KABANATA II
MINAHAL KO ANG BALIW SA MENTAL
"Janna! Janna!" Humahangos na tawag ni Ashley. Hinila siya nito. Kararating niya lang sa unibersidad na pinapasukan nilang dalawa.
"Dahan-dahan lang baka mahulog 'tong librong hawak ko."
"Hulaan mo."
"Wala akong oras sa pinoy henyo gimik mo, Ashley."
"I'm badoy mo sa pinoy henyo, friend."
"Gaga. Sira-ulo ka talaga!" Nilagay niya ang libro sa table ng professor nila.
Full time scholar si Janna sa university na pinapasukan niya. Kung kaya bilang isang iskolar minsan napag-aatasan siyang magsilbi sa mga professor nila. Hindi naman ito mahirap para sa kaniya. Kaya niya ang trabaho at masaya siya.
"Hulaan mo nga kasi. I'm sure, matutuwa ka."
"What is it?"
"Miss Janna Gamboa. Most outstanding student ka lang naman, prend," malakas na sigaw ni Ashley. Na pumukaw sa pansin nang ibang faculty teachers na nand'on. Ngumiti ang mga ito para sa magandang balita kay Janna. Nabigla ang dalaga hindi siya makapaniwala sa dalang balita ng kaibigan.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Yes. Oo naman ang smart mo kasi eh." Piningot siya nito sa ilong.
She hug Ashley. Walang ibang nasa isip niya kundi ang nanay niya alam niyang matutuwa ito at pansamantalang makakalimutan nito ang tatay niya. Ito ang isa sa pangarap niya, ang magkaroon ng bunga ang lahat ng pangarap niya.
Paunti-unti matutupad niya na ito para sa nanay niya.
"Halika. Ipapakita ko sa’yo pangalan mong nangunguna sa buong department." Inakay siya nito.
Tumakbo silang dalawa maraming estudyante ang mga naroon umaasang mapapabilang ang mga pangalan nila as outstanding student.
"Excuse me. Excuse me." Tumabi ang mga ito sa pakiusap ni Ashley.
Napatda si Janna tama ang kaibigan nasa pinakaunahan ang pangalan niya as most oustanding student of the year. Kahit pa sabihing taon-taon siyang nangunguna sa klase nila her feelings is still the same overwhelming pa rin siya.
"Ashley, outstanding student ako," bulong ni Janna sa matalik na kaibigan.
"Duda ka pa ba? E, ang talino mo eh at hindi ka naman kahit kailan nalaglag sa pwestong yan." Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa magandang balitang pinagkaloob sa kaniya bilang scholar ng university.
Niyakap niya si Ashley. Masayang-masaya ang puso niya at lahat ng 'to para lang sa nanay niya.
Pagkatapos ng klase agad siyang nagpasya puntahan ang naging kaibigan niyang baliw ayon sa mga tao sa palengke. Binigyan niya ito ng masisilungan. Ginawan niya ng kubo ang ginang sa isang pwestong hindi na gaanong ginagamit ng may-ari. Bumili muna siya ng fried chicken at kanin ng paborito nito. Naratnan niyang natutulog ang ale katabi ng manika nito. Nagkasya siyang pagmasdan ito maganda ang ginang makinis ang balat nito hindi lang gaanong napapansin dahil sa ilang putik sa balat at kolorete sa mukha nito.
"Nasaan kaya ang pamilya mo?" naitanong niya sa sarili.
"Huwag kang mag-alala pag nakapagtapos na ako pag nagtrabaho na ako sa hospital gagamutin kita. Kukunin kita. Para gumaling ka na para makabalik ka na sa pamilya mo at sa anak mo para 'di kana mag-isa," patuloy na kausap ni Janna sa ginang.
"Top 1 ako malapit na akong magtapos humawak ka lang ha. Huwag mo tuluyang isuko ang isip mo tutulungan kita," aniya pang nakangiti.
Ilang sandali nagpasya siyang gisingin ito. Alam niyang gutom na rin ito. Alas tres na ng hapon.
"Ale? Ale, gumising na ho kayo may fried chicken ho ako."
Kumurap-kurap ito akmang naaantok pa. Agad itong napadilat ng nakilala siya.
"Anak! Anak! Si bait."
Tukoy nito sa kanya. Natawa si Janna sa reaksiyon nito.
"Kumain na ho kayo ha. Pasensiya na kong ngayon lang ako ha."
"Salamat, Bait. Sarap-sarap ng friedchicken." Tumango siyang nakangiti. Pinagmasdan niya ito, tikom ang bibig habang ngumuya ang ginang 'di tulad ng ilang nasiraan ng katinuan na nakikita niya sa lansangan.
"Siguro maayos ang pamilyang pinagmulan mo. Pero anong nangyari sa iyo, bakit ka nandito?" Tumingin ito sa kaniya, buong galak na ngumiti.
"Ale, bukas po dadalhan kita ng gamit mo mga ilang damit ng nanay ko kasya po sayo 'yon magkasing katawan lang kayo," patuloy niyang kausap. Kahit wala siyang matanggap na tugon mula rito. Maya-maya tinitingnan siya nito.
"Kasing-laki mo na siguro baby boy ko, hihihi," aniya nito. Sabay tawa.
Malaki na pala anak niya, naisip ni Janna.
"Nasaan na ho siya?" Janna trying to interact with her. May gusto siyang malaman. Hindi niya alam, pero may pakiramdam siyang malaki ang koneksyon nilang dalawa ng ginang.
"Kuha nila sa'kin. Nilayo nila sa'kin anak ko. Hihihi,” tanging naging sagot nito. Hindi malinaw, pero sapat na para sa kanya ang dahilan kung bakit ito nasiraan ng bait. At gagawin niya ang lahat matulungan lang ito. Pinapangako ni Janna.
"Janna! Janna!"
Napalingon si Janna kay Aleng Brenda. Ang nag-aalaga sa nanay niya pag wala siya.
"Bakit ho?"
"Ang nanay mo!" May sumikdong kaba sa puso niya nang may makita siyang takot sa mga mata nito.
"Anong nangyari sa nanay ko?" kinakabahan niyang tanong dito.
"Wala na ang nanay mo Janna! Nagpakamatay siya!" diretsong sagot nito kay Janna. Napatda siya, napatayo mula sa pagkakaupo sa harap ng ginang.
"Hindi ho totoo yan!"
"Janna. Nakita namin na nakahiga nalang siya. Uminom siya ng maraming gamot, Anak! Patay na ang nanay mo!"
"Hindi ho. Hindi ho ako iiwan ni nanay. Nagbibiro ho kayo, Aleng Brenda!" Hindi makapaniwalang sabi ni Janna. Agad siyang tumayo. Walang paalam na tumakbo para puntahan ang nanay niya pinapanalangin na hindi totoo ang sinasabi nito.
Lakad-takbo ang ginawa ni Janna. Makauwi lang sa kanila. Maraming tao sa bahay nila. Tumabi ang mga ito ng nakita siyang paparating nanginginig ang mga tuhod pumasok si Janna sa bahay nila.
Tumambad sa kaniya ang nanay niyang nakahiga sa higaan nila wala ng buhay at sa tabi nito nagkalat ang maraming iba't-ibang klase ng gamot maging ang litrato ng tatay niya.
"N-ay! N---nay! Nay. Gumising ka! Gumising ka!" Nauutal na pakiusap ni Janna sa nanay niyang alam niyang wala na ang hiram nitong buhay. Dahil sa nakalaylay nitong mga kamay.
Niyakap niya ito ng mahigpit. Humagulhol sa katawan nito sa hindi makapaniwalang ginawa nito. Wala na ang nanay niya. Iniwan siya ng nanay niya.
"N-Nay. N-nay! B-bakit? Bakitttt?" Walang tigil ang impit niyang pag-iyak. Habang yakap-yakap ang bangkay ng nanay niya. Hindi lubos makapaniwala sa ginawa nitong pagkitil sa sariling buhay.
Nawalan siya ng malay-tao.
--
Naging mahirap para kay Janna na tanggapin ang pagkawala ng nanay niya. Tuyan na siyang nag-isa sa pagsuko ng isang taong natira sa kaniya.
"Janna...” Napatingin siya sa pinto ang kaibigan niyang si Ashley. Pumasok ito may dala itong siopao ang paborito niya.
"Dala ko yong mga librong kailangan mong pag-aralan." Hindi siya tumugon. Pinagmasdan ang librong dala ng kaibigan---ilang linggo na rin siyang hindi pumapasok.
"Wala na si nanay, Ashley! Kaya hindi ko na kailangan 'yan. Na-iisa na ako, Ash."
Lumipat si Ashley sa upuan nito hinawakan siya sa kamay.
"Janna. Hindi pa katapusan ng lahat. Maraming mangangailangan ng tulong mo, pagdating ng araw. Lalo na pag nakapatapos ka na 'yong ginang. Iyong naging kaibigan mo sa palengke, Janna. Kailangan ka niya."
Napatingin siya rito. Tama ito alam niyang may ibang taong nangangailangan ng tulong niya lalo na ang ale na matagal niya ng hindi pinupuntahan.
"Janna. Lumaban ka, para sa nanay mo."
"Pero wala na siya iniwan na nila ako ni tatay, Ashley! Hindi nila ako minahal!" animo musmos na batang sumbong niya rito. Tuluyan na siyang napaiyak sa harap nito.
"Hindi yan totoo, Janna! Naging mahina lang sila, pero maniwala ka sa'kin. Minahal ka nila na hindi nila gusto mangyari ang lahat ng 'to lumaban ka , Janna. Magpakatatag ka!" patuloy sa pagpapalakas loob nang kaibigan niyang si Ashley. Walang paalam na tumayo si Janna. May kailangan siyang puntahan.
"Oh, saan ka pupunta? Anong binabalak mo?"
Ngiti ang tangi niyang isinagot kay Ashley. Tulad nga ng sinabi nito, kailangan niyang lumaban.
"Hindi ba sabi mo magpakatatag ako? Kaya lalaban ako, Ashley! Ayaw kong kalimutan na si Janna ako." Tumayo si Ashley. Agad siyang niyakap ng sobrang higpit. Alam niyang masaya ito para sa kaniya. Si Ashley nalang ang mayroon siya at hindi niya bibiguin ito.
"Nasa likod mo lang ako, Janna."
●
●
●
●
Tulalang nakatingin si Adrian sa labas ng bahay nila sa Amerika. Hindi alam kung totoo ang balitang nakita na ang nanay niya wala sa sariling katinuan sa palengke ng Baclaran.
"Adrian?" Napalingon ito sa boses sa likuran niya si Faith ang girlfriend niya.
"Kanina pa kita hinihintay sa sala. Bakit ang tagal mo?"
"May iniisip lang ako."
"Sino na naman ba iniisip mo?" Lumapit ito sa kaniya.
"My mom!"
"Nakita na nila si Tita?"
"Yes!"
“Great! So, pwedi na tayong umuwi ng Pilipinas?”
"How about my medication here? Akala ko ba sasamahan mo ako?"
“Adrian gagaling ka pa kahit nand'on ka. Hindi malala ang sakit mo magtiwala ka sa'kin! Ang importante nakita na nila si tita makakasama mo na ulit ang mommy mo."
"Ayaw ko matulad kay mommy, Faith!"
"What do you mean?"
"Nabaliw daw siya tuluyan siyang nasiraan ng isip, Faith. I don't want to be like my mom. May tendency na mangyayari sa'kin 'to kung mapapabayaan ko, kung magkakaroon ako nang depression and I dont want it to happen!"
"Iba ang case ni tita, Adrian! Okay, given ng nasiraan siya ng isip. But I know gagaling siya pag nakita ka na niya." Nahulog ito sa malalim na pag-iisip hinawakan siya sa kamay ni Faith.
"Please, kailangan ka ni tita!" patuloy sa pagkukumbinse ni Faith sa boyfriend niya.
Hindi lingid sa binata ang ibang plano nito kaya nagpupumilit siyang makabalik ng pilipinas.
"Manang, nakita niyo ba ang ale dito?"
"Sinong ale, Janna?" Hindi mapakali si Janna. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Dahil hindi niya makita ang ginang kung saan niya ito ginawan ng barong-barong.
"Iyong ale po na wala po sa sariling isip, iyong lagi ko pong pinupuntahan."
"Ay Janna! Iyong bang may dalang manika?"
Napalingon si Janna sa matandang nagsalita.
"Opo! si ale po."
"Wala na siya diyan kinuha na siya nong nakaraan. May mga kumuha sa kaniya at ang gaganda pa ng kotse."
Natigilan si Janna sa mga sinabi nito. Paanong nangyari?
"Kinuha? Sino naman daw ho sila?"
"Pamilya niya yata at tingin ko nga maayos ang buhay n'on."
"May iniwan po ba silang address? Hinanap po ba ako ni ale?"
"Wala silang iniwan nagpasalamat lang sila at oo hinanap ka niya nagsisigaw siya ng bait. Tingin namin ikaw lang 'yon."
Laglag balikat na napaupo si Janna. Linusob ang puso niya ng lungkot dahil sa balitang natanggap mula sa mga itong wala na rin ang Ale na binalikan niya.
"Pati ba naman kayo iiwan ako Ale!" Napakagat-labi si Janna. Hindi napigilan ang luhang kumuwala sa pisngi niya. Dahil sa sama ng loob sa pag-alis ng ginang.
Napatingin siya sa ulap rumehistro sa isip niya ang mukha ng ale.
"Magkikita pa tayo ulit! Hahanapin kita," pangako ni Janna sa sarili. Gagawin niya ang lahat, umaasa siya na magtatagpo ulit ang landas nilang dalawa. Ipagdadasal niya.
Samantalang gan'on din si Adrian nakatingin sa ulap. Sa puso nararamdaman niya ang saya, na bumalik na sa kaniya ang mommy niya.
"Magkikita na tayo mom. Just like I promise. Nahanap kita, nahanap ka nila," bulong ni Adrian sa sarili sa ulap na pareho nilang lihim na pinagmamasdan ni Janna.