Araw ng Sabado.
Ngayon ang kanilang NSTP Orientation. Tamad na tamad siyang bumangon dahil hindi pa siya sanay na pumasok ng Sabado.
Hinatid nanaman sila ni Cherry sa university. Nakacivilian lang sila ngayon.
Wala silang ibang ginawa kundi ang makinig. Unang diniscuss ang Literacy Training Service (LTS) at kasunod ay Civic Welfare Training Service (CWTS).
Panghuli ang Reserve Office Training Corps (ROTC). Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makita si Romero!!! Yung tall, dark and handsome.
Isa pala itong ROTC Officer.
"Ang gwapo..", mahinang sambit ni Love na hindi nakatakas sa pandinig nina Monic at Jai.
Siniko naman siya ng dalawa hanggang sa nakikipagsikuhan na rin siya. Hindi niya maiwasang mapangiti at ang antok na nararamdaman niya kanina lang ay biglang nawala.
Ang huling nagpakilala ay ang Batallion Commander. Gwapo din naman ito, maputi at chinito ngunit mas type ni Love si Romero.
Familiar sa kanya ang hitsura ng Batallion Commander na Lovendaño ang apleyido. Hindi lang niya maalala kung saan niya nakita.
Nang matapos ang discussion ay pinaglunch muna silang lahat at pinapabalik ng ala-una para sa part 2 ng NSTP Orientation.
Mabilis lang ang oras at muling nagtipon-tipon ang mga freshmen sa quadrangle. Maya-maya ay hinati sila sa apat na grupo dahil magkakaroon ng apat na station.
Sa first station ay tinuruan sila sa pagbabandage using handkerchief. Natutunan din niya kung paano ang tamang pagbuhol para mabilis matanggal sa pagkakatali o pagkakabuhol ang panyo.
Sa second station naman ay tinuruan sila kung paano naman asikasuhin ang taong nabalian o ang splinting. Namangha siya dahil ngayon niya lamang natutunan ang mga ito at kahit anong straight objects ang pwedeng gamitin. Tinuro din sa kanila kung paano isecure ang tao na naaksidente sa spine board stretcher.
Pagkatapos nila sa second station ay sabay-sabay naman silang nagtungo sa ikatlong station na kung saan tinuturo ang different types of carry. Pansin din ng karamihan na ang third station ay ang pinakamaingay sa lahat kaya naman naiintriga sila kung anong mayroon dito.
Pinakita nila kung paano gawin ang mga ito.
"Oh, sinong gusto magpalover's carry kina Sir Romero at Sir Lovendaño nyo?" Pabirong sabi ng lalake na may Vargas na burda sa suot nitong uniform.
Agad na nagboluntaryo ang kaklase nilang si Bernadette. Kilala itong makulit at kalog sa kanilang klase. Maliit ito at morena. Nagkantiyawan sila. Kaya naman pala maingay ang ikatlong istasyon, dahil pala sa libreng lover's carry ng mga nag-gwap
-gwapuhang ROTC Officers.
"Eeeh! Ang swerte naman ni Bernadette." Mahinang sambit ni Love. Hindi niya kagrupo ang dalawang kaibigan na si Monic at Jai. Nagkahiwa-hiwalay sila dahil magkakatabi sila ng pinabilang sila ng 1 to 4 para makabuo ng apat na grupo.
"Gusto rin daw ni Love!" Sigaw ng makulit niyang bakla na kaklase na nasa tabi niya.
"Uy! Hala! Hala!" Tanging nasambit lang ni Love at pinagtulakan na siya sa gitna kasama ng kaklase niyang si Bernadette. Pulang-pula ang mukha niya sa nangyari. Nahihiya siya at kinakabahan.
Naiisip pa lang niya na makukulong siya sa mga bisig ni Romero ay grabe na ang kilig niya. Paano pa kaya kung mangyari na nga? Baka mahimatay siya sa sobrang kilig.
"Si Sir Romero ang gusto ko." Sabi ng kaklase niyang si Bernadette. Nais sana niyang magprotesta dahil si Romero din ang gusto niyang bubuhat sa kanya.
Tila nahulog siya mula sa mataas na lugar ng lumapit na si Sir Romero sa kanyang kaklase. Lumapit na din sa kanya ang isa pang ROTC Officer ngunit hindi niya ito tinitignan. Sobrang dismayado siya.
Kung hindi lang din si Romero ang bubuhat sa kaniya ay hindi bale na lang. Ngunit nandito na siya. Nakakahiya naman kung bigla siyang magbaback-out.
Hindi lang talaga niya matanggap na naunahan siya ng kaklase niyang si Bernadette. Sa kanyang isip ay nais niya itong sabunutan.
Pinahiga na sila sa spine board stretcher. Nagpaliwanag muna si Sir Vargas at nagbigay ng sitwasyon.
Nang lumapit na ang mga ROTC officers sa kanila ay naghiyawan ang kanilang grupo.
Hinawakan na ni Lovendaño ang kamay ni Love. Hindi siya makatingin ng maayos dahil hiyang-hiya siya. First time lamang na may bubuhat sa kanya ng ganoon.
Isinampay ni Lovendaño ang isang braso ni Love sa balikat niya. Inilagay na nito ang kamay sa ilalim ng legs at ng likod nito. Mabuti na lang at payat lang siya kaya naman hindi mabibigatan ang bubuhat sa kanya.
Nagsigawan ang mga kagrupo nila at kinakantyawan sila. Labis labis na inggit at inis ang nararamdaman niya ngayon sa kadahilanang hindi si Romero ang bumubuhat sa kanya ngayon.
Napahigpit ang kapit ni Love kay Lovendaño ng iangat na siya nito at nagsimulang maglakad.
Pagtingin niya sa lalakeng bumuhat sa kanya ay nagtama ang kanilang mga mata dahil nakatingin din pala ito sa kanya ng may malawak na ngiti sa mga labi.
Natulala siya at tila nabingi. Nawala bigla ang ingay na kanina ay rinig na rinig niya.
"Uy Paolo, awat na!"
Sabay silang napatingin kay Vargas. Nagtaka pa si Love noong una dahil alam nito ang last name niya.
Lalong nagkantiyawan ng naglakad pabalik sa station si Lovendaño at ibinaba na siya nito. Masyado pala silang napalayo.
Bumalik na siya sa tabi ng mga kaklase niya at hindi pinansin ang mga nanunukso sa kanya.
Hindi niya maiwasang mapatingin kay Lovendaño.
Tinawag siyang Paulo ni Vargas pero kay Lovendaño naman ito nakatingin.
Bumaba ang tingin niya sa pangalan na nakaburda sa suot na Type A uniform ni Lovendaño.
LOVENDAÑO P
Namilog ang kanyang mga mata nang may napagtanto.
Si Lovendaño at yung waiter ay iisa!
Naalala nga niyang Paolo ang pangalan nito na nabasa pa niya sa nameplate nito noong kumain sila sa restaurant after ng highschool graduation niya.
Agad niyang naalala ang pinsan na si Cherry kung alam na ba nito na dito nag-aaral ang type niyang waiter.
Napasimangot na lang siya.
Ngunit kahit ganoon ay mayroong umusbong na katiting na paghanga sa puso ni Love. Hinahangaan niya ang isang tulad ni Lovendaño na working student. Sa kagustuhang mag-aral, hindi hadlang ang kahirapan upang makamtan ang pangarap.
Alas-singko na nang matapos ang NSTP Orientation.
Ang usapan ay susunduin pa rin sila at maghintay na lang sa waiting shed.
Nauna doon si Love at hindi rin nagtagal ay dumating na si Cherry.
Halos mawala pa ang mga mata nito sa sobrang ngiti at pakikipagtawanan sa mga kaklase nitong kaibigan na niya. At nang tuluyan na ang mga itong nagpaalam sa isa't-isa ay lumapit na siya sa kinaroonan ni Love.
Agad itong sumimangot sa kanya at inirapan pa siya.
Ipinagsawalang bahala na lang ito ni Love at lumingon na lang sa daan at tumingin-tingin na lang sa mga sasakyang dumaraan.
"Huwag ka nang magpatay-malisya diyan." Biglang sabi ni Cherry. Napalingon si Love sa kanya na may pagtatakang reaksyon.
"Anong sinasabi mo?" Inosenteng wika ni Love. Agad na kumorte paitaas ang isang kilay ni Cherry at ngumisi.
"Nagpabuhat ka pa talaga sa kanya. Alam mo namang crush ko yun! Ano naalala mo na?" Mataray na sabi ng pinsan niya sa kanya.
Nagulat siya ng bahagya dahil sa sinabi ni Cherry. Ito ay dahil nakita pala siya nito kanina.
"A-ah si S-sir Lovendaño."
"Oo! Siya nga! Kunwari ka pa. Mahinhin daw pero may itinatago din palang kaharutan." Wika ni Cherry sabay ikot ng mga mata.
Lumaki ng bahagya ang mga mata ni Love. Sasagot pa sana siya ngunit dumating na ang kanyang uncle na ama naman ni Cherry.
Sumakay na agad sila at kinamusta sila nito habang nagbibiyahe pauwi.
"Oh.. bakit ang tahimik mo Love? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ng uncle niya.
"Ah.. napagod lang po ako sa orientation, Uncle Rey." Maikling tugon nito sabay ngiti.
Hindi na siya kinulit pa ng uncle niya at tahimik lang silang tatlo sa buong biyahe.
Iniisip lang kasi ni Love ang masakit na nasambit ni Cherry sa kanya.
Hindi naman niya sinasadya ang bagay na iyon. Hindi porket nagpabuhat siya ay maharot na siya. At isa pa, ano naman kung crush iyon ni Cherry? Bawal na ba lapitan ang crush niya? Kung tutuusin pa nga, si Romero naman talaga ang gusto niyang bumuhat sa kanya.
LUMIPAS ang isang araw at Monday na ulit. May pasok nanaman at naeenjoy naman ni Love iyon.
Nawindang nga lang siya sa isa nilang subject. Ang Shorthand 1 o ang stenography. Hindi niya akalain na mayroon palang ganoong subject ang course na napili niya. Monday-Wednesday-Friday pa naman ang subject nilang iyon at nabubuang na talaga siya sa bula-bulateng sulat.
Pagkatapos ng madugong stenography class, sumunod naman ang paborito niyang subject ngunit hindi ang professor. Ang Algebra. Masungit kasi ang professor nila doon. Mabuti na lang at may student-teacher siya kaya iyon ang nagtuturo sa kanila sa sumunod pa nilang algebra class.
Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos ang subject na iyon at oras na para magtanghalian.
Naiwan sa table nila si Love upang magbantay dahil mayroon naman siyang baon na lunch. Habang si Jai at Monic naman ay bumili ng makakain.
Ang cafeteria ng university ay located sa Education building. Malawak naman iyon pero may pagkakataon talagang halos wala ng mapwestuhan at maghihintay na lang sa mga matatapos.
Inilabas na niya ang kanyang baunan at binuksan iyon. Kahit lumamig na ay nalanghap pa din niya ang amoy ng kanyang ulam na asado. Kumulo tuloy ang tiyan niya at natutukso nang mauna kumain ngunit pinigilan niya. Kailangan niyang hintayin ang dalawa pang kaibigan para sabay-sabay na silang tatlo kumain.
Inilabas na rin niya ang kanyang tumbler at inilapag sa table kasabay ng paglapag ng platong may pagkain.
Agad siyang nag-angat ng tingin at..
At halos sumabog ang puso niya nang makilala ang lalakeng naglapag ng plato sa mesa nila.
Sir Romero..
Ngumiti ito sa kanya. Mapupungay ang mga mata nitong ngumiti sa kanya at kitang-kita niya ang cute na porma ng labi nito.
"Palapag lang saglit ha. Ang dami ko kasing dala baka matapon, sayang." Sambit ni Romero sa kanya. Para siyang sunud-sunuran dito na tumango-tango lang habang nakaawang pa ang mga labi.
Luminga-linga lang saglit si Romero sa loob ng cafeteria at nang makita na nito ang hinahanap ay lumakad na ito papunta doon.
Sinusundan pa rin ni Love ng tingin si Romero. Nilapag nito ang hawak na pagkain at inumin sa lamesa nito at naglakad pabalik sa pwesto ni Love.
Pakiramdam ni Love ay sumisikip ang paghinga niya. Dumadagundong ang kanyang puso lalo na at nakatingin din ito sa kanya na mayroong maliit na ngiti sa labi.
Bigla niyang narealize ang kanyang hitsura. Mukha na siguro siyang timang sa harap ng lalake. Nag-iwas siya ng tingin at ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang buong mukha.
Hinintay na lang niya na makalapit uli si Romero sa kanya at kinuha ang kaninang inilapag nito na plato.
"Salamat ha." Rinig ni Love na sambit ni Romero. Hindi na kasi siya tumingin at baka mahalata pa nito ang namumula niyang mukha.
Tinapik siya nito ng marahan sa balikat na labis na nagpasikdo sa kanyang kanina pang nagwawala niyang puso.
Muli siyang bumalik sa wisyo ng bigla nanamang may maglapag ng plato sa table nila.
Pagtingin niya, sina Jai at Monic na pala. Ngunit may kung anong nakakalokong ngiti ang nakaukit sa mga mukha nila.
"Ano na, Love? Tinapik ka lang ni Papa R eh nangangamatis na iyang mukha mo?" Sambit ni Monic sa kanya sabay tawa.
Pinanlakihan niya ito ng mata at pinatahimik. "Ang lakas ng boses mo. May makarinig sa iyo." Saway ni Love sa kaibigan.