bc

MINAHAL KO ANG BALIW SA MENTAL

book_age18+
323
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
sweet
bxg
heavy
serious
like
intro-logo
Blurb

Buong-buhay ni Janna Gamboa nakaramdam siya ng pag-iisa mula ng iwan ng kinilalang ama at ina. Maging ng ginang na inalagaan niya at tinuring niyang pamilya.

Pakiramdam niya iniwanan siya ng lahat. Piniling talikuran ng mga taong minahal niya.

Hanggang sa nakilala nya si Adrian ang pinangalanan n'yang Angelo sa isang Mental Hospital kung saan s'ya nagtratabaho. Ito na kaya ang makakasama ni Janna, o kagaya ng mga taong naging bahagi ng buhay niya ito'y dumaan lang din sa kaniya. Si Adrian na kaya ang taong makakasama ni Janna para di na tuluyang mag-isa kahit wala ito sa sariling katinuan.

Paano pag may pamilya na pala ang binatang inakala niyang nakalaan para sa kaniya?

Paano kung may ibang lihim pa sa katauhan nilang dalawa?

Lihim ay mabubunyag. Nararamdaman ay malalantad.

chap-preview
Free preview
ANG SIMULA
PROLOGUE "Lalayas na ako sa pamamahay na 'to! Mga baliw! Mga walang silbi! Baliwww!" Walong-taong gulang si Janna ng nagpasyang iwan silang mag-ina nang tatay niya. Ang nanay n'ya ang nag-alaga sa kanya kasama ang araw-araw na pag-asam nito na babalik ang tatay n'ya sa pamilya nila. "Nay, kumain na po kayo," alok ni Janna sa nanay n'yang malayo ang tinatanaw sa labas ng bintana, tulad ng nakagawian nito. Gusto niya ng masanay, pero tuwing nakikita niya ang nanay niya sa ganoong sitwasyon. Labis ang paghihirap na nararamdaman ni Janna. "Umaasa pa rin kayong babalik si tatay?" "Babalik siya," tanging naging tugon ng ginang sa kaniya. "Siyam na taon na, Nay. Kung babalik s'ya sana noon pa!" "Huwag kang magsalita ng ganyan Janna. Babalik s'ya mahal n'ya tayo," tugon nito sa kaniya. "Sarili n'ya lang ang mahal niya, Nay! Dahil kahit kailan hindi nya tayo minahal. Huwag mong bulagin ang sarili mo sa katotohanan, Nay. Na simulat sapul wala tayong halaga sa kaniya" "Janna! Tumigil ka!" "Totoo naman 'di ba? Dahil para sa kanya palamunin tayo wala tayong silbi na kaya n'ya tayo iniwan dahil baliw tayo, Nay! Kaya bakit pa sya babalik, bakit pa?" Basang-basa na ng luha ang pisngi niya. Sa hindi napipigilang sama ng nararamdaman para sa tatay niya. "Tumigil ka!" "Hindi n'ya na tayo mahal, Nay. Tanggapin na natin 'yon!" "Umalis ka na, Janna. Iwan mo na ako." "Si tatay lang ba talaga ang mahal mo, Nay? Ako nandito pa hindi mawawala. Hindi ka iiwan. Sana ako naman, Nay! Sana ako naman isipin mo dahil hindi ka naman nag-iisa kahit hindi pa s'ya bumalik!" "Mababaliw ako pag 'di siya bumalik, Janna! Hindi ko makakaya mahal na mahal ko ang tatay mo!" aniya nito. Nagbabadyang magbagsakan ang butil ng luha sa mata nito. "Siguro nga si tatay lang ang mahal mo ang tanging mahalaga sayo, Nay. Pero sana kahit minsan maramdam mo na may anak ka. Hinihintay ka na mahalin mo!" Tumalikod si Janna kasabay ng ilang luhang nag-unahang lumandas sa pisngi n'ya. Hindi na sya nag-abalang muling lingunin ang nanay nyang muling tumanaw sa malayo sa labas ng bintana umaasang makikitang bumalik ang asawa nito. Huling sinulyapan ng dalaga ang ina bago tuluyang umalis. "Kung mahal ka babalikan ka kahit ano pang mangyari babalik ulit s'ya para mahalin ka at para mahalin mo 'yon ang mga nagmamahal, Nay. At malayong-malayo yon kay tatay!" Laglag balikat na tumalikod si Janna para pumasok sa eskwela.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook