The Ace and the Four Kings Chapter 44 : I'll be Gentle Xyrine Jean's POV 1 message received. From : Louren ___________________________ Xyrine, I'm sorry. May sudden emergency kasi, but susunod din ako agad once matapos ako dito. take care, ok? see you later. ___________________________ Napatitig ako sa text sa'kin ni Louren. Kung ganun, ako lang mag isa? "Anak, mukang tayong dalawa lang ang magdi-date ngayong araw, wala kasi ang Uncle loure mo at ang daddy mo naman..." Napahinto ako ng maalala ko ang nagyari kagabi."At ang daddy mo, hindi naman alam na nag-eexist ka." Tumingala ako para pigilan ang luha ko. "Kaya natin 'to, okay? Kakayanin ni mommy para sa ating dalawa kaya kumapit ka ng maigi, Ok?" nakangiti kong sambit habang hinihimas ang tyan

