Chapter 2

1195 Words
Sea's POV "You? B--bakit ka nandito?" Nauutal na tanong ko. Sinalubong niya ako ng yakap, hindi ako nakagalaw at hinayaan lang ito. Ngumiti siya at hindi makapaniwalang humawak sa mukha ko. "Ano ba? Wag mo nga akong hawakan." Naiinis na sabi ko at inalis ang pagkakahawak niya. "Sorry, hindi lang ako makapaniwalang buhay ka. Akala ko nagpakamatay ka." Naguguluhan akong tumitig sa kanya, bigla kong naalala yung sulat na iniwan ko sa center table noong unang may nangyari samin sa Greenland, bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Inaamin ko nagsinungaling ako na pinalabas ko na magpapakamatay ako nang gabing yun, akala ko kasi hindi na kami magkikita ng lalaking ito pero sadyang maliit ang mundo. Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam yung sinasabi mo. Sorry nagmamadali ako." At tinalikuran siya ngunit pinigilan niya ako. "Sandali, pwede ba kitang mayaya magcoffee or magdinner minsan?" Nahihiyang tanong niya. Napaisip muna ako bago sumagot. Ayoko naman siyang mapahiya kaya tumango na lang ako. Ngumiti naman siya at nilabas ang phone niya."No, ako nalang kukuha ng number mo, i'll call you nalang kung kailan ako available." Sabi ko pagkatapos ay inabot sa kanya ang phone ko. Habang sinesave ang number niya, nagkaroon ako ng tiyansa na mas matitigan itong mabuti. Simple lang ang suot niyang t-shirt, pantalon na fit at rubber shoes na puti. Bakit parang mas naging gwapo siya sa paningin ko ngayon? Hindi naman ako masyadong attracted sa kanya noong nasa Isla kami. "I'm done, nasave ko na number ko." "Sige, i have to go." Pagpapaalam ko, kinuha ko ang phone sa kamay niya pagkatapos ay tinalikuran siya at mabilis na naglakad. Patakbo akong pumunta sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko. 'Bakit napapangiti ako ng wala sa oras? Oh my god! Don't tell me kinikilig ka Sea. Hindi pwede yan!' Sita ko sa sarili. ---------- Nang makauwi sa bahay nagkulong lang ako sa kwarto, tiningnan ko ang status ng business ko. I have a small business like clothing line and book store. Hindi alam ng parents ko ang tungkol dito, sarili kong pera ang ginastos ko, yung allowance na binibigay nila sakin every week iniipon ko hanggang sa nakaipon ako ng malaki laking pera para makapagsimula ng maliit na business. Kung tutuusin ayoko na ring umasa sa kanila, baka kung ano pa ang isipin o sabihin ng mga anak nila. ---------- Huminga ako ng malalim nang biglang maalala ang lalaking nakasalubong kanina. 'Ano nga bang pangalan niya? Wait! Sinave niya ang number niya sa contacts ko.' Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang number ng lalaki. Konti lang naman ang nasa contacts ko kaya mabilis ko itong nahanap. Lucas Miller ang pangalan niya. 'I can't believe na nabigay ko yung p********e ko sa kanya. Ano kayang nasa isip niya noong gabing yun. Sus! Ano bang pinagiisip ko, hindi big deal sa lalaki yun lalo na't hindi naman siya ang nakauna sakin, pero para sakin siya ang una ko. Siya ang unang lalaking nakahalik sa labi ko. Ganun pala yung feeling noh, ramdam ko parin yung malambot niyang labi sa labi ko.' Napabuntong hininga ulit ako. 'Meron pa kayang tao na magmamahal sakin?' Tanong ko sa sarili. 'Bilang isang babae importante sakin na maibigay sa lalaking mamahalin ko habang buhay ang sarili ko, pero nakuha lang yun ng lalaking hindi ko kilala, nang lalaking bumaboy sakin at pumatay sa kapatid ko.' Hinimas ko ang aking ulo, tinanggal ko ang suot kong salamin sa mata pagkatapos ay kinuha ang gamot sa bag ko, pinatay ko na rin ang laptop ko. It's already 11PM, i also need to sleep. ---------- A few weeks later. Nakaupo ako dito sa coffee shop sa BGC habang masinsinang nagbabasa ng libro, kagagaling ko lang sa therapist kanina. Hindi ko muna kinulit si Atty Rim, wala namang bagong balita tungkol sa kaso, tsaka ayoko din siyang ipressure. Sabi nga nila lets take it slow, sa sobrang slow hindi na nga umuusad yung kaso. Ring ring ring Napatingin ako sa phone ko, unknown number ang tumatawag kaya napataas ang kilay ko, sino naman kaya ito? "Hello!" Bungad ko. "Ma'am? Ma'am Sea, si Judith po ito kasambahay niyo. Andito po ang Mommy niyo nagwawala. Hindi po namin alam ang gagawin kaya tinawagan namin kayo." Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ng kasambahay, ito ang unang beses na umuwi si Mom sa bahay mula nang magkaroon ito ng sariling pamilya. "Ano? Sige sige pauwi na ako." Niligpit ko ang gamit ko at nagpunta sa counter para magbayad. Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan upang makauwi kaagad sa bahay. Hindi ko na inayos ang pagpark ng sasakyan sa garahe. Pagpasok ko sa loob ng bahay, maraming kalat, basag ang mga vase, nakita kong umiinom ng alak si Mom sa sala. Magulo ang kanyang buhok at basa ng luha ang kanyang mukha. Gusto kong maawa, ngayon ko lang siyang nakitang ganito. "Your here Sea. My baby, come here." Sabi ni Mom with the sweetest tone. Biglang pumatak ang luha ko sa mata, ngayon ko lang ulit narinig ang paglalambing niya. "Ano pong ginagawa niyo dito? Bakit ganyan ang itsura mo?" Seryosong tanong ko, hindi ako lumapit sa kanya. Tumawa siya at nilagyan ulit ng alak ang baso pagkatapos ay nilagok ito. "Niloko ako ng hayop na lalaking yun, nambabae siya. Akala niya siguro hindi ko alam ang tinginan nila ng secretary niya. B*llsh*t silang dalawa!" Galit na sabi niya. "Alam ba ng mga anak mo na nandito ka?" "Wala silang alam, ayokong sabihin sa kanila kasi alam kong masasaktan sila. Ayoko silang masaktan kaya pilit kong tinatago sa kanila." Umiiyak na sabi niya. Napatalikod nalang ako pagkatapos marinig ang sinabi niya. 'Bakit ang sakit? Anak niya rin naman ako pero bakit hindi ko naramdaman sa kanya yan nung mga panahon na nasasaktan din ako.' Bulong ko sa sarili. "Sea, saan ka pupunta? Iiwan mo rin ako?" Pinunasan ko ang luha ko bago humarap sa kanya. Gusto ko siyang sagutin nang 'Oo iiwan ko kayo katulad nang pagiwan niyo sakin sa ere noong panahon na miserable ang buhay ko, kulang pa nga yang nararamdaman mo, kulang pa yan sa lungkot na dinaranas ko mula noon hanggang ngayon.' Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang sabihin sa harapan niya yan kasi kahit anong pagpapalakas sa sarili ko, alam kong mahina parin ako at yun ang totoo. "Gusto ko ng magpahinga Mom. Kapag may kailangan ka tawagin mo nalang sila yaya." Patay malisya kong sabi pagkatapos ay tinalikuran siya ulit. Huminga ako ng malalim pagkapasok sa kwarto, nanginginig ang kamay ko kaya kinuha ko ang phone ko at mabilis na tinawagan si Dr. Sanchez ngunit hindi ito sumasagot. Napasabunot ako sa buhok ko at tinitigan ang pwedeng tawagan. Bahala na! Ring ring ring "Hello." Bungad ng mapungay na boses sa kabilang linya na halata namang kagigising lang. "Hello Lucas, its me, can you open your GPS?" Desperada kong sabi. "Huh? B--but why?" Naguguluhan niyang tanong. "Basta." Wala naman siyang nagawa kung hindi sumangayon. Hindi ko kayang makasama si Mom sa iisang bahay kaya mas mabuti pang magpalipas nalang ng gabi kila Lucas. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD