Sea POV
Nasa coffee shop ako dito sa BGC, isang buong linggo na akong stress dahil sa business ko, buti nalang ngayon ay tapos na.
Pwede na akong magpahinga at magcelebrate dahil i'm sure malaking pera na naman ang kikitain ko.
Matapos kong ubusin ang isang baso ng kape ay nagbayad na ako, akmang palabas na ako ng shop nang may tumakip sa mata ko.
Kilala ko ang pabango niya kaya natawa ako. "Lucas, stop it." Sabi ko at humarap sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?"
"Nope. Let's just say na nakaopen ang GPS mo."
"What the f*ck?" Mabilis kong chineck ko ang phone ko at naka-open nga. "Oo nga noh." Pinatay ko ito at tumingin sa kanya.
"Mukhang masaya ka ah?" Tanong niya.
Hindi ako nagdalawang isip na ikwento kung bakit masaya ako ngayon tsaka may tiwala naman ako sa kanya. "Yeah, sa wakas natapos ko na rin ang problema ko sa clothing line ko."
"Thats good news, we should celebrate. Ano tara, libre mo." At inakbayan ako.
"Feeling close? At saan tayo pupunta?" Tanong ko habang naglalakad papunta sa sasakyan niya.
"Basta, just trust me. Akong bahala sayo." Sabi niya na may kasama pang kindat, sumakay ako harap ng sasakyan niya.
Halatang mayaman ang lalaki, lamborghini ang gamit nitong sasakyan.
"Ay wait, what about my car?"
"Balikan nalang natin ang sasakyan mo mamaya." Tumango nalang ako sa sinabi niya.
Nagtake-out muna kami sa Mcdo bago magbyahe.
Actually kalahating oras na rin kaming nasa byahe, madilim na rin ang kapaligiran at hanggang ngayon hindi niya parin sinasabi kung saan kami pupunta, surprise daw.
Lumipas ang ilang oras nang makarating ang pupuntahan namin.
"Pikit ka muna bago bumaba ha." Sabi niya kasabay ng pagtakip sa mata ko. "Bawal sumilip."
"Ang dami mong alam Lucas."
"Surprise." Parang bata niyang sabi kaya minulat ko ang mata ko at laking gulat nang makita kung nasaan kami.
"Sky Ranch?" Kinagat ko ang pangibabang labi ko para mapigilan ang pagtawa. "Anong gagawin natin dito?"
"Maglalaro, tara na akong bahala sayo. Promise mageenjoy ka." Sabi ni Lucas at hinila ako papasok sa entrance.
Wala akong ginawa kung hindi sumunod lang sa kanya, nagrides kami tapos kumain, para nga kaming mga bata sa pinaggagawa niya.
Masayang kasama si Lucas, maalaga at maalalahanin, tama nga yung sinabi niya na just trust me kasi nagenjoy talaga ako, nung una akala hindi masaya, but look at me pinagdadasal na sana hindi na matapos ang gabing ito.
----------
"Para sayo ito." Sabi niya at kinindatan ako. Andaming taong nakatingin samin sa sobrang kayabangan niya.
Kailangan niyang ishoot yung bola sa ring para manalo ng malaking stuff toys, hindi ko alam kung anong tawag dito sa game na ito pero mukhang may daya, napakalayo ng ring eh.
Tumawa ako ng mahina nang sumablay ito. "Kailangan ata ng kiss mula sa girlfriend." Sabi nang isa sa nakatingin samin.
Halos mamula ang pisngi ko sa sinabi ng lalaki, tumingin ako kay Lucas at inirapan ito ngunit lumapit naman siya sakin.
"Kiss, kiss." Sigaw ng mga taong nanunuod samin.
"Kiss daw Misis sabi nila."
"Misis ka diyan." Nakangusong sabi ko pagkatapos ay kinurot siya sa tagiliran.
"Ay! Asawa niyo po pala yan Sir?" Tanong ng matandang lalaki.
"Oo Manong, naglilihi na kaya mainit ulo. Kiss na daw." Pagpupumilit ni Lucas at mabilis na humalik sa labi ko.
Hindi ako kaagad nakagalaw sa sobrang pagkabigla.
"Ito na para sayo ito Misis ko."
Tumingin ako sa paligid, kinikilig ang ibang kababaihan at kalalakihan. Napatakip nalang ako sa mukha sa sobrang hiya.
Nagtry ulit siya at nagready. Napasigaw ako nang mashoot niya ang bola sa ring, ewan ko nagiging ibang tao ako kapag kasama siya.
Lumapit siya sakin at binigay ang malaking teddy bear.
"Kiss lang pala ni Misis ang makakapagpanalo sayo." Sabi ng matandang lalaki.
'Echusera si Tatang.' Mahinang sabi ko.
"Sige po, alis na kami." Pagpapaalam namin ni Lucas.
----------
Nakasakay na kami sa sasakyan nang paghahampasin ko siya. "Anong pinagsasabi mo kanina? Para kang baliw."
Tawa lang siya ng tawa bawat hampas ko, hindi ito nagsalita, baliw na ata ito.
Dumaan muna kami sa overlooking bago umuwi, ang sarap sa feeling ng malamig na hangin, kitang kita mo dito ang magandang tanawin at mga ilaw sa malayo.
Abala akong nakatingin sa paligid nang patungan ng jacket ni Lucas ang likuran ko. "Malamig na, pumasok ka na sa kotse." Sabi niya pagkatapos ay ngumiti sakin.
Tumitig ako sa mukha niya, hindi ko maipagkakailang gwapong lalaki si Lucas.
Lumayo ako sa kanya ng konti nang may maramdamang init sa katawan. Tila kakaiba rin ang titig namin sa isa't isa sa mga oras na ito.
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko pagkatapos ay nilapit niya ang labi ko sa labi niya, nadala ako sa paghalik niya kaya hinila ko ang batok niya para mas mapalapit kami sa isa't isa.
"Not here." Hinihingal na bulong ko sa kanya. Tumango naman siya at pilit na pinigilan ang sarili.
May alam daw siyang pwede naming tuluyan ngayong gabi, may rest house sila ng family niya dito.
----------
Nang buksan ang pinto ng rest house ay bigla niya na naman akong hinalikan. Yung halik na nakakaadik kaya hindi ko na rin ito napigilan.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya napakagat ako sa labi. Wala akong maisip kung tama o mali ba itong ginagawa namin.
Hindi ko napansin na narating na namin ang kwarto dahil ramdam ko na ang malambot na kama sa likuran ko. Halos panggigilan namin ang isa't isa, ramdam ko ang malambot niyang labi na humahagod sa buo kong katawan.
Naramdaman ko rin ang pagtanggal niya sa underware ko, wala na kaming suot na kahit na ano. Tanging ungol lang ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong ito.
Ilang beses rin namin ginawa ang ginagawa ng mag-asawa na tila mayroong namamagitan samin.
Nakayakap ako sa kanya habang siya naman ay hinihimis ang malambot kong buhok. "Sea." Pagtawag niya sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Will you be my girlfriend?" Sabi niya na ikinagulat ko, hindi ako nakapagsalita kaagad. "Sorry to asked you that."
"No, its okay. Yes i can be your girlfriend. Nagulat lang ako kasi masyadong mabilis."
"No, were on the right time. Wag kang mag-alala, araw araw kitang liligawan. Promise yan." Sabi niya at humalik ulit sa labi ko. "Your crying?"
"Tears of joy, thank you dahil tinanggap mo ako kahit na alam mo na hindi ikaw ang ---." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito.
"Wala akong pakialam sa nakaraan mo. Ngayong kasalukuyan ang importante sakin. Okay?" Tumango ako pagkatapos ay yumakap sa kanya.
"Tutal may label na tayo, siguro mas magugustuhan ko yung another round. Ano ready?"
Natawa naman ako ng magsimula na naman siyang humalik sa iba't ibang parte ng katawan ko.
----------
Nandun parin yung takot na baka iwan niya ako sa huli, pero diba sabi niya magtiwala lang ako sa kanya kaya ganun ang gagawin ko.
Tinanggap niya ako kung sino ako kaya handa rin akong tanggapin kung sino o kung ano ang nakaraan niya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.