Bea & Alex - XXII

1152 Words
May mga pagkakataon na gusto na niyang sabihin ang totoong nararamdaman niya para kay Bea. Gusto niyang sabihin dito ang totoong dahilan kung bakit niya niligawan si Kris pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niya na pag naging sila ay maayos na ang lahat. Alam niya na hindi niya magagawa iyon habang girlfriend pa niya si Kris at kailangan pa mabili nila ang lupa. Pero mali ang naging desisyon niya na gawing girlfriend si Kris dahil imbes na maging madali ang pagbenta ng lupa sa kanila ay ginamit pa ng ama nito ang relasyon nila para ipitin sila. Gusto nitong iregalo ang lupa sa Quezon sa oras na magpakasal na sila ng anak nito. Pero hindi siya payag na pakasalan si Kris dahil ang plano niya ay gawing girlfriend lang ito at hihiwalayan sa oras na mabili na nila ang lupa. Kinausap siya ng Papa Jose at Lolo George para kumbinsihin siyang pakasalan si Kris at gaya ng una ay tumangi siya. Sinabi pa ng Lolo niya na mas makakabuti sa kanya kung si Kris ang magiging asawa niya lalo na at pareho sila ng antas ng buhay. Hindi siya makapaniwala sa narinig buhat dito. Tila nakalimutan nito kung saan ito nagmula at kung ano ang naging buhay nito dati. Alam niya na iniisip ng mga ito na makakabuti sa kanya kung si Kris ang makakatuluyan niya pero ipinaalala niya sa dalawa na si Bea ang mahal niya at hindi si Kris. Na ang tanging dahilan kaya niya ito niligawan ay dahil sa negosyo lang at wala ng iba pa. “Pa, Lo, nakalimutan niyo na ba na sinabi ko noon sa inyo na si Bea lang ang pakakasalan ko at magiging ina ng mga anak ko.” Sabi niya habang nakatingin sa mga ito. “At base sa natatandaan ko ay pareho kayong umuoo at nagbigay ng basbas sa gusto kong gawin.” “Iho, naiintindihan ko pero hindi ba at gusto mong mabili ang lupang iyon para kay Beatrice?” Sagot naman ng Lolo George niya. “Oo nga, Alex. You told me na doon mo ipapatayo ang simbolo ng pagmamahal mo para kay Bea. How you can do that kung hindi natin mabibili ang lupa?” Tanong ng Papa Jose niya. “But I did not agree na maging asawa si Kris. Ano ang magiging silbi ng pagbili ng lupa at patayuan ito ng bagong hotel kung mawawala naman sa akin si Bea.” Natahimik ang dalawa sa sinabi niya. “Jose, it’s okey. We can proceed to buy the land and raise the price if needed.” Sabi ng Lolo George niya makalipas ng ilang minuto. Tumingin siya dito at nginitian siya nito. Alam niya nang mga oras na iyon na hindi na ipipilit ng mga ito na pakasalan niya si Kris. Sumama siya sa sunod na meeting at dala na nila ang kontrata para sa pagbebenta ng lupa pero ayaw nang pumayag ni Mr. Valle. Ipinipilit nito ang gusto na kasal sa pagitan nila ng anak nito. Kung hindi niya pakakasalan ang dalaga ay hindi nito ibebenta ang lupa sa kanila. Dineretso niya ito na hindi niya mahal si Kris at hindi siya makapapayag na pakasalan ito. “I don’t love your daughter, Mr. Valle. The only reason why I have a relationship with her is the land in Quezon.” Diretsong sabi niya dito. Hindi siya natatakot na magalit ito dahil alam niya na hindi maganda ang takbo ng mga negosyo nito. Malaking tulong ang pera na pagbebentahan ng lupa para dito pero dahil sa pagiging ganid nito ay ipinipilit nito ang kasal sa pagitan niya at ni Kris. “Alex, how you can say that? Medyo matagal na rin ang relasyon ninyo ni Kris. Hindi ba at dapat lang na magpakasal na kayo?” Tanong nito sa mapanuyang tinig. “I don’t know what you mean by saying that, sir. But let me tell you this, I will not marry her and if you think that you can use my relationship with her as a leverage then you’re mistaken. I can end my relationship with her anytime. We are here to buy that piece of land and I if you don’t want to sell the land then it’s up to you.” Galit na sabi niya at tumayo na para umalis. “Alex!” Dinig pa niyang tawag ng Papa niya pero hindi na siya lumingon. Galit na galit siya dahil ang tanging naiisip niya ay mawawala sa kanya si Bea. Isipin pa lang na hindi niya ito makakasama ay labis nang nahihirapan ang puso niya paano pa kung mangyari talaga ang kinatatakutan niya. Alam na niya ang magiging buhay niya pag wala ang baby niya at hindi siya papayag na mawala ito sa kanya. Pero pinakiusapan siya ulit ng Papa at Lolo niya. Ang pagpapakasal kay Kris ang tanging solusyon na nakikita ng mga ito para mabili nila ang lupa. “Iho, ayaw ko na mawala si Beatrice sa buhay mo dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal pero we need this land para sa bagong hotel. Huwag mong isipin na inaayawan namin si Beatrice hindi ganon ang nasa isip namin.” Sabi ng Lolo George niya. “We love her and you know that. But at this time we need to disregard kung gaano siya kahalaga sa iyo.” “Hindi ito para sa amin lang, Alex para ito sa buong pamilya, para sa mga magiging anak mo. Para sa future nila, sana pagisipan mong mabuti, anak” Sabi naman ng Papa Jose niya. “I understand, Pa. Pero ayokong mawala sa akin si Bea.” Aniya at tumitig sa ama “I know the feeling na wala siya sa tabi ko at alam kong I will not survive without her. Marrying Kris means losing Bea and kung ganon ang mangyayari. I’d rather die that live in this world where she can never be mine.” Sabi niya sa ama at kita niya na nahihirapan din itong magdesisyon. “Alexander, I understand, we understand.” Sabi ng Lolo George niya. “Pero ano ba naman iyong sandaling sakripisyo kung habang buhay naman na kasiyahan ang magiging kapalit?” Napatingin siya dito. Hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin nito pero nakakakita siya ng liwanag sa mga salita nito. Naiipit siya dahil ayaw niya na bigyan ng dahilan si Bea para layuan siya at alam niya na mangyayari iyon sa oras na pakasalan niya si Kris. Pero tama din ang papa at lolo niya. Ang bagong hotel na bubuksan ay para sa future niya at ng magiging pamilya niya. Pamilya na balak niyang buoin kasama si Bea at hindi si Kris. Ang lupa na bibilhin nila ay nasa Quezon kung saan ipinanganak at lumaki si Bea. Iyon ang unang proyekto na hahawakan niya bilang president ng GLS. Ito rin ang magiging regalo niya para kay Bea at magiging simbolo ng pagmamahal niya para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD