Prolonged
"Abby!!" malayo palang ay rinig ko na ang matinis na tili ni Monica, kaibigan ko. Actually, one of my BFF.
By the way my name is Abigail Sundae Montes.
"Ano ba yan, Nica! Ang ingay mo! Nakatingin na lahat sa akin o'." iritang sita ko ng makalapit siya sa akin.
Mapang-asar na ngumisi lang siya sabay irap. Kutusan ko kaya to'.
"Besh, meron pagbabago sa entourage ni Elise." pagbabalita niya. Elise, is one of our bff's. And today is her wedding.
"Problema dun?" ako. Sure naman kase akong okey ang lahat lalo na hands on si Elise sa pag-aayos ng mismong kasal niya.
"Ahh, kase ano e-."
Napalingon ako kay Monica dahil nakakapagtaka ang tono ng boses niya, mukhang problemado siya?
"kase?Wag ka ngang pabitin, baka ibitin kita dito patiwarik e." naiinis na turan ko. Napaka pabitin kase e'.
Magsasalita na sana si Monica ng may biglang lumitaw mula sa likod niya na nagpabaliktad ng mundo ko.
Charr lang hahaha..
Hindi bumaliktad ang mundo ko pero nagsirko-sirko ang t***k ng puso ko.
"Hi." simpleng bati sa akin ng taong kailan man ay di ko inasahang makikita ko'ng muli.
Dumaan ang sakit sa dibdib ko ng ngumiti siya. How could he smile to me like that?
Hindi ko siya sinagot at dali-dali ako'ng humarap kay Monica.
"Is this what you want to tell?" seryosong tanong ko. Tumango lang ito. Alam na alam kase ng kaibigan ko pag galit ako at nagtitimpi.
Haist!! Akala ko ba di ito makakarating!! himutok ko sa isip!!
'Are you fool, Gail? Pinsan kaya niya ang mapapangasawa ng Bff mo'. kastigo ko sa sarili ko.
Haist!!!!
"Hey, okey ka lang?" kalabit ni Monica sa akin. Natulala na pala ako. "Yeah. Partner ko siya diba?" casual na tanong ko. Di ko ipapakitang hanggang ngayon ay affected ako. Matagal na iyon 6 years. Kaya nakamove on na ako.
Di ko lang talaga napaghandaan ang pagkikita namin ngayon'.
'Weh, di nga?' buset na isip to', kontrabida.
Agad ako'ng pumunta sa pwesto ko ng nagbigay na ng hudyat ang organizer na mag start na ang kasal.
Habang naglalakad papuntang altar, di ko maiwasang mapatingin sa lalaking katabi ng groom. Malungkot na napangiti ako, nakaramdam na naman ako ng bigat sa dibdib. Napaiwas ako ng tingin ng biglang lumingon sa akin ang tinitignan ko.
Sana di niya nakita ang luha ko.
Ewan ba ang bitter ko talaga siguro. Pero naiinggit ako sa mga kaibigan ko na isa-isa ng nakapag-asawa. Tatanda na marahil akong dalaga.
Mabilis na natapos ang seremonya at agad na kaming nagpunta sa restaurant ng resort na ito kung saan ginanap ang kasal ni Elise.
Beach wedding kase ang kasal ni Elise.
I am the one who design her gown.
Even the one I am wearing right now. Fashion designer kase ako e.
Pero kasosyo ako ng mga kaibigan ko sa business nila na Event Organizing.
Masayang naghuhuntahan ang lahat pero ako gustong gusto ko na umalis at pumunta sa room ko, para mag mukmok.
Di ako mapalagay dahil nasa iisang table lang kami ng Best Man ng Groom, which is my Ex.
Cloud Damien Villaforte. Ang lalaking nagwasak sa puso ko. Ang lalaking naging dahilan kaya di na ako naniniwalang may happy endings.
"You look stiff." anas ni Cloud. Inis na nilingon ko ito'. " Wag mo na lang ako pansinin. Just pretend that you don't know me." banat ko. Ayaw ko kase siya makausap. Baka awayin ko pa siya, at ayaw ko namang gumawa ng eksena sa kasal ng bff ko.
Naging tahimik naman ang katabi ko pero dahil isa ako sa mga dalaga pa at walang asawa ay pilit akong pinatayo ng dalawa pa namin kaibigan na si Vannesa at Savannah para makisali sa pagsalo ng bouquet.
Wala akong kabalak balak makisali sa mga kaek-ekan na ito, kaya sa pinakadulo ako puwesto.
Nakabusangot na rin ako dahil panay ang pagkuha ni Monica ng picture ko. Uupakan ko talaga to', mamaya.
"Okey, at count of three ihahagis ko na ang bouquet, One! Two! Three!" nakikinig lang ako sa boses ni Elise. Not expecting na sa akin tatama ang bouquet?
What?
........
Lahat nakatingin sa akin dahil hinayaan ko mahulog ang bouquet sa sahig. Diko alam ang gagawin ko kaya napatingin ako kay Elise. At nakasimangot na siya.
Lumingon din ako kay Monica pero tulala din siya. Out of no choice kaya napilitan ako damputin ang bouquet. Nagpalakpakan ang mga tao. Kiming ngiti na lang ang binigay ko.
Isa ito sa dahilan kaya iniiwasan ko'ng dumalo sa mga kasal-kasal. Dami kaseng pakulo.
Di ko na pinansin ang mga sumunod na pangyayari, basta ang alam ko lang ay ang groom naman ang hahagis ng garter sa mga binatang lalaki.
Haist, sana naman di panget ang makakuha ng garter. Napacross finger pa ako. Syempre kahit naman kaek-ekan ito ay gusto ko namang gwapo parin ang makapartner ko, ganda ko kaya'. hahaha
"Woah, Cloud Damien. Coz, congrats." rinig kong bati ni Joseph kay Cloud. At ganun na lamang ang panlalaki ng mga bata ko ng makita ko'ng hawak ni Cloud ang garter.
What a joke!
Tatayo na dapat ako sa kinauupuan ko ng bigla akong lapitan ni Savannah para pigilan. Nakangiti ito habang bumubulong sa akin.
"Besh, please wag ka gumawa ng eksena. Sabayan mo na lang trip nila, for Elise please." napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi ni Savannah.
Yeah, kung tatayo ako dito at aalis ay magiging bulungan pa ng mga tao iyon. Wala namang masama dito e. Tradition naman talaga na isuot ng lalaking nakasalo ng garter sa binti ng babae ang garter na nasalo nito, diba?
Wala namang malisya dito.
Nagpalakpakan ang lahat ng lumuhod na sa harapan ko si Cloud.
Bakit ba ang lakas ng t***k ng dibdib ko? Dios ko sana makayanan ko ito, bakit kase to all the man na makakasalo bakit si Cloud pa? Ano ba ang kasalanan ko para parusahan ako ng ganito?
"Breath. Di naman kita kakainin." napanganga ako sa salita ni Cloud. Aba't namumuro na sa akin ang lalaking to'.
Hindi na ako umimik ng ilislis niya ang laylayan ng gown na suot ko. Itinaas lang naman niya hanggang tuhod ang gown ko at hinawakan ko na nakakahiya naman sa kanya diba? tsk.
"Higher!!!" bulyawan ng mga tao sa paligid ng maiangat na ni Cloud sa taas ng tuhod ko ang garter. Naaalarma na napatingin ako kay Cloud na mukha namang natutuwa.
Hudas talaga ang lalaking to!
Sa isip ko ay pinapatay ko na siya sa sobrang inis!
Game na game namang iniangat ni Cloud ang garter hanggang sa kalahati ng legs ko, akala ko ay iaangat pa niya ng mas mataas dahil patuloy paring nagsisigawan ang mga tao ng higher. Buti na lang at kusa na siyang tumigil at inalalayan ako tumayo.
Akala ko tapos na pero di ako nainform na may kasama pang dance number haist!
Isang slow love song ang pumailanlan.
'What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart'
"Kamusta ka?" Cloud ask me.
At dahil wala akong planong kausapin siya, I remain silence. Bakit ako makikipagkamustahan sa lalaking nanakit sa akin noon.
Ramdam ko ang pagtitig niya sa mukha ko. Kaya todo iwas ako na mapatingin sa mga mata niya. Mga matang minsan na akong nalinlang.
Pero natuto na ako. Di na ako ang Abigail na uto-uto. Matapang na ako at naka Move on na ako.
'Talaga ba?'
Shut up mind! Nakamove on ako, super nakamove on.
Habang nagsasayaw ay naramdaman ko'ng humigpit ang pagkakahapit niya sa bewang ko. Kaya napatingin ako sa kanya na sana ay di ko na ginawa.
Looking into his eyes is a big mistake.
Di ko alam pero, I see something in his eyes, is it longing? sadness?
Pero para kanino? Sa akin?
Wahh, impossible! Siya kaya ang nang-iwan sa akin. Naiilang na nag-iwas na lamang ako ng tingin. Hanggang sa matapos ang tugtog ay di na kami nag-imikan. Agad na ako'ng nagpaalam sa bagong kasal.
Di muna ako nagtuloy sa kwarto ko. Naglakad-lakad muna ako. Parang kailangan mahanginan ng utak ko. Masyado atang nabibigla sa mga nangyari.
I didn't expect to see him today. I actually didn't expect that our path will meet again.
Humugot ako ng malalim na hininga. I feel tired. Sana bukas di ko na siya makita ulit. I don't want to mingle with him anymore.
"Sana." anas ko bago ko napag-isipang magtungo na ng kwarto.