Pinagisipan niyang mabuti ang gagawin at tama ang sinabi ng Lolo George niya. Kailangan niya na magsakripisyo muna para sa kinabukasan ng magiging pamilya nila ni Bea. Susunod muna siya sa agos at pagkatapos ng lahat ay saka niya gagawin ang mga plano niya para sa kanila ni Bea at sa magiging pamilya nila.
Kinausap niya ang company lawyer at sinabi kung ano ang gusto niyang mangyari. Alam niya na iniipit sila ni Mr. Valle dahil alam nito na mahalaga para sa kanila na mabili ang lupa. Pero kung tuso ito ay mas tuso siya. Susundin niya ang gusto nito pero sa paraang gusto niya at hindi sa paraan nito.
Papayag siya na pakasalan si Kris kagaya ng gusto nito pero ang kasal na mamagitan sa kanila ay isang contractual marriage lang. Ang kontrata sa pagitan nila ng ama ni Kris ay nagsasaad na ibebenta nito ang lupa sa GLS Group sa presyong napagkasunduan at pakakasalan niya ang anak nitong si Kristina Valle. Pero may mga kalakip na clause ang kasal na magaganap sa pagitan nilang dalawa.
Una na doon ay isang taon lang ang itatagal ng kasal nila at hindi ito dapat tumutol na pirmahan ang divorce papers pagkatapos ng isang taon. Gusto niya sana na anim na buwan lang kaso ang advise ng lawyer ay kailangan na isang taon. Ayaw man niya ay nag-agree na rin siya hanggang isang taon lang ang puwede niyang ibigay dito. Hindi siya papayag na matali sa dalaga lalo na at hindi niya mahal ito.
Nasa kontrata din na walang kahit na sino ang puwedeng makialam o manghimasok sa relasyon nila ni Beatriz Marie Marasigan. Ipinapaalam na niya dito na walang puwedeng gumalaw kay Bea. Kahit na sino, kabilang si Mr. Valle, si Kris at pati na rin ang Papa Jose at Lolo George niya.
Hindi ito dapat madamay sa kung ano mang usapan na namamagitan sa kanila at walang puwede na gumawa ng kahit na anong bagay na pupuwedeng makaapekto o makakasakit dito. Mananatiling parte si Bea ng buhay niya kahit kasal na siya kay Kris.
Habang kasal siya kay Kris ay magstay si Bea sa US para kumuha ng masteral at para samahan na rin ang Lolo at Lola niya. Habang inaantay niyang matapos ang isang taon ay ilalayo muna niya ito. Magtitiis siya na malayo ito sa kanya para sa kapakanan nito dahil alam niya na sa oras na makasal siya kay Kris ay maraming tao na magtatanong kung bakit nasa tabi pa din niya ang dalaga.
Kailangan din na pumirma si Kris ng prenup agreement. Ibibigay lang niya dito ang kung anong nakasaad sa alimony sa oras ng maghiwalay sila. Ang lahat ng maiipon niya at maipupundar ay para lang kay Bea at sa mga magiging anak nila.
Ayaw na pabayaran ng ama ni Kris ang lupa at sinasabing magiging magkapamilya naman sila kaya hindi na dapat pang bilhin ito. Pero tumangi siya at sinabing babayaran nila ang lupa dahil ang kompanya ang bibili nito para gamitin sa negosyo. Bibilhin ng GLS ang lupa sa presyong nagagree ito para hindi ito magkaroon ng dahilan na bawiin ang lupa pag naghiwalay na sila ni Kris.
Ayaw nitong pirmahan ang kontrata ng malaman ang plano niyang pakikipaghiwalay sa anak nito. Dapat daw na bumuo sila ni Kris ng pamilya lalo na at kasal na sila. Pero hindi siya pumayag sinabi niya na isang taon lang ang maari niyang ibigay kay Kris para maging asawa ito. Sinabi niya na walang dahilan para pakisamahan niya ang anak nito ng matagal. Pero ayaw pa ring pumayag nito sa divorce at pilit pa ring ginigiit ang gusto.
“You and Kris are already in a relationship. I don’t see any reason para maghiwalay kayo. Is it because of that girl Bea that is why you want to seperate from my daughter? Parang hindi pa man ay niloloko mo na ang anak ko?” Anito sa galit na boses.
Naikuyom niya ang kamao ng marinig ang sinabi nito pero kinalma niya ang sarili. “Mr. Valle, as mentioned in the contract. You have no right to question what is my relationship with Bea.” Sabi niya dito at kita pa niya ang pagdaan ng inis sa mukha nito. “If you find it troublesome hindi naman kita pinipilit na pirmahan ang kontrata.”
“Alex, I’m just asking a question.” Anito na tumawa pa. “Dapat lang na tanungin kita na may kinalaman sa contract di ba?” Nanguuyam na sabi nito.
“Manuel, are you agreeing what is in the contract or not?” Dinig niyang tanong ng Lolo George niya.
“Sir George, I agree na ibebenta ko ang lupa sa GLS but the clause your grandson added is too much.” Anito “The marriage will last for one year only? This Beatriz should not be affected with this agreement?” Anito na pabagsak pang binaba ang kontrata.
“Hindi ba at parang lugi naman kami, lugi ang anak ko? Oras na makasal kayo at hiwalayan mo siya magiging divorcee na siya. Magiging second hand na kung baga. Masama ba na isipin ko ang future ni Kris?”
“Manuel, I don’t want to sound rude pero hindi ba at ikaw ang nagbigay clause na dapat pakasalan ng anak ko ang anak mo para mabili namin ang lupa?” Iritado na ring sabi ng Papa Jose niya. “We offer to purchase that piece of land in Quezon and we gave you a very reasonable price but you insist on this marriage between our family.” Sumandal ang Papa niya sa sandalan ng upuan at tinignan nang deretso ang ama ni Kris.
“Magkarelasyon man ang mga anak natin pero hindi ko naisip na panghimasukan ang relasyon nila. Hindi ba at dapat ganon din ang gawin mo? Pero sa nakikita ko ginagawa mong business deal ang pagpapakasal mo kay Kris sa anak kong si Alex. We are all business man here and we came here para magoffer ng business at hindi para mamanhikan.”
Matagal bago sumagot ang ama ni Kris pero panibagong request na naman ang sinabi nito na lalong nag pagalit hindi lang sa kanya pati sa Papa at Lolo niya.
“Okey, I agree sa lahat ng clause na nakasaad sa kontrata but dapat na maganak kayo ni Kris bago maghiwalay para hindi naman maging kawawa ang anak ko sa huli” Anito na nagpagulat sa kanya.
“I don’t agree! Nagiisip ka ba?” Sabi ng Lolo niya sa medyo mataas na boses. “Anak? Gusto mo na mag-anak sila kahit alam mo na maghihiwalay sila?” At alam niyang galit na ito dahil namumula ang mukha nito.
“Pa, just relax. I will handle this.” Dinig niya na sabi ng papa niya. “Manuel, the child you’re saying is out of the picture. Wala akong nakikitang dahilan para mag-anak sila. Lalo na at after one year ay maghihiwalay din sila. Please remember that what we are offering is a contractual marriage and not a normal marriage.” Sabi ng papa niya sa seryosong boses at alam niyang ubos na din ang pasensya nito.