Bea & Alex - XX

1056 Words
Inakala niya na malinaw kay Kris kung gaano kahalaga si Bea sa buhay niya. Pero mukhang nakalimutan nito iyon ng pagsalitaan nito ang baby niya ng hindi maganda noong time na papunta sila sa Zambales. Nagalit siya ng malaman ang ginawa nito. Kaya pinaalala niya sa nobya kung sino si Bea sa buhay niya at para malaman din nito kung saan ang lugar nito sa buhay niya. Pagkatapos ng insidente na iyon ay nanahimik na si Kris at napansin niya na hindi na ito umaayaw na isama si Bea sa mga lakad nila o kahit na ng barkada. May isang beses na hindi niya sinama si Bea sa lakad nila ni Kris dahil busy ito at may tinatapos na project. Balak niyang ipahatid ito kay Mang Isko pero nagsabi ito na mag taxi na lang pmsa paguwi dahil may gagawin pa sa library. Ayaw man niyang iwanan ito at gusto nang kanselahin ang lakad nila ni Kris ay hindi na niya ginawa lalo na at balak niyang kausapin ito tungkol sa lupa na gusto nilang bilihin. Tumuloy sila sa lakad ni Kris at kita niya na masayang masaya ito dahil hindi nila kasama ang kaibigan. Pinaorder niya ito at inabala ang sarili sa pagtext kay Bea para tanungin kung matatagalan ito sa library balak niya na sunduin na lang ito pagkatapos niyang maihatid si Kris pauwi. Lagi itong nagrereply sa mga message niya kaya nagtataka siya nang walang mareceive na reply buhat dito. Inisip niya na baka busy ito at nagintay pa nang ilang minuto. Pero wala pa rin itong sagot matapos ang sampung minuto. Ayaw man niya pero nagaalala siya at hindi mapakali kaya nagdesisyon siyang tawagan na ito. Nagpaalam siya kay Kris at lumabas para tawagan ang kaibigan pero hindi din nito sinagot ang tawag niya. Na siyang nagpakaba sa kanya dahil magisa lang itong pumunta sa library wala sila Kent dahil may mga lakad din. Kaya mabilis siyang pumasok ulit sa loob at niyaya na si Kris na umuwi. Kita pa niya sa mukha nito na ayaw pang umuwi pero wala ding nagawa dahil iiwanan niya talaga ito kung hindi ito sasama sa kanya. Kailangan niyang malaman na okey lang si Bea at dahil busy lang kaya hindi nagrereply at hindi nasagot ang tawag niya. Nang maihatid si Kris na nakasimangot pa rin ay nagmamadali siyang nagmaneho papunta sa university. Hindi na niya pinark ang sasakyan at binigay ang susi sa securtiy guard. Pagkatapos ay nananakbong pumunta sa library. Pagdating doon ay nakahinga siya ng maluwag ng makitang nagbabasa ng libro si Bea pero nakaramdam siya ng inis ng makitang nakaupo si Carlo sa tabi ng baby niya at titig na titig ito kay Bea na hindi pansin ang pagtitig ni Carlo dahil abala ito sa binabasang libro. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa lamesa kung saan nakaupo ang dalawa. “B” Tawag niya dito at kita niya ang pagtataka sa mukha nito ng tumingin sa kanya. “B?” Anito at kita niya ang pagkunot ng noo nito “Tapos na ang date ninyo ni Kris?” Tanong nito. “Oo, sumama ang pakiramdam niya.” Sagot niya at lumakad papunta dito. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa kanan nito at inakbayan ito. “Hindi ka nagreply sa text ko, pati tawag ko di mo sinasagot kaya pumunta na ko dito” “Sorry, B. Nakasilent iyong mobile ko.” Anito at inabot ang bag para kuhain ang mobile. “Hindi ko napansin na nagmessage ka busy kasi ako sa pagbabasa, pasensya na.” “Okey lang, B” Sagot niya dito “Hindi ka pa ba tapos?” Tanong niya dito. “Tapos na, B. Sakto ang dating mo” Anito at nagsimula ng ligpitin ang gamit nito na nasa lamesa. “Carlo, thank you sa pagsama sa akin, ha?” Sabi nito sa katabi at kita niya ang inis sa mga mata nito ng tignan siya. “You’re always welcome, Beatrice.” Sagot nito na may kasamang ngiti sa baby niya. “Isoli ko lang itong libro.” Sabi ni Bea na tumayo na at naglakad papunta sa mga book shelves. Tumayo na rin siya at kinuha ang mga gamit nito. “Hindi ka talaga marunong makinig ano?” May galit na sabi niya dito. Tumayo na rin ito pero nakasunod pa rin ang tingin kay Bea. “Sandoval, ilang beses na kitang pinagsabihan pero mukhang hindi ka talaga nakakaintindi. Ano sa salitang ayaw ko na nilalapitan mo si Bea ang hindi mo maintindihan?” “Walang masama sa ginagawa ko Saadvedra.” Anito na nilingon siya. Sinalubong niya ang tingin nito “Hindi ba at may nobya ka na? Anong kalokohan ang ginagawa mo at binabakuran mo pa rin si Beatrice?” Anito sa tonong tinutuya siya. “Wala kang pakialam kung anuman ang ginagawa ko. Layuan mo si Bea, huwag mong intayin na ako mismo ang gumawa ng hakbang para lumayo ka!” “Hindi ako lalayo at susunod sa kahit na anong gusto mo. Do what you can but I will not let go of her.” Sabi nito at saka umalis na. Sinundan niya pa ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng library. “B” Tawag ni Bea na nagpalingon sa kanya. “Lika na.” Aya nito. “Bakit kasama mo si Carlo?” Tanong niya dito. “Nagkita kami dito, magreresearch din daw siya kaya nagshare na kami ng table.” Paliwanag ni Bea sa kanya. “Di ba sinabi ko na sa iyo na huwag kang makikipagusap o makikihalubilo sa kung kani kaninong lalaki?” Inis na sabi niya dito. Tumingin ito sa kanya at nginitian siya “B, matagal na nating kakilala si Carlo, alam mo iyon.” “Kahit pa, dapat hindi ka nakikipagusap doon.” Inis pa rin niyang sabi dito. “Alam mo naman na ayoko na may ibang lumalapit sa iyo. Hindi mo alam ang intensiyon ng mga lalaki na nilalapitan ka. Mamaya may balak na masama pala iyon sa iyo.“ Seryoso na sabi niya dito. “Huwag ka nang magalit.” Paglalambing nito sa kanya. “Gutom na ako, lika na” at saka siya hinila palabas ng library. Napa buntong hininga na lang siya at nagpahila dito. Wala na siyang nagawa kaya sumunod na lang siya at binalewala ang nararamdamang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD