ANG SIMULA

407 Words
PROLOGUE "Lalayas na ako sa pamamahay na 'to! Mga baliw! Mga walang silbi! Baliwww!" Walong-taong gulang si Janna ng nagpasyang iwan silang mag-ina nang tatay niya. Ang nanay n'ya ang nag-alaga sa kanya kasama ang araw-araw na pag-asam nito na babalik ang tatay n'ya sa pamilya nila. "Nay, kumain na po kayo," alok ni Janna sa nanay n'yang malayo ang tinatanaw sa labas ng bintana, tulad ng nakagawian nito. Gusto niya ng masanay, pero tuwing nakikita niya ang nanay niya sa ganoong sitwasyon. Labis ang paghihirap na nararamdaman ni Janna. "Umaasa pa rin kayong babalik si tatay?" "Babalik siya," tanging naging tugon ng ginang sa kaniya. "Siyam na taon na, Nay. Kung babalik s'ya sana noon pa!" "Huwag kang magsalita ng ganyan Janna. Babalik s'ya mahal n'ya tayo," tugon nito sa kaniya. "Sarili n'ya lang ang mahal niya, Nay! Dahil kahit kailan hindi nya tayo minahal. Huwag mong bulagin ang sarili mo sa katotohanan, Nay. Na simulat sapul wala tayong halaga sa kaniya" "Janna! Tumigil ka!" "Totoo naman 'di ba? Dahil para sa kanya palamunin tayo wala tayong silbi na kaya n'ya tayo iniwan dahil baliw tayo, Nay! Kaya bakit pa sya babalik, bakit pa?" Basang-basa na ng luha ang pisngi niya. Sa hindi napipigilang sama ng nararamdaman para sa tatay niya. "Tumigil ka!" "Hindi n'ya na tayo mahal, Nay. Tanggapin na natin 'yon!" "Umalis ka na, Janna. Iwan mo na ako." "Si tatay lang ba talaga ang mahal mo, Nay? Ako nandito pa hindi mawawala. Hindi ka iiwan. Sana ako naman, Nay! Sana ako naman isipin mo dahil hindi ka naman nag-iisa kahit hindi pa s'ya bumalik!" "Mababaliw ako pag 'di siya bumalik, Janna! Hindi ko makakaya mahal na mahal ko ang tatay mo!" aniya nito. Nagbabadyang magbagsakan ang butil ng luha sa mata nito. "Siguro nga si tatay lang ang mahal mo ang tanging mahalaga sayo, Nay. Pero sana kahit minsan maramdam mo na may anak ka. Hinihintay ka na mahalin mo!" Tumalikod si Janna kasabay ng ilang luhang nag-unahang lumandas sa pisngi n'ya. Hindi na sya nag-abalang muling lingunin ang nanay nyang muling tumanaw sa malayo sa labas ng bintana umaasang makikitang bumalik ang asawa nito. Huling sinulyapan ng dalaga ang ina bago tuluyang umalis. "Kung mahal ka babalikan ka kahit ano pang mangyari babalik ulit s'ya para mahalin ka at para mahalin mo 'yon ang mga nagmamahal, Nay. At malayong-malayo yon kay tatay!" Laglag balikat na tumalikod si Janna para pumasok sa eskwela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD