Chapter 1

1443 Words
Sea POV "Are you listening Ms. Sea Fuentabelle?" "What? I'm sorry Atty." Hinging paumanhin ko kay Tito Rim. "Your spacing out again young lady." Huminga ito ng malalim pagkatapos ay umiling, niligpit niya ang mga papeles na nakakalat sa lamesa. "Sa tingin ko hindi ka pa handa makinig sakin. Did you go to your therapist yesterday?" Tanong niya. Tito Rim is a lawyer, siya ang tumutulong sakin para makamit ang hustisyang matagal ko ng gustong makuha. Sa dinami dami ng abogado na nakuha ko, siya lang ang hindi sumuko sakin dahil narin siguro alam niyang kamag-anak ko siya. "I'm sorry Tito, i mean Atty." "You can call me Tito, im done discussing naman na. So, im asking you did you go to your therapist yesterday?" "No po, i'm really busy po kasi yesterday, maybe next week po." "Sea, alam mo naman na kailangan mong pumunta dun 3 times a week right? Kaya ka pala nagkakaganyan, nakatulala ka na naman. Did your parents call you?" Tanong niya ulit. "Sorry po." Yumuko nalang ako para hindi makita ang magkadesmaya ng mukha niya. Hindi ko na sinagot ang huli niyang tanong. Alam ko naman na busy sila sa kanya kanya nilang pamilya, bakit ko pa sila guguluhin. "Aalis na po ako Tito. Gusto ko na din magpahinga. Bukas po dadaan ulit ako dito." Tumayo ako ng maayos at kinuha ang bag ko na nakapatong sa lamesa. Akmang lalabas na ako nang magsalita ulit si Tito Rim. "Sea hindi ka pa ba napapagod?" Makahulugang tanong nito. Dahan dahan akong humarap sa kanya at taas noong tumingin dito. "Hindi po." At lumabas ng opisina niyang wala sa sarili. Nagtungo ako sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko, pagkapasok ko palang ay bumuhos na ang luha ko, hinampas ko ng malakas ang manibela. 'P*tang inang buhay to. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha yung hustisyang kailangan naming magkapatid.' Bulong ko sa sarili, napasabunot pa ako sa buhok ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Ring ring ring Hindi ko pinansin ang tawag ni Daddy at mabilis lamang na nagmaneho, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang makalayo. Yung malayong malayo sa kanilang lahat. Ring ring ring Hinigpitan ko ang hawak sa manibela at mas binilisan ang pagpapaandar ng sasakyan. Ring ring ring "F*ck." Nasabi ko nalang at mabilis na inapakan ang preno, muntikan na ako tumama sa barrier. Huminga ako ng malalim, ramdam ko ang panginginig ng aking kamay, pilit kong pinakalma ang sarili. Ring ring ring "Hello?"Mahina kong sabi. "Sea where are you? Hindi ka daw nagpunta sa therapist mo kahapon? Why?" Ramdam ko ang galit ni Dad sa boses. "Sea? What the heck is your problem? Kanina pa ako tawag ng tawag, ngayon mo lang sinagot." Gusto kong murahin si Dad sa mga oras na ito at sabihin na, Dad sana tinanong mo muna kung okay lang ako, kung kaya ko pa ba o kaya naman kung kailan ako mamatay. Mas maaappreciate ko yun. Napapikit ako bago siya sagutin. "I'm sorry Dad, pagod lang ako today. Pauwi palang po ako sa bahay, don't worry about me, pupunta ako bukas kay Dr. Sanchez. I need to go. Bye." Alam kong magsasalita pa si Dad ngunit pinatay ko kaagad ang telepono. ---------- Nakarating akong ligtas sa bahay, ramdam ko na naman ang lungkot, kaya hindi ako masyado nagstay dito dahil ang panget sa pakiramdam. Ako lang at ang dalawang kasambahay ang nandito, hindi ko rin sila masyadong nakikita dahil malaki ang bahay, sila ang umaasikaso nang buong bahay. Dumiretso nalang ako sa kwarto, wala akong ganang kumain gusto ko ng matulog, kailangan ko ring gumising ng maaga bukas para pumunta sa therapist ko. --------- Kasalukuyan akong nakaharap sa labas ng bintana habang hinihintay si Dr. Sanchez ang therapist ko. Nasa 16th floor ang clinic nito. Maganda si Dr. Sanchez kahit na may kaedadan na ito. "What are you thinking Sea?" Napatingin ako sa nagsalita, ngumiti ako sa kanya at ganun din siya sakin. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah." "Goodmorning Doc." Pagbigay galang ko sa Doctor pagkatapos ay umupo sa harapan niya. "Alam mo naman na ichecheck up kita diba? Why are you wearing jacket? Hubarin mo na yan." Napalunok ako sa sinabi ni Doc. "Nilalamig po ako, pwede niyo naman siguro akong icheck up ng may jacket diba?" "No! Take off your jacket." Wala akong nagawa at dahan dahang hinubad ang jacket na suot ko."I knew it. You're hurting yourself again." Hinawakan niya ang braso at kamay ko, nilagyan niya ito ng ointment para daw maghilom kaagad ang sugat at pasa ko. "Iniinom mo ba yung mga gamot mo?" Seryosong tanong nito. Umiling ako at napayuko. "I'm sorry po." Napabuntong hininga ito ng malalim at ngumiti sakin. Ramdam ko ang pagkainis niya na napalitan ng awa. "I'm sorry, hindi ako galit sayo, okay. Tinutulungan kitang gumaling, tulungin mo rin ang sarili mo. Diba i told you, dont forget to drink your medicine?" Hindi ako sumagot kay Doc at iniwasan ang tingin niya. "Okay, kung ayaw mo akong sagutin, fine. Kwentuhan mo nalang ako ng ginawa mo sa Island. Your Dad called me na nagbakasyon ka daw last month." Dahan dahan akong tumingin sa kanya, kweninto ko ang lahat ng nangyari sakin sa Greenland pati kung paano kami nagkakilala ng estrangherong lalaki. Maliban lang sympre sa nangyari samin, hindi niya na kailangan malaman yun. Communication ang pinaka gusto kong theraphy session namin kasi tahimik lang siyang nakikinig sakin. Nasasabi ko lahat ng gusto kong sabihin na hindi ako pinangungunahan. "Okay, and your done. Sa susunod don't forget to drink your medicine. Okay?" Napatango ako kay Dr. Sanchez. "See you again in 2 days, for another session." "Thank you Doc." Sabi ko. Hinatid niya ako sa labas ng clinic. ---------- Pagkatapos ko kay Doc, dumiretso ako sa opisina ni Tito Rim. Tuwing nakakapagpa theraphy ako gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi maipagkakailang magaling na Doctor si Sanchez. Bipolar Disorder and sakit ko, na kung saan nasasaktan ko ang sarili ko depende sa emosyon na meron ako. Hindi biro ang sakit ko, minsan hindi ko namamalayan na may kalmot na ang braso ko. Sabi ni Doc isa sa problema ko ay hindi kayang ihandle ang emosyon, kapag galit ako nawawala ako sa sarili, may nagagawa akong hindi maganda. Binuksan ko ang pinto sa office ni Tito. "Tito Rim."Masayang bungad ko. "Oh your here Sea. How are you? Did you go to your therapist?" Nakangiting tanong niya. Buti pa si Tito Rim, kahit anong busy niya sa trabaho may oras siyang kamustahin ako, sana isa nalang siya sa naging magulang ko. Lumapit ako sa kanya at bumeso. "Yes po, actually kagagaling ko lang dun. Sorry nga po pala sa attitude ko kahapon" Hinging paumanhin ko. "So meron na po bang goodnews about sa case namin?" Umiling ito at sumandal sa upuan niya. "Wala pa for now, medyo nahihirapan ako sa tagal na rin ng panahon. It's been 15 years since the incident happened. No police records, no CCTV, even though the guards whose on duty that night walang statements sa nangyari." Sabi niya at napatulala sa malayo. "Ano pong gusto niyong sabihin Tito?" Naguguluhang tanong ko. "Diba you told me lahat ng abogado na nakukuha niyo ay pumapalpak or di kaya hindi tinatanggap ang case niyo." "Yes po, yung iba sinasabi na iurong ko nalang daw yung kaso." "Hindi kaya may humaharang satin na malaman ang katutuhanan." Napatakip ako sa bibig, posibleng tama si Tito. Bakit hindi ko yun naisip? Kaya pala hanggang ngayon wala paring usad ang kaso namin. ---------- Wala ako sa sarili habang nakaupo sa paborito kong coffe shop dito sa BGC, nakatingin ako sa kawalan habang iniisip ang usapan namin kanina ni Tito Rim. 'Hindi kaya may humaharang satin na malaman ang katutuhanan.' 'But why?' Ang kakapal naman ng mga mukha nila. Hindi ba sila pinapatay ng konsensya nila. Batang walang kamuang muang ang pinatay nila. 'We dont know yet but one thing for sure. There are involve in this case." Seryosong sabi nito. "Ma'am, here's the bill po." Napabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita ang waitress. "Sorry, here." Inabot ko sa kanya ang pera. "Keep the change, thank you." Sabi ko at pinasok sa bag ang gamit ko. Palabas na ako ng coffe shop nang. "Sh*t!" Naiiritang sabi ko na may bumangga sa akin, nahulog ang dala kong gamit, kasama ang laman ng bag ko. "Miss, i'm really sorry. Hindi kita napansin." Hinging paumanhin ng lalaki. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaana---. You?" Nasabi ko nalang ng humarap ang lalaki. Sh*t I know him. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD