakalagay sa black acrylic table name plate nito.
"Good morning. Have a seat," mabait na bati din nito kay Love.
Maingat na umupo si Love.
"Course?" Tanong ng Guidance Counselor.
"BSE po major in Filipino."
Agad na hinanap ni Mrs. Bilbao ang folder ng passers ng BSE major in Filipino.
"Pangalan?" Tanong muli ni Mrs. Bilbao.
"Love po. Love M. Paulo." Magalang niyang sagot.
Maya-maya lang ay pinapirma si Love sa katapat ng kanyang pangalan at binigyan siya ng papel. Iyon na marahil ang pass slip niya.
"Pwede ka nang dumiretso sa registrar at humingi ng form. Ipresent mo lang iyan," sabi ni Mrs. Bilbao.
"A-ah Ma'am. Pwede po ba akong magpalit ng course?" Tanong ni Love.
"Oh, bakit?" Sagot nito sa kanya sabay baba nang salamin na suot.
"Naisip ko lang po kasi na gusto kong makapagtapos agad ng pag-aaral kaya 2 year-course na lang po sana ang kukunin ko," sagot ni Love.
"Sayang naman ang grades mo. Pumasa ka sa education course that requires 85 and up average," ani Mrs. Bilbao.
Nanahimik si Love at napayuko.
"But if that's what you want, sige. Nanghihinayang lang talaga ako," sabi pa uli ni Mrs. Bilbao.
May tatlong course lang na inooffer ang University para sa Two-year course.
FBPS- Food and Beverages Preparation & Services
DCS- Diploma in Computer Secretarial and;
CST- Computer System Technology
Pinili ni Love ang DCS at agad na pinalitan ni Mrs. Bilbao ang pass slip niya.
Agad na nagpasalamat si Love at lumabas na nang office. Sumunod naman na pumasok si Cherry.
HAPON na sila natapos sa pag-eenroll at super excited nang pumasok si Love. Ang course na kinuha naman ni Cherry ay BSBA major in Marketing.
MABILIS na lumipas ang natitirang araw ng bakasyon. Ngayon ang unang araw ng klase kaya naman ganadong bumangon si Love pagkarinig niya sa kanyang alarm.
Alas-otso ang simula ng unang niyang subject, gayun din kay Cherry kaya naman ay sabay silang hinatid ng Uncle Rey niya.
Masayang-masaya siya habang naglalakad nang nakauniporme.
Sa hindi kalayuan mula sa gate ay may nakita siyang pamilyar na nakatagilid na pigura ng isang lalaki na mayroong kausap na isang naka-coat and tie na lalake habang may dalawa pang kapareho nito nang suot sa likod nun.
Napakapamilyar talaga nito pero ipinagkibit-balikat na lang niya dahil hindi naman na iyon mahalaga.
Nasa magkaparehong building lang sila ni Cherry at maya-maya lang ay nahanap na niya ang kanyang classroom.
NATAPOS ang klase niya sa umaga at papunta na siyang cafeteria. Wala pa siyang nagiging kaibigan sa mga kaklase niya kaya siya lang mag-isa ang kakain ngayon. May mga nakikita naman siyang kaklase niya noong highschool ngunit may kanya-kanya na itong mga kasama.
Matapos mananghalian ay pumunta na agad siya sa room ng kanilang susunod na subject.
Unti-unting napupuno ang silid-aralan at ang lahat ay naghihintay na lang sa kanilang professor.
Agad na napalingon sa kanyang likuran si Love nang may kumalabit sa kanya.
"Hi!", bati sa kanya ng isang chinita at chubby na babae. "I'm Monic."
Nakipagkamay si Love sa nagpakilalang Monic sa kanya at nagpakilala rin siya. Mukha itong masiyahin at mabait. Tumayo si Monic at lumipat sa kanyang tabi.
Nagkwentuhan lang sila tungkol sa dati nilang eskwelahan hanggang sa dumating na sa wakas ang kanilang professor.
Si Mrs. Bilbao iyon, ang kanilang guidance counselor at ito ang kanilang magiging professor sa psychology subject.
Ibinigay lang nila ang kanilang class card at nagpa-assignment ito ng 1x1 picture nila upang maidikit sa kanilang classcard sa subject na iyon.
Matapos ang isa at kalahating oras ay natapos na ang kanilang klase.
May isa pa silang subject at may vacant time pa silang isang oras. Paglabas ng classroom ay may nilapitan si Monic na isang babae na morena.
"Jai, si Love. Love si Jai. Katabi ko siya kaninang umaga. Bakit di ka nakapasok sa psychology?", tanong ni Monic kay Jai.
"Nalate kasi ako. Nahirapan akong hanapin ang room natin.", dahilan nito at kapansin-pansin ang tono ng kanyang pananalita na galing ito sa kabisayaan.
Hindi raw kasi sila sabay maglunch kanina dahil kasabay ni Monic ang mga kaklase niya noong highschool.
Nakipagkamay si Love kay Jai.
Masaya siya dahil akala niya ay matatapos ang araw niyang wala siyang makikilalang kaibigan.