Hindi lang si Alden ang nagtangka na manligaw kay Bea. Marami pang sumubok na lapitan ang dalaga lalo na nang malaman sa buong campus na nobya na niya si Kris. Kabilang na si Robert na may lakas ng loob na lapitan si Bea habang kasama niya at tanungin kung puwede na makausap nito ang kaibigan niya. Nang tanungin niya kung ano ang kailangan nito sa baby niya ay sinabi nitong si Bea ang gustong kausapin at hindi si Kris.
Hindi niya makakalimutan ang pamumutla nito ng sabihin ni Kent na si Bea ang baby niya at hindi si Kris. Nagmamadali itong umalis at simula noon ay kahit tapunan ng tingin si Bea ay hindi na nito ginawa. Pero may bukod tangi talaga na masasabi niyang matapang at si Carlo Sandoval iyon. Kaklase din nila ito simula ng high school at mas unang nakilala ni Bea keysa sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob na lapitan ang dalaga.
Si Carlo ang narinig ni Kent na nagsabing liligawan na ang baby niya at tama ang naging hakbang niya na lapitan na si Bea dahil ng kausapin niya ito para layuan si Bea ay dineretso siya nito na hindi nito gagawin ang iniuutos niya dahil mahal nito ang dalaga.
“Salvador, layuan mo si Bea. Huwag mo kong pilitin gumawa ng hakbang na hindi mo magugustuhan” Banta niya dito.
“Saadvedra, hindi mo ko mapipigilan na lapitan si Beatrice.” Matapang na sagot nito sa kanya. “I love her and hindi ko basta isusuko ang nararamdaman ko para sa kanya. Gawin mo kung ano ang gusto mo pero hindi mo ko kayang takutin.” Sabi nito at kita niya ang determinasyon sa mga mata nito.
Alam niya na hindi niya ito basta mapapasuko. Lalo na at anak din ito ng isa sa mga stockholder ng university. Katunayan ay accounting din ang kinuha nitong course para lang magkaroon ito ng pagkakataon na malapitan ang baby niya.
Pero hindi siya papayag na bigyan ito ng pagkakataon o kahit na maliit na tsansa. Ginawan niya ng paraan na hindi ito maging kaklase ni Bea. May nakaset ng schedule ng subject para sa baby niya at alam ng registar na hindi nila puwede na ibigay ang schedule na iyon kay Carlo Sandoval.
Pero hindi ito nasuko at lagi niyang nahuhuli na nakatingin kay Bea. Lagi din itong nalapit sa dalaga lalo na pag sila Kent lang kasama at wala siya. Sinabi na niya sa baby niya na ayaw niyang makikipagusap ito sa lalaki pero hindi naman ito nakikinig sa kanya at laging katwiran nito na walang masama kung kausapin nito si Carlo lalo na at hindi lang sila magkaklase kundi magkaibigan pa.
Wala na siyang nagawa doon pero binalaan niya si Carlo na huwag magtatangka na kahit na ano at hindi siya magdadalawang isip na saktan ito. Tawa ang naging sagot nito sa kanya at sabay sabing “Alex, last time I check si Kris ang girlfriend mo. Just focus on her and let Beatrice to do what she wants. She is not yours to begin with.”Anito at nginitian pa siya na tila tinutuya siya bago umalis. Alam niya na kailangan niyang maging matalino para pasukuin ito at lubayan si Bea.
Isa iyon sa naging dahilan para lalo niyang bantayan at paghigpitan si Bea. Katulong niya sila Kent at Leo na siyang tanging nakakaalam kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa kaibigan at kung ano talaga ang dahilan kung bakit niya ginawang nobya si Kris.
Pinakiusapan siya ng Lolo George na baka puwede niyang kaibiganin si Kris dahil may lupa na pagaari ng pamilya nito na gustong mabili ng GLS para pagtayuan ng bagong hotel. Pumayag naman siya at sinubukang maging malapit dito pero napilitan siyang ligawan ito ng sabihin ng Papa Jose niya na mas mapapadali ang pagbili nila ng lupa kung magiging nobya niya ito.
Sinunod niya ang gusto ng ama kaya ng nasa huling taon na sila ng college ay niligawan niya ito at sinagot naman siya nito pagkatapos ng isang buwan. Nang opisyal na maging sila ni Kris ay napansin niya ang pagiwas ni Bea pag kasama niya ang nobya. Alam niya na hindi ito komportable dahil hindi naman naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa noong una pa man.
May mga pagkakataon na tumatangi at ayaw sumama ni Bea sa mga lakad nila ni Kris pero hindi niya sinusunod ang gusto nito. Nang minsan na ipilit nito ang gusto ay hindi na niya itinuloy ang lakad nila, hinatid niya pauwi si Kris at tumambay silang dalawa ni Bea sa condo. Simula noon ay hindi na ito tumangi na sumama sa lakad nila ni Kris o kahit na ng barkada.
Kahit na girlfriend na niya si Kris ay walang nagbago sa pakikitungo niya kay Bea. Ni minsan ay hindi niya pinaramdam dito na wala siyang oras dito. Ito ang laging priority niya at alam ni Kris na may nakalaan siyang oras para sa kaibigan na tinanggap naman nito.
Maging si Kris ay napansin niya na hindi gusto si Bea. Maraming beses na sinasabi nito na hindi na dapat sumasama si Bea sa lakad nilang dalawa o kahit na sa lakad ng barkada. Pero dedma siya doon at maging sila Kent. Kasama niya ito sa lahat ng date nila ni Kris pati na sa lahat ng lakad ng barkada.
Pero nilinaw niya kay Kris kung ano ang posisyon ng dalaga sa buhay niya ng minsan siyang tanungin nito. “Bea is very important to me, Kris. Hindi siya puwedeng mawala sa buhay ko dahil mawawalan ako ng direksiyon. It happen before pero hindi na mauulit iyon. I know how my life will be without her. She is my bestfriend and if you can accept that she will be forever part of my life then we can be together.”
Sabi niya dito at ayaw na niyang alalahanin pa ang nakaraan kung saan muntikan ng mawala sa buhay niya si Bea at nangako siya dito pati na rin sa sarili niya na hindi na niya, nila babalikan ang kabanatang iyon ng buhay nila.