The Ace And the Four Kings Chapter 43 : Negative Xyrine Jean's POV "Spade?" Hindi makapaniwala kong sambit. "Parang mas gwapo ata ako sa kan'ya," nakangising wika nito sa'kin. Nang sahihin n'ya 'yon ay kinusot ko ang mata ko saka ko s'ya tinitigang mabuti. "Kuya jacob?" "Kuha mo," ngumisi ulit s'ya dahila para mapangiti na lang ako ng mapakla. Sa ilang beses na nailigtas ako ni Spade sa gan'tong pagkakataon ay nasanay na ata ako. Ano bang iniisip mo, Xyrine? Hinding hindi 'yon pupunta dito para lang iligtas ka. Gumising ka nga. Pinagsawalang bahala ko na lang ang lungkot na naramdaman ko at agad na bumalik sa ulirat ko. "Sa tingin ko ay mahigit sila sa limampu," bulong ko. "Wag kang mag-alala, hindi lang ako ang nandito," nakangiti n'yang sambit. Anong ibig n'yang sasabihi

