Chapter 3

1144 Words
Lucas POV "Hi Mel, is my Dad there." Tinuro ko ang pinto kung nasaan ang opisina ni Daddy pagkatapos ay humarap ulit dito. Si Mel ang secretary ni Dad, hindi ito sumagot at nakatulala lang sakin kaya umubo kunwari ako. Ano bang bago, ganito naman palagi, halos lahat ng babaeng nakakasalubong o nakakausap ko kulang nalang tumulo ang laway dahil sa kagwapuhan ko. Hindi sa magmamayabang pero maganda talaga ang lahi naming mga Miller, nakuha ko sa british Mom ko ang matangos na ilong at sa Daddy ko naman ang kulay asul na mata dahil half american and filipino siya. "Sorry Sir, nasa loob po ang Dad niyo. Actually his waiting for you." Nahihiyang sabi ng babae. "Okay, thank you." Sabi ko at kinindatan ang babae, napatawa naman ako dahil halatang pigil na pigil ang pagngiti niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa opisina ni Dad. "Dad." "My boy." Masayang bungad ni Dad, lumapit ako upang magbigay galang sa kanya. "How are you? Did you enjoy your vacation?" "Yes Dad, and guess what lahat ng alaala na kailangan kalimutan iniwan ko na dun sa Isla." Pagmamayabang ko, Dad knows everything about me. Mas malapit ako sa kanya kesa kay Mom siguro dahil parehas kami ng hilig gawin, like racing, basketball and golfing, si Mom kasi puro kadramahan sa buhay but don't get me wrong i love them both. Isa din si Dad sa nagsuggest na kailangan kong magbakasyon para makalimot sa mga nangyari. "Dad, may nakilala akong binibini sa Isla. It's sounds crazy but i think i'm inlove again." "That's my son, ganyan nga anak, manang mana ka talaga sakin. Kailan mo naman ipakikilala ang babaeng sinasabi mo? Baka magulat nalang kami ng Mommy mo may apo na pala kami." Lumapit siya sakin at tinapik ang likuran ko. "Hindi ko pa alam Dad, but promise po soon." Hindi ko na sinabi na hindi ko pa kilala ang babae, baka madisappoint siya. Sa totoo lang, bilib ako kay Dad, he is our hero. Sa dami niyang ginagawa sa Company, ni minsan hindi siya nagkulang samin ni Mommy, even yung mga empleyado niya inispoiled niya. We have our own Law firm, tumutulong kami sa mga taong my kaso na hindi gaanong nabibigyan ng pansin ng Gobyerno. Yes my Dad is rich but not me. Alam ko na ako ang magmamana ng Law firm namin pagdating ng panahon, pero sa ngayon hinahayaan muna ako ni Dad na maenjoy ang buhay ko. Sabi niya nga bigyan ko daw muna siya ng maraming apo bago niya ipasa sakin ang Company, baka daw kasi kapag binata pa ako at pinasa niya ang Company hindi ako makapagasawa sa sobrang busy. "Dad sige na. I have to go, magkikita pa kami ng friends ko." Pagpapaalam ko. Sumeryoso naman ang kanyang mukha pagkatapos ay huminga ng malalim. "Okay, umuwi ka ng maaga because your Mom will cook dinner for us." Tumango ako at lumabas ng opisina ni Dad, nakita ko si Mel na nakikipagkwentuhan sa ibang empleyado. Mukhang nagkwento na sa nangyaring pagkindat ko kanina. "Bye Sir Lucas. Ingat po." Sabay sabay na sabi ng empleyadong babae. "Bye girls." ---------- Dumiretso ako sa parking lot, kasalukuyan akong papunta sa BGC dahil duon kami magkikita ng mga kaibigan ko. It's Romeo's bachelor party today, ikakasal na ang pinakag*go sa grupo. I can't believe na nagseseryoso din pala ang mga badboy na akala ko noon wala ng pag-asa sa buhay. Pababa ako ng sasakyan nang maisipang bumili ng maiinom, tutal nauuhaw na rin naman ako. Napahinto ako sa isang coffee shop, habang namimili nang pwedeng orderin ay biglang. "Sh*t!" Sabi ng isang babae nang hindi ko sinasadyang mabunggo ito. "Miss, i'm really sorry. Hindi kita nakita." Hinging paumanhin ko. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaana---. You?" Sabi ulit ng babae, wait parang narinig ko na yung boses na yun. F*ck it's her. "You? B--bakit ka nandito?" Nauutal na tanong ng babae. Bigla ko siyang niyakap, hindi siya nakagalaw at hinayaan lang ako. "Ano ba? Wag mo nga akong hawakan." Sabi niya, sh*t i missed her. Namiss ko yung pagtataray niya. "Sorry, hindi lang ako makapaniwalang buhay ka. Akala ko nagpakamatay ka." Nagaalalang sabi ko. Nagkaroon ako ng pag-asang titigan ang magandang mukha ng babae, simple lang ang suot nito pero naaattract ako, parang gusto ko siyang buhatin at dalhin sa condo ko. "Sorry nagmamadali kasi ako." Sabi niya, mukha namang totoo kaya hiningi ko nalang yung number niya para pwede ko siyang yayain na lumabas. Actually siya nalang pala ang kumuha ng number ko, she will txt me nalang daw kung kailan siya available at mabilis na naglakad. Ring ring ring "Hello Bro." "San ka na? Andito na sila Romeo." Bungad ni Leo sa kabilang linya. "Papunta na Bro." At mabilis na naglakad. Nang makarating sa condo ni Romeo, nagkamustahan kami pagkatapos ay naginuman at nagkwentuhan. Nakakatuwang isipin na yung iba samin ay may pamilya na, masaya nilang kwenikwento ang pagiging Daddy nila. "Yeah, my daughter is always crying. She don't want to be with her Mom, lagi lang nasa tabi ko kapag nasa bahay ako. Natatawang sabi ng kaibigan kong si Leo. "Malapit talaga sa ama ang anak na babae." "Hahaha, totoo yan. I feel you." Sabi ni Cole kasabay ng paghalakhak. Hindi ako makarelate sa kanila pero halatang masaya sila sa buhay may asawa. "Yung anak kong lalaki malapit naman kay Misis. Sila ang laging magkasama, minsan sa kwarto pa natutulog." "Kaya pala mainitin ang ulo mo this past few days Bro, mukhang hindi na nakakascore kay Misis." Si Ben ang nagsalita, pinakapasaway sa grupo, he also came from a rich family. "Sinabi mo pa.What about you Lucas? Kailan namin makikita ang minime mo?" Gulat akong napatingin sa kanila, lahat sila ay nakatingin sakin na tila hinihintay ang sagot ko. Napakamot ako sa ulo ko, nadamay pa ako. "Within this year Bro." Pagmamayabang ko. "Yown ang Lucas Miller, iba ka talaga Bro! Ang tinik mo, anakan mo ako." Pagbibiro ni Jef, sabay sabay kaming napatawa. Bigla ko tuloy naisip yung babae. 'Paano kaya kung nabuntis ko siya? ano bang pangalan niya? Hay naku! Sa dinami dami ng pwedeng kalimutang itanong pangalan niya pa. Ang galing mo talaga Lucas Miller.' Naiinis na sabi sa sarili. ---------- Habang masayang nagkwekwentuhan biglang nagsalita si Romeo. "Sa lahat ng pagsubok na nangyari sa buhay natin, nakakatuwang isipin na magkakasama parin tayo." Makahulugang sabi nito. Si Romeo rin pala ang pinakamatanda sa grupo, kahit badboy ito, siya ang pinakaseryoso sa buhay. Ayaw na ayaw niyang nade-dehado ang grupo namin. "Drama mo." Natatawang singit ni Ben. "Let's cheers brothers for our friendship and for Romeo's marriage." Tinaas ni Cole ang baso niya. "Kampai." "Kampai." Sabay sabay na sabi namin pagkatapos ay nilagok ang alak sa baso. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD