Lucas POV
Ilang oras na ang nakalipas, tiningnan ko ang phone ko kung may txt ang babae ngunit nakakadesmayang isipin na wala.
Si Dad lang ang nagmessage kaya mabilis ko itong binasa.
'Son, where are you? Your Mom is waiting for you.' Txt ni Dad.
Bigla kong naalala na may dinner pala kami ng parents ko ngayon. I'm so dead!
Masyadong napasarap ang kwentuhan namin ng mga kaibigan ko kaya hindi ko na namalayan ang oras.
"Bros, kailangan ko ng umalis. Bawi ako next time. My parents are waiting for me." Pagpapaalam ko sa kanila.
Tumango naman sila at nagpaalam na rin sakin.
Mabilis akong nagmaneho pauwi, pagdating ko sa mansyon nakita kong kumakain na si Mom and Dad.
Humalik ako sa pisngi ni Mom, nagulat naman ito at inisnaban ako.
'Mukhang nagtatampo na naman ang Mommy ko. Mamaya dadramahan na naman ako nito.' Bulong ko sa sarili at napakamot sa ulo.
"Sorry i'm late Mom, sobrang traffic kasi, wag ka nang magalit please, i have a special pasalobong for you." Malambing na sabi ko pagkatapos ay binaba sa lamesa ang paborito niyang cake.
"Alam na alam mo talaga kung paano ako lambingin, manang mana ka sa Daddy mo." Tumawa naman kaming dalawa ni Dad.
Nagkwentuhan lang kami about sa nangyari ngayong araw habang masayang naghahapunan.
"Bakit hindi mo inuwi yung mga labahan mo sa condo?"
"No need na po, my malapit na laundry shop sa harap ng condo ko."
Tumango nalang si Mom pagkatapos ay nagslice ng cake.
"Bukas nalang din ako uuwi ng condo, for now i'll sleep in my room. Namiss ko din eh." Sabi ko at nagpunas ng tissue sa bibig.
----------
Kasalukuyan akong nakatingin sa kawalan, kanina pa ako naghihintay ng txt ng babae ngunit wala parin hanggang ngayon.
'Hindi kaya mali yung number na nabigay ko? Ang tanga mo talaga Lucas.' Sabi ko sa sarili pagkatapos ay napasabunot sa buhok.
Kesa mag-isip, tutal hindi naman ako makatulog. Niligpit ko nalang yung iba kong damit na pwede kong dalhin sa condo.
Bigay ni Dad ang condo ko sa BGC noong debute ko. Last year ko lang din naisipang gamitin, sayang naman kung hindi magamit diba.
Tska masarap din sa feeling na minsan mag-isa ka, nakakapagfocus ka sa sarili mo at may peace of mind ka.
Kumuha ako ng malaking bag sa kabinet, pagbukas ko ng drawer, nakita ko yung mga picture ng ex-girlfriend ko, napangiti ako ng walang maramdamang kahit na anong sakit sa puso ko.
I am proudly to say na wala na yung feelings ko sa kanya, siguro kapag nakita ko siya may galit parin sa puso ko, hindi naman kasi maaalis kaagad yun tska hindi rin biro ang pinagsamahan namin, minahal ko siya ng buong buo at hindi ko yun maipagkakaila.
Yung galit nandito parin sa puso ko, pero yung feelings nawala na, hindi ko alam kung kailan o kung paano basta nawala nalang siya ng kusa.
Kinuha ko ang mga picture namin pagkatapos ay nilagay sa basurahan, pati yung mga regalo niya sakin ay tinapon ko na rin. Ayoko na siyang maalala pa, gusto kong magsimula ng panibagong buhay na hindi nageexist ang isang katulad niya.
----------
Few days later.
"Thank you." Nakangiting sabi ko sa Ale.
"Wala yun pogi, napakagwapo mong bata. Gusto kitang ipakilala sa anak ko." Sabi ng babaeng nasa 40's na ang edad. Siya ang may ari ng laundry shop dito malapit sa condo ko.
"Pwede naman po, bagay ba kami?" Pagbibiro ko.
"Oo naman, kaya lang kailangan mo pang maghintay ng 15 years kasi bata pa. Wag kang magalala, papainumin ko ng vitamins para lumaki kaagad."
"15 years? Baka po matanda na ako nun hahaha. Ilan taon na po ba ang anak niyo?"
"5 years old."
'Jusmiyo! Sobrang bata pa pala, child abbuse ako nito kung sakali.'
"Sige po aalis na ako." Pagpapaalam ko.
"Bumalik ka ulit ha. Kahit libre na yung susunod mong punta."
"Sige po. Thank you."
----------
Pagod kong binagsak ang dala kong basket, nakakapagod ang araw na ito, naggym muna kasi ako bago dumaan sa laundry shop.
I check my phone but still no txt or call to a girl i met in the coffee shop. Actually, para na akong tanga kakahintay at kakaisip kung bakit hindi siya nagttxt, nakakainis kayang maghintay pero naisip ko din na baka mali nga yung number na nabigay ko sa kanya kasi hindi ko rin nadouble check sa contacts niya.
Niligpit ko ang nakakalat sa sala, next week pa pupunta ang kasambahay namin para maglinis dahil nagkasakit daw ito.
Kahit naman lalaki ako marunong akong maglinis, ayoko rin kasi ng makalat lalo na sa gamit.
Pagkatapos kong maglinis, humiga ako sa kama upang magpahinga, ngunit sa hindi inaasahan ay hinila ako ng antok.
Ring ring ring
Minulat ko ang aking mata nang marinig ang telepono ko, wala akong makita dahil madilim ang paligid napasarap ata ang tulog ko kanina, kaya nagtuloy tuloy hanggang ngayong gabi.
"Hello." Sagot ko sa kabilang linya.
"Hello Lucas, it's me, can you open your GPS?"
Ano daw? GPS? Nanlaki ang mata ko nang biglang naalala kung sino ito.
"Huh? B--but why?"
"Basta." Sumangayon naman ako at walang nagawa.
15 minutes later.
Biglang may kumatok sa pinto. 'Sino kaya ito? May inorder ba akong food? Parang wala naman akong naaalala.' Tanong ko sa sarili bago ito pinagbuksan.
Nagulat ako ng makita ang babae sa harapan ko, halatang kagagaling lang nito sa pagiyak.
"What happen to you?" Nagaalalang tanong ko sa babae.
"Wala, dito mo na ako matutulog ngayong gabi." Sabi niya pagkatapos ay walang sabi sabing pumasok sa loob ng condo ko. "Okay lang ba sayo?"
Napatango ako ng wala sa sarili.
Sinarado ko ang pinto at hindi maiwasang matulala, baka nananaginip lang ako.
Kanila lang siya ang nasa isip ko pero ngayon nandito na siya sa harapan ko, i mean sa condo ko pala. Nasampal ko ng mahina ang sarili.
'Totoo nga! Hindi ito panaginip.'
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.