Tears Of The Girl Named Sea

3159 Words
Sea POV Kasalukuyan kong dinadama ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat, habang nakatingin sa magandang tanawin sa kalayuan. "Madam sabi ni Tatang, malapit na tayo sa Greenland." Napatingin ako sa binatilyong nagsalita, nakatitig siya sakin habang nakangiti. Ngumiti nalang din ako at tinanguan siya. "Alam mo Madam, ang ganda mo. Kaya lang kahit anong tago mo pansin ko parin yung lungkot niyo, nakikita ko sa mukha mo. Siguro po iniwan kayo ng boyfriend niyo. Naku! Wag niyong iyakan, marami ka pang makikita diyan sa tabi tabi." Tinanggal ko ang suot kong shade at tumingin sa kanya. "Paano mo naman nasabi na iniwan ako ng boyfriend ko?" Tanong ko sa binata. "Kasi karamihan sa nagpupunta dito, katulad mo. Iniwan ng boyfriend or girlfriend tapos heart broken." I sighed and shook my head. "Alam niyo po ba kung bakit Greenland ang pinangalan dito?" "Dahil green yung lugar?" Pagbibiro ko dito. "Hala! hindi po. Yung may-ari ng lugar ang nagpangalan dito. May usap usapan dito samin na noong unang panahon may magkasintahang Jay at Green na naninirahan sa Isla, sila ang nakabili ng lugar na ito. Mahal na mahal ni Jay ang kasintahan niyang si Green, isang araw nag underwater activities si Jay. Alalang-alala na raw ang kasintahan niyang si Green dahil malapit ng maggabi ngunit hindi pa ito nauwi, kaya ayon sinundan ni Green ang kasintahan niya sa dagat, dala dala lamang ang maliit na bangka. Sa hindi inaasahang paglalakbay, umulan raw ng malakas at kumidlat. Ayon hindi na nakita si Green." "Samantala ang kasintahan niyang si Jay ay pauwi pa lamang ng kanilang tahanan, hinanap niya ang babae sa iba't ibang sulok ng kanilang bahay hanggang sa nagpatulong na ito sa ibang tao. Kweninto ng isa sa nakakita na pumalaot sa dagat ang kasintahan niya, halos gumuho ang mundo ng binata, hindi lang daw isa ang nawala sa kanya kung hindi pati ang magiging anak nila." "Uy! Ikaw talagang bata ka, ano na naman yang kwento mo sa bisita? Pasensya na Madam." Hinging paumanhin ng matanda. "Okay lang po Manong." "Ganyan talaga yan, tuwing may bagong dating nagkwekwento ng kung ano ano." Sabi niya pa. "Ikaw naman, ayusin mo na ang dalahin ni Madam, malapit ng maghapon, kailangan natin makabalik kaagad sa bayan." Tumango naman ang binatilyo at inayos ang mga dalahin ko, tinulungan niya rin akong makababa sa bangka. "Madam sorry sa tatang ko ah, yun na kasi ang kinalakihan kong usap usapan dito." "Wag kang maniwala sa mga usap usapang ganyan, there just tales." "Tales po?" Tanong niya. "Yeah, i mean alamat or kathang isip lang, hindi totoo." I said. "Pero totoo daw po yun, sayang hindi ko natapos yung kwento. Istorbo kasi si Tatang." Hindi ko na ito pinansin at diretsong naglakad sa cottage ko. "Madam wag po kayong maliligo ng gabi sa dagat ha. Baka makita niyo si Green diyan." Pahabol niya pang sabi, nilapag niya ang gamit ko sa harapan ng pinto. "Thank you." Pagpapasalamat ko, tumingin ako sa paligid, wala akong masabi sa ganda ng lugar, tila para akong nasa ibang bansa katulad ng maldives, nasa harap lang ng dagat ang cottage ko kaya kitang kita ang ganda ng tanawin, tahimik din ang lugar at maaliwalas ang paligid. May sampung magkakalayong bahay or kung tawagin cottage, lahat ito ay nakaharap sa dagat. Umupo ako sa malaking sofa at huminga ng malalim. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at nilagay sa kabinet. 'May isang linggo lang ako para makapagpahinga at makapag-isip, no work, no family. Just me.' Pumunta ako sa kusina para uminon ng tubig, maraming pwedeng lutuin at snacks. Lahat ng pagkain libre dahil kasama ito sa pagkage na binayaran ko. Sobrang cool ng place, its expensive, yes, but its worth it. Nagbihis ako ng malaking tshirt, ako lang naman ang tao dito kaya hindi na ako nagsuot ng short. Nagpahinga ako sa sofa at binuksan ang t.v hanggang sa hindi ko na namalayan nakatulog ako. ---------- "Please stop! Dont hurt him." Sigaw ko at kaagad na minulat ang mata. Tumingin ako sa paligid at hinilamos ang aking palad sa mukha. 'Im alone, its just a dream. No, its a nightmare.' Bulong ko sa sarili. Yung panaginip na paulit ulit kong gustong kalimutan, ngunit parang nasa sistema ko na ito. Napaiyak na lamang ako, niyakap ang aking tuhod at naghintay na maalis yung sakit sa puso ko. Hindi ko alam kung anong oras ako tumigil sa kakaiyak, nakatulog na lamang ako ulit. ---------- Habang umiinom ng kape, sumilip ako sa bintana at binuksan ang kurtina, tumama ang init ng araw sa aking mukha. Its 7:30 in the morning. Lumabas ako at naglakad lakad na walang sapin sa paa. Wala namang tao, baka nga ako lang ang nakaschedule dito ngayon dahil malapit na ang December, im sure lahat ng tao nasa pamilya na nila. Pinikit ko ang aking mata habang dinadama ang simoy ng hangin. Cough, cough. Nagulat ako ng may nakangiting lalaki sa gilid ko. "Excuse me!" Tinakpan ko kaagad ang dibdib ko, wala kaya akong b*a. "Sorry. Nakita kasi kita kanina, i'm thinking that your alone. Ako din kasi mag-isa lang, sobrang boring na boring na ako. Gusto ko lang ng may makausap." "I'm sorry! Hindi ako nagpunta dito para makipag-usap or makipagkaibigan. Nandito ako para mapag-isa. Kaya tabi!" Pagtataray ko at patakbong bumalik sa cottage ko. ---------- Kasalukuyan akong kumakain ng tanghalian nang biglang may kumatok. 'Sino naman kaya ito?' Pagbukas ko ng pinto nakita ko yung lalaking kausap ko kanina. Akmang isasara ko ang pinto ng pigilan niya ito. "Hi! Uhm... pwede bang makisabay sa tanghalian, don't worry may food akong niluto." Huminga ako ng malalim at sarcastic na ngumiti sa kanya. "I'm done eating." Sumilip siya sa kusina, nandun pa ang plato ko. "You are not." Bigla nalang siyang pumasok at pumunta sa kusina. Kumuha siya ng plato, ang kapal ng mukha! Wala akong nagawa kung hindi sumabay sa kanya kumain. "Kailan ka pa dumating dito? This place is so cool right?" Pagbasag niya sa katahimikan. "Kahapon lang. What about you?" "Last Saturday pa, akala ko nung una okay lang na walang kausap. Pero nakakabaliw pala, like hindi mo alam kung may mga tao ba sa katabi kong cottages." Sabi niya, napansin niya siguro na ang daldal niya. "Haha sorry medyo madaldal ako." "No, actually its cool." I said, ang pinaka ayoko pa naman sa tao yung salita ng salita pero iba yung kanya natatawa ako. ---------- Tapos na akong maghugas ng pinggan, ang buong akala ko umalis na ang lalaki ngunit nakita ko itong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng mga libro. "You read books, parehas pala tayo. Naniniwala ka rin sa mga tales and legends? Like Little Mermaid, Maria Makiling or Mother Mountain?" Nakangiting sabi ng lalaki. "Hindi, hindi naman talaga mahilig magbasa, may special someone lang na nagbigay sakin ng mga librong yan kaya binasa ko. Hindi ka pa ba aalis? Inaantok kasi ako gusto kong matulog." "Ganun ba? Sorry sa istorbo. Aalis na din ako. Thank you." Hinatid ko siya sa labas, napapikit ako at napasandal sa pintuan, nakita ko ang librong binasa niya kanina. Tinago ko ito sa bag at humiga na sa kama. 'Kakain, matutulog, manunuod ng tv. at magbabasa ng libro lang ang gagawin ko for the whole week.' Sabi ko sa sarili. ----------- Gabi na ng magising ako, naingayan ako dahil na naman sa pagkatok ng estrangherong lalaki. "Hi!" Bungad niya. "Ikaw na naman? Whats your problem ba?" "Its dinner time, pwede bang pasabay ulit." At walang sabi sabing pumasok kaagad sa cottage ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matarayan o masigawan. Nakakainis! "Nagluto ako ng food. This is my favorite, sinigang na baboy. Ikaw, whats your favorite so i can cook for you?" "Wala. Hindi ako masyadong nagkakain." Walang pakialam na sabi ko. "Ang boring mo naman. You know what, i have an idea. Ilang days ka pa dito?" "6 Days." "Okay, ibigay mo sakin yang 6 days mo starting tomorrow. Akong bahala sayo, promise hindi ka maboboring kapag kasama ako." Pagmamayabang niya. "Sorry i have my own schedule." "Like what? Kain, tulog, kain, tulog, blablabla. Paano ka mageenjoy kapag ganyan ka, lets have fun. Sagot ko lahat, tayo lang naman ata ang nasa islang ito eh. Ano deal? Pretty please." He said, nagpapacute pa. Huminga ako ng malalim at walang nagawa kung hindi tumango. "Fine! Bakit ba kasi ang kulit mo?" Tumawa lang siya habang nakatingin sakin. Umiwas naman ako nang may kakaiba akong naramdaman. ---------- Kinabukasan, hindi niya na ako tinigilan, napapayag niya na rin ako na sumama sa kanya ngayon. Nagulat pa nga ako nang nakasuot lang siya ng swimming trunks, kitang kita ang abs niya. Nagkaroon ako ng magkakataon na titigan siya. Napangiti nalang ako at napalunok, gwapo pala ang lalaki, para siyang greek god at may mapupungay na mata lalong guma-gwapo kapag tinititigan. Model siguro ito sa kanila. Bakit kaya siya nandito? 'Lahat po ng pumupunta dito iniiwan ng boyfriend ko girlfriend nila.' Baka nga tama yung binata, pero hindi halatang heart broken ang lalaki. "Ano tara na! Suotin mo itong life vest." "Di ako marunong magsuot niyan." Pagiinarte ko at inisnaban ito. "Akin na nga, ganito kasi yan." Siya ang nagsuot ng life vest sakin, patago akong napangiti sa ginawa niya. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapagfocus sa mga oras na yun pero isa lang masasabi ko. Masaya ako. ---------- Tuwing sasapit ang 8AM kakatok na ang estrangherong lalaki, ako naman excited nang pagbuksan siya ng pinto. Lagi siyang may dalang breakfast para sakin, sabay kaming kumakain ng tanghalian at hapunan. Marami siyang tinuro na underwater activities, wala kaming ginawa kung hindi magkulitan at mag-asaran. Tuwing gabi naman nagboboard games kami at umiinom. Para kaming dalaga't binata na walang ibang iniisip kung hindi sarili lang namin. Sa matagal na panahon kong kalungkutan, mismong ako nasilayan ko ulit ang ngiti sa aking labi. Ayokong sabihin ito pero nasasanay na akong lagi siyang nasa tabi ko kahit alam kong panandalian lang ito. ---------- "Ako na. Ang daya mo naman eh hahaha." Natatawang sabi niya habang umiinom ng margarita. Medyo tipsy na kami dahil sa tama ng alak, pero kaya pa naman. Kasalukuyan kaming naglalaro ng chess dito malapit sa dalampasigan, nagdala kami ng panlatag sa buhanginan at lantern, tsaka maliwanag naman kasi bilog ang buwan. "Wala, ayawan na." Sabi ko at binato siya ng chess. "Nagkakadayaan na eh." Tumatawang sabi ko ulit, tumabi siya sakin at kinurot ang pisngi ko. Panandalian kaming natahimik at tumitig sa buwan. "Matatapos na ang araw ng pagsasama natin pero hindi pa natin alam ang pangalan ng isa't isa." "Kailangan pa ba natin alamin? after naman nito siguradong hindi na tayo magkikita." Sabi ko, nakaramdam ako ng lungkot sa pagbigkas ng mga salitang yun. "Why are you here?" Wala sa sarili kong tanong. He looked at me and sighed."Hindi ko din alam." "Bago ako dumating sa lugar na ito, may nakausap akong binatilyo. Sabi niya lahat daw ng pumupunta sa lugar na ito heart broken." Napatitig ako sa maamo niyang mukha, his serious while looking afar. "Actually, nagkwento din siya about sa pangalan ng Islang ito. Its a tragic story isn't it?" Dahan dahan akong tumango. "Although alam ko sa sarili ko na tama siya. Meron akong girlfriend, i mean ex-girlfriend, we are in a relationship for almost 4 years. Nakikita ko na yung sarili ko na ikasal sa kanya, siya na yung gusto kong maging ina ng magiging anak ko." Sarkastiko siyang ngumiti. "Pero mapaglaro ang tadhana, she got pregnat." Umiling siya at pilit na tinago ang emosyon. "Yung kababata niya ang ama ng pinag bubuntis niya. I was really heart broken that time, to the point na gusto kong itry lahat ng bawal para lang mawala yung sakit. I gaved everything for that f*cking relationship, pero kulang parin pala. Hinanap niya parin sa iba." "Ang masakit pa dun, nalaman ko na almost 5 months na nila akong niloloko, nang nagbunga lang saka lang din nagkaaminan. Alam mo hiyang hiya ako sa pamilya ko, siguro ang tingin nila sakin ang hina hina ko ang tanga tanga ko, pero nagtiwala ako eh... kasi nga mahal ko." Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiyak sa harapan ko. "Sorry i was so dramatic, what about you? why are you here Ms.?" He said. "One word. Family! I'm heartbroken because of my family." Malungkot na sabi ko. "Tell me what happen? Makikinig ako." I dont know what i feel, but one thing for sure, we both needs each others arm. "Thankful ako kay God nun kasi binigyan niya ako ng mapagmahal at masayahing pamilya. Alam mo yung pakiramdam na sa sobrang saya, hindi mo na inisip kung anong pwedeng maging kapalit." "I have a little brother, dalawa lang kaming magkapatid, he loves cars, trucks and robot, matanda ako sa kanya ng tatlong taon." Pumatak ang mga luhang pilit kong pinipigilan. "Naalala ko noon, galit na galit ako sa kanya kasi ako yung may honor sa school pero wala akong natanggap na kahit na ano sa parents ko, samantalang sa kanya meron." "Bata pa ako nun eh, sobrang babaw ko pa. Iniisip ko nung mga panahon na yun, bakit ang unfair?" "Ang tanga ko kasi nakikipag kumpetensya ako sa kanya sa lahat ng bagay, pero siya parin yung mas paborito, mas magaling, mas masunurin, mas mabait." I take a deep breath at inalala ang lahat ng nangyari. "Naglayas ako sa bahay namin para mapansin naman nila ako, hindi ko alam na sinundan niya pala ako. I ran quickly to escape him, hanggang sa may limang lalaki na humarang samin. Hinawakan ng isang lalaki yung kamay ko, so my brother defended me. Binugbog siya ng mga lalaki, habang ako pilit na hinuhubaran ng isang lalaki." Umiiyak na kwento ko. "Hindi ko na naisip yung sarili ko nung mga panahon na yun, wala akong nagawa kung hindi tingnan lang siya at magmakaawang tigilan kami." "I can see the blood flowing from his head, hanggang sa may dumating na security guard at nagsitakbuhan nalang yung mga lalaki, dahan dahan akong lumapit sa kapatid ko pero wala na siyang malay, niyakap ko siya at paulit ulit na binabanggit ang pangalan niya." "I was trumatized that day, hindi ako makausap o makapagsalita. A few days ago my brother died. " Halos na pahagulgol ako sa braso ng lalaki. "W--wala ka naman kasalanan eh, it was an accident." He sincerely said. "No! Its all my fault, dapat kasi nakuntento ako sa kung anong meron ako. Dapat hinayaan ko nalang maging anino ng kapatid ko, edi sana buhay pa siya ngayon." I said while crying, nakikita ko ang awa sa mata ng lalaki. "Nang mawala ang kapatid ko, dun na nagbago ang buhay ko. Ramdam ko yung galit nila sakin kahit hindi nila sabihin o isumbat. Lagi silang nag-aaway, hindi ko alam kung alam ba nilang may natira pa silang anak na kailangang kailangan sila nung mga panahon na yun. Kasabay ng pagkawala ng kapatid ko ang pagkasira ng pamilya namin." "My Dad met someone and got married again a few months ago pagkatapos ng divorce nila ni Mom." "Sumama ako sa Mom ko, but after a year she also get married. Dun na pumasok sa isip ko na kahit anong pagmamakaawang gawin ko hindi na mabubuo ang pamilya namin." "Gusto kong magalit sa kanila, pero hindi ko magawa kasi ako naman talaga! Ako naman talaga yung sumira." "Tuwing umuuwi ako sa bahay ng mag-isa, ramdam ko yung lungkot. Tinatanong ko yung sarili ko kung bakit ganito ang nangyari? Anong bang kasalanan ko? Bakit niya ako pinaparusan ng ganito? I want an answer!" "Sshhh... Stop crying. Kung pwede ko lang bawasan yung sakit ginawa ko na." Yumakap ako ng mahigpit sa lalaki, parang gusto nang sumuko ng katawan ko at magpahinga na lang sa sobrang pagod. Matagal na panahon kong sinarili ang sakit dito sa puso ko, wala akong masabihan dahil wala naman akong kaibigan. ---------- Tumitig ako sa mata ng lalaki, tila pamilyar ang kulay asul niyang mga mata, saan ko ba ito nakita? dahan dahang naglapit ang aming mga labi hanggang sa nakaramdam ako ng kakaiba. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, alam ko kung saan papunta ang gabing ito. Babae ako at lalaki siya, parehas kaming nakakaramdam ng lungkot at pagkalito dulot sa aming nakaraan. Hindi ko na inisip ang pwedeng mangyari sa pagsikat ng araw, ang mahalaga sakin ngayon ay ang gabing pagsasaluhan namin ng lalaking estranghero. ---------- Lucas POV Nagising ako sa pagtama ng araw sa aking mukha, napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. We both make love and that's my term, this girl is different from the others, her soft skin, her smile and her beautiful face like an angel. Sisiguraduhin kong after ng araw na ito hindi ko na siya pakakawalan. Kinapa ko ang side ng kama, para sana yakapin siya ngunit wala ito. Napatayo kaagad ako upang hanapin ang babae ngunit wala siya, ni bakas ng anino nito wala. 'F*ck this! Ano bang pangalan niya?' Tanong ko sa sarili. 'Kailangan pa ba natin alamin? after naman nito siguradong hindi na tayo magkikita eh.' "Ms." I shouted, but no one showed up. I sigh and calm myself. "F*ck! Is this some kind of a joke?" I sit on the couch and rest my head. I massage my forehead out of confusion and looked around, i saw a letter on the table. 'Gusto kong magpasalamat sa kabaitan at sa pagtulong mo. May mga tao palang katulad mo na handa akong tulungan at pakinggan." You know what, your ex-girlfriend is really lucky because she have you, bibihira lang sa mga lalaki ang kayang ibigay ang lahat, hindi niya man nakita sayo yun pero ako kitang kita ko. Sinayang niya ang isang katulad mo. It's sounds crazy but i will miss you. Yung pakiramdam ng presensya mo na tila isang hangin na paulit ulit na yumayakap sa aking balat, yung libo libong kuryente na dumadaloy sa tuwing nagkakadikit ang ating katawan, yung kakulitan mo na tila sinasabayan ang paghampas ng alon sa dagat, ang iyong mapupungay na mata, ang malambot mong labi at ngiti sa mukha na nagdadala ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Kung sana kinaya ko pa, gusto ko ng makasama ang kapatid ko. Salamat, binigyan mo ako ng masayang alaala sa pag-alis ko. Naniniwala akong hindi pa ito ang huli nating pagkikita dahil mananatili kang nasa puso't isip ko.' I touch my cheek, it has tears. 'I didn't even know your name.' I whispered. Nilapag ko ang sulat sa center table at natahimik ng ilang minuto upang makapag-isip. Napatingin ako sa bintana at sumilip don. 'Who the hell are you?' While looking outside, i saw her looking at me wearing those beautiful smile, s---she's waving at me as if she is saying goodbye I smile out of nowhere. "Sea." ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD