Sea POV
Kasalukuyan akong nandito sa condo ni Lucas, hinihintay ko siya dito sa dining table.
Nagyaya akong uminom kaya kumuha siya ng pwedeng inumin sa reef niya. "Ito, wine lang nahanap ko. Okay lang ba sayo?" Napalingon ako sa lalaking nasa likuran ko pagkatapos ay tumango. Umupo naman siya sa tabi ko. "Bakit ka ba kasi iinom? May problema ka ba?"
Huminga ako ng malalim at binuksan ang bote, nagsalin ako sa baso at sumandal sa kinauupuan ko. "Si Mom, nasa bahay siya. Hindi ko siya kayang makasama sa iisang bahay."
"Oh... Akala ko pa naman okay na kayo, matagal na panahon na yun diba bata ka pa nun. Dapat nakipagbati kana."
"Yeah, matagal na panahon na pero hindi ko parin makalimutan. Tsaka okay naman kami noh, naguusap kami as a professional pero yung usap na parang pamilya." Umiling ako pagkatapos ay nilagok ulit ang alak sa baso. "Galit parin ako sa kanila kasi inabandona nila ako para sa sarili nilang pamilya."
"Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka?" Tanong niya.
"Hindi. Ang dami ko ng pinagdaanan sa buhay ng mag-isa."
Ngumiti lang siya sakin, yung ngiting alam kong pilit.
Nagkwentuhan lang kami ng halos tatlong oras, hindi ko nga alam kung paano tumagal ng ganung kahaba pero hindi ko yun namalayan kasi masaya siyang kausap.
----------
"Sure ka ba na diyan ka matutulog sa baba? Okay lang naman kung ako nalang diyan at dito ka sa kama mo." Nahihiyang sabi ko.
"Hindi okay lang talaga." Sabi niya at ngumiti sakin, natawa naman ako nang makita ang kanyang mukha nang humiga ito sa sahig.
"Alam mo sasakit likod mo diyan, mas mabuti pa tumabi ka nalang sakin. Malaki naman kama mo eh."
"Okay lang sayo?" Nagaalangan niyang tanong.
"Malamang." Niligpit niya ang nilatag niyang sapin sa sahig, ako naman nilagyan ko ng unan sa gitna ng kama niya, para may harang kami.
"Goodnight." Sabi niya, hindi na ako umimik at nagkunwariang tulog na.
-----------
Nagising ako nang may maamoy na mabangong sinangag. Nag-unat ako ng katawan, napasarap ang tulog ko, hindi ko na namalayan ang oras.
"Oras? Sh*t!" Kaagad akong napabangon at hinanap ang cellphone ko. Nalowbat pala ako kagabi, sigurado akong marami ng nagtxt o tumatawag sakin.
Kinagat ko ang koko habang hinihintay ang pagbukas ng phone ko.
"Baka nagaalala na sila sakin." Mahinang sabi ko.
Sunod sunod ang pagtunog ng phone ko na ang ibig sabihin ay nagsipasok na ang message nila sakin.
'Where are you?'
'Sea, what the h*ck? Answer you phone?'
'Sea Fuentabelle?'
'Sea, sagutin mo ang telephono mo.'
'Sumagot ka, nasaan ka pupuntahan kita.'
'Sea, where are you?'
'Please! Answer your phone. Nagaalala na kami sayo.'
360 missed call.
Yan ang mga pangunahing txt sakin ni Tito Rim, Dr. Sanchez, Daddy & Mommy. Napahawak ako sa sentido at hinilot ito.
"F*ck!" Kahit naman galit ako sa kanila, ginagalang ko paran sila depende sa kung anong parte nila sa buhay ko.
"Goodmorning." Nakangiting bungad sakin ni Lucas.
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nang makita ito, nadala ako sa ngiti niya.
"Breakfast in bed Ms." Sabi niya.
Umiling ako at napapikit. "Sorry, i need to go home. My parents are waiting for me."
Bigla namang nalungkot ang mukha niya at para itong napahiya.
"G---ganun ba? Hatid nalang kita sa pinto."
Tumango ako pagkatapos ay kinuha ang susi ng kotse sa ibabaw ng lamesa.
"Thank you." Pagpapaalam ko. Hindi siya sumagot at pilit na ngumiti.
Akmang maglalakad na ako sa hallway nang. "Wait, nakalimutan kong tanungin ang pangalan mo."
"I'm Sea Fuentabelle."
Tumango naman siya at ngumiti. "Atleast i know your name. Your welcome by the way Ms. Sea."
Tumalikod siya sakin pagkatapos ay naglakad na papasok ng condo unit niya.
----------
Pagdating ko sa bahay, nakita ko ang sasakyan ni Mom and Dad na nakapark sa garahe.
Pinark ko na rin ang sasakyan ko at pumasok na sa loob ng bahay.
"Anak? Sea." Bungad sakin ni Mom, agad niya akong niyakap. "San ka ba nagpunta? Kanina pa ako nagaalala sayo. May nasabi ba akong ikinasama ng loob mo kagabi? I'm sorry anak, i was drunk last night. Wala akong matandaan." Sabi ni Mom na halos mangiyak ngiyak.
"W---wala po Mom. Sorry po napagalala ko kayo ni Dad." Yumuko ako upang magbigay galang at paumanhin sa kanila.
Ramdam ko ang galit ni Dad. "Young lady go to your room and freshen up, after that we will talk." Maotoridad na sabi niya.
Tumango ako at umakyat sa kwarto. Sinunod ko ang utos niya, naligo ako at nagpalit ng bagong damit.
Nakaharap ako sa salamin habang nagsusuklay, naglagay ako ng bb cream para takpan ang eyebags ko.
----------
Kasalukuyan kaming nasa dining area. Me, Dad and Mom, kung titingnan parang wala hiwalayan na naganap pero alam ko naman na kailangan nilang magkasundo para sakin. "Sea, nagreport si Dr. Sanchez sakin na nakakalimutan mo daw inumin ang mga gamot mo?"
Tumingin ako kay Dad at pilit na ngumiti dito. "Sorry Dad, last two weeks ago pa po yun. Ngayon po hindi ko na nakakalimutan, actually pupunta ako kay Dr. Sanchez tomorrow para magpacheck-up ulit."
"Good! About last night where did you sleep?"
"Uhm... i have a friend po who lives in BGC condominium, sa kanila ako nakitulog. Gabi na rin kasi tsaka delikado na kaya hindi na ako nakauwi kagabi."
Mukha namang naniwala si Dad at tumango nalang.
"About the case." Napatingin kami ni Mom kay Dad. "Is your Tito Rim have a good news?" Umiling naman ako."I should to talk to him. Masyado nang matagal ang kaso."
Nakakabingi ang katahimikan, nakakatatlong subo palang ako nang mawalan ng gana. "I'm done na po."
"Your done? Hindi pa nauubos ang pagkain mo." Sabi ni Mommy.
"I'm already full na Mom, marami rin akong nakain na breakfast kanina." Sabi ko kahit ang totoo hindi naman talaga ako nagbreakfast dahil sa pagmamadali kong umuwi.
----------
I was sitting in my room, when my phone ring. It's Lucas.
Mabilis ko itong sinagot. "Hello?"
"Nakauwi kana?" Tanong niya.
"Yeah, kanina pa." Sabi ko pagkatapos ay napakagat sa labi ko.
"Is your Mom there?"
"Yup and Dad too." Naiinis na saad ko, narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina. "Bakit ka tumatawa?"
"Wala lang. Sige na i have to go. I just wanna make sure that you are safe, that's why i call you."
"Okay. Bye Lucas." Pagpapaalam ko, napangiti ako ng wala sa oras.
Mukhang kailangan ko rin ipacheck up ang puso ko, kakaiba kasi ang t***k nito tuwing nakikita o nakakausap ko si Lucas.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.