Bea & Alex - XXI

1205 Words
Pagkatapos ng nangyari sa library ay mas lalo siyang naghigpit kay Bea. Hindi ito nakakaalis ng hindi siya kasama at lagi niya itong bitbit sa mga lakad niya. Hindi lang niya ito sinasama pag may dinner sa bahay nila Kris pero sinisigurado niya na nakauwi na ito bago siya umalis at hindi siya nagstay ng matagal sa dinner na iyon. Hindi siya mapalagay kaya kumuha din siya ng magbabantay kay Carlo. Ayaw niyang balewalain ang nararamdaman nito para kay Bea at tama ang naging desisyon niya na iyon dahil naireport sa kanya na lagi nitong sinusundan si Bea at palihim pang kinukuhaan ng litrato. Kinabahan siya sa nalaman dahil hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito sa mga litrato ni Bea na kinukuhaan nito. Kaya humingi siya ng tulong sa Papa Jose niya para malaman kung ano talaga ang pakay nito kay Bea. Tinulungan siya nito dahil hindi na din iba ang turing nito sa dalaga. Labis ang pagkagulat niya ng malamang ang kuwarto ni Carlo ay puno ng litrato ni Bea. May mga litrato pa ang dalaga na ginupit nito at idinikit sa mga solong litrato nito. Meron din siyang litrato pati na si Kent at Leo sa kuwarto nito na may saksak ng kutsilyo sa ulo. Pero ang mas nagpagulat sa kanya ay ang matuklasan na may mga video din ito ni Bea. Mga video dahil madami iyon. Hindi niya alam kung si Carlo din ang kumuha ng mga video na iyon. Ang video ay nakazoom at focus sa dalaga, kuha ang mga video na iyon sa loob ng klase, meron habang nasa canteen at kumakain ito, meron din habang nasa library at nagaaral. Pero ang nagbigay sa kanya ng labis na takot kasabay ng sobrang galit ay ang video nito kay Bea na nagdidilig ng halaman sa harap ng isang bahay at ang bahay na iyon ay nasa Quezon kung saan nakatira ang pamilya ng baby niya. Galit na galit siya sa nalaman na kinukuhaan ni Carlo di lang ng pictures pati na rin ng video si Bea nang hindi niya nalalaman. Lagi niya itong kasama pero hindi pala ito safe kahit na nasa tabi niya at binabantayan. Akala niya na ligtas ito basta kasama siya pero nalalagay pala ito sa panganib ng hindi niya namamalayan. Napakaraming pagkakataon na puwede itong gawan ni Carlo ng masama at laking pasasalamat niya na hindi nito ginawa. Dahil isang bagay lang ang sigurado siya, kaya niyang patayin si Carlo sa oras na may mangyaring masama kay Bea. Gusto niya na kausapin si Carlo pero pinigilan siya ng Papa niya at sinabihan na huwag gumawa ng kahit na ano dahil ito na ang bahala. Ipinarating din nito sa Lolo George ang nalaman at galit na galit ito na umuwi pa para personal na kausapin ang ama ni Carlo. Ipinaalam nito kay Mr. Sandoval ang ginagawa ng anak nito na pagstalk kay Bea at base sa reaction nito ay hindi nito alam ang ginagawa ng anak. Nangako ito na kakausapin at patitigilin na si Carlo sa ginagawa pero isa lang ang naging sagot ng Lolo George niya. “You better make sure that he will stop dahil ako mismo ang makakalaban niya at hindi ako magdadalawang isip na ipakulong sa kanya.” Seryosong sabi nito kay Mr. Salvador. “I will not let anyone be put in harms way dahil lang sa hindi kayang kontrolin ng anak mo ang damdamin niya.” Matapos ng meeting ay tahimik na ibinenta ni Mr. Sandoval ang share nito sa university. Hindi na rin pumapasok si Carlo at ibinalita sa kanya ng tao na pinagbabantay niya dito na hindi ito pinapalabas ng bahay. Makalipas ng isang linggo ay nalaman niyang umalis na ito papuntang US para doon tapusin ang pagaaral. Nang dahil sa insidente na iyon ay nagdesisyon siyang maglagay ng CCTV sa sala ng condo ni Bea at pati na rin sa sala ng condo niya. Hindi nito alam iyon at wala siyang balak sabihin dahil ayaw niyang malaman nito ang ginawa ni Carlo. Ayaw niya na magalala ito at matakot. Simula noon ay naging mas mapanuri na siya sa paligid nila lalo na pag nasa public place sila. Maging sila Kent at Leo din ay naging aware at alerto. Nagpropose pa si Leo na ikuha ng bodyguard si Bea pero tinanggihan na niya iyon. Mas gusto niya na siya ang magbantay sa dalaga. Nagumpisa na rin siyang matulog sa condo nito dahil hindi siya panatag sa nalaman at gusto niya itong bantayan. Hindi sapat para sa kanya ang mga security guards na nasa building. Ayaw pumayag ni Bea noong una pero hindi din ito nanalo sa kanya. Sa sofa lang siya sa salas natutulog noong una pero ng magkasakit ito ay tumabi siya dito. Manunuod silang tatlo dapat ng sine ng araw na iyon. Pero masama ang pakiramdam ni Bea at nagsabing silang dalawa na lang ni Kris ang tumuloy. Hindi siya pumayag at kinansela ang lakad nila. Kaso ayaw pumayag ni Kris na hindi matuloy ang panunuod nila kaya napilitan siyang isama ito sa condo at doon patambayin. Hinayaan niya itong manuod magisa sa netflix at nagpunta sa condo ni Bea para alagaan ito. Pabalik balik siya sa condo niya para asikasuhin si Kris at babalik sa condo ni Bea para alagaan ito. Nang gumabi at maabutang tulog na ang nobya ay ginising niya ito at sinabihang sa kuwarto na niya matulog. Tinanong siya nito kung matutulog na siya at sinabing niyang susunod siya at iniwan na ito para balikan ang may sakit na si Bea. Nang gabing iyon ay natulog siya sa tabi ng baby niya. Nilalagnat ito dahil sa sipon at lamig na lamig ito kahit pinatay na niya ang AC. Ang ginawa niya ay humiga sa tabi nito at niyakap ito para hindi lamigin. Ayaw man niya na gawin iyon dahil alam niyang mahina ito dahil sa sakit at hindi makakatutol ay ginawa pa rin niya dahil sa labis na pagaalala sa lagay nito. Kinabukasan ay nagisnan niya si Bea na gising na at nakatitig sa kanya. Nakatukod ang baba nito sa may dibdib niya habang pinagmamasdan siya. “Okey na pakiramdam mo?” Tanong niya dito. Ngumiti lang ito at dumantay sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit na ginantihan niya ng mas mahigpit na yakap at isang halik sa noo nito. Simula ng araw na iyon ay sa tabi na siya nito natutulog. Wala silang naging usapan na dapat o hindi niya dapat gawin iyon pero iyon na ang naging setup nila. Sa iisang bahay na sila nauwi at inaasikaso siya ni Bea. Kung tutuusin para na nga silang magka live in gaya ng sinabi ni Kris ng malaman nito na magkatabi silang natutulog ng baby niya. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito at balak na niyang hiwalayan ito pero humingi ito ng sorry at sinabing nagseselos lang kaya hindi nito napigilan ang sarili na nakapagsalita ng kung ano ano. Nakaramdam din siya ng guilt dahil alam niyang may mali din siya. Niligawan niya lang ito ng dahil sa business at hindi dahil sa mahal niya ito. Kaya kahit gusto na niyang kumalas dito ay pinatawad niya ito lalo na at first year anniversary nila ng araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD