Chapter 7

1596 Words
Sea POV "Kumain ka lang Sea, wag kang mahiya." Sabi ng Mommy ni Lucas at nilagyan ng kanin ang pinggan ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Lucas sa kamay ko at ngumiti. "Salamat po." "Call me Tita tutal kayo na ni Lucas." Masayang sabi nito. Napakabait ng Ina ni Lucas, ramdam ko ang mainit na pagtanggap niya sakin. Maganda rin ito at may maputing kutis na katulad kay Lucas. "Mom." Sita ni Lucas sa Ina at napakamot sa ulo. "Ano ka ba anak, masaya lang ako." Sabi nito pagkatapos ay nilagyan juice ang baso ko. Kasalukuyan kaming nandito sa bahay ni Lucas. It's been months na magdecide siyang ipakilala ako sa pamilya niya. I'm happy, masaya ako na dumating siya sa buhay ko, nakikita ko yung effort niyang panliligaw araw araw. "What's your work again?" Tanong ng Daddy ni Lucas kaya't napatingin kami dito. Okay ako sa Mommy niya pero sa Dad niya mukhang alanganin. Hindi ako pinansin pagdating namin. Seryoso lang itong kumakain, hindi ngumingiti at hindi nakikipagusap. "Actually Sir, i have my own clothing line and a books store." "You like books. Good for you." Saad nito. Hindi ko alam kung compliment ba yun or pang-asar. "Where are your parents?" "My Dad and my Mom have their own family na po." Napayuko ako, ayoko sanang sabihin ang tungkol sa parents ko pero ayokong magsinungaling sa kanila. Nahihiya tuloy ako baka kung anong isipin nila sakin. "Mag-isa lang po ako sa bahay." "Mom, I think Dad is thirsty. Lagyan mo pa siya ng juice." Sabi ni Lucas pagkatapos ay humarap sakin at ngumiti. "You want more?" Akmang lalagyan niya ng kanin ang plato ko nang pigilan ko ito. "I'm full thank you. Can i use the bathroom?" "Yeah, gusto mo samahan kita?" Tanong ni Lucas. "No need, i can manage." "Diretso ko lang then sa left side." Ngumiti ako sa kanya at nagbigay galang sa magulang nito bago nagpunta sa Cr. Pagpasok ko sa Cr, napapikit ako at napasandal sa pinto. 'Mukhang hindi ako nagustuhan ng Dad ni Lucas.' Bulong ko sa sarili. Ilang minuto din ang tinagal ko sa Cr nang maisipang bumalik na, nakita ko silang naguusap malapit sa dining area, tapos na rin silang kumain. Malaki ang bahay nila Lucas, marami itong kwarto pero wala raw gumagamit dahil nag-iisang anak lang siya. Marami din silang katulong, sa bagay mayaman sila at kagalang galang ang pamilya, ang alam ko isa sila sa nagmamay-ari ng pinakasikat na Law Firm sa bansa. Nakita ako ni Lucas kaya lumapit ako sa kanya pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito. "We have to go Mom and Dad. We really enjoy the food." Sabi niya. "Thank you po sa dinner Tita and Sir. I really like it po, sobrang nagenjoy po ako." Pagpapaalam ko sa mag-asawa. "Ihahatid na namin kayo." Sabi ng Mommy niya at naunang naglakad. Hinatid kami ng mag-asawa sa garahe kung saan nakapark ang sasakyan ni Lucas. Niyakap ako ni Tita at may binulong. "Kahit limang apo lang Sea." Sabay kindat nito, hindi maiwasang mamula ng pisngi ko. "Sige po, aalis na kami." Pagpapaalam ko ulit. Akmang pasakay na ako sa front seat nang magsalita ang Daddy ni Lucas. "Welcome to our family Sea. I like you for my son." Seryosong sabi nito pagkatapos ay ngumiti sakin, yung ngiting totoo at alam kong hindi pakitang tao. Napatingin ako kay Lucas, kakaiba din ang ngiti niya. "Thank you po Sir." "And call me Tito next time. Okay?" Ngumiti ako at mabilis na tumango. ---------- Hindi maipinta ang ngiti sa aking mukha habang nasa byahe, hinawakan ni Lucas ang kamay ko at hinalikan ito. "Your parents are so cool. They really loved you, i can feel it." Sabi ko at ngumiti, hindi ko maiwasang mainggit sa kanya. "Sana ganyan din ang parents ko." Tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng daan pagkatapos ay humarap sakin at tumitig sa mga mata ko. "Hindi ko pa kilala ang parents mo but i know that they loved you too. " Hinalikan niya ang labi ko. "Wag kana mag-isip ng kung ano ano, magrest ka muna." At pinaandar ulit ang sasakyan. Lucas is my stress reliever, siya ang nagpapakalma sa lahat ng bagay. Negative can be positive for him. --------- Lumipas ang ilang buwan, hindi ko maipagkakailang active ako sa lahat ng bagay, hindi ko nakakaligtaan ang gamot ko, pati na rin ang weekly check-up ko. Desidido akong gumaling sa sakit ko para kay Lucas. ---------- "Okay, verry good." Sabi ni Doctora nang tanggalin ang karayom na tinurok sakin. "I am proudly to say that you are recovering, konting konti nalang, hindi mo na sinasaktan ang sarili mo at kaya mo nang ihandle ang galit mo." Masayang sabi nito. "I think you have a motivation? Oh alam ko na ang ngiting yan. " Namula naman ako sa sinabi niya, nahihiya akong ikwento ang tungkol kay Lucas pero alam niya na boyfriend ko ito. "Your done. I'll see you next week. Thank you." Sabi ni Doctora kaya nagpaalam na rin ako dito. Magkikita kami ni Lucas, we have a dinner kasama ang parents ko. Ring ring ring "Hello hon." "Where are you? I'm here na." Tanong niya sa kabilang linya. "Yeah, naglalakad na." Kumaway ako nang makita ang sasakyan niya. Pagsakay ko sa front seat hinalikan ko kaagad ang pisngi at labi niya. "Sorry i'm late, ang tagal ko ba?" Sabi ko habang inaayos ang seat belt. "Nope. Okay ba yung meeting mo?" "Yeah. Napasarap lang sa kwentuhan kaya natagalan." Nakaramdam ako ng guilty, nangako ako sa kanya na hindi magsisinungaling pero ano itong ginagawa ko. 'Hindi ko naman siya niloloko, sadyang ayoko lang na malaman niya pa ang tungkol sa sakit ko tsaka pagaling na rin naman ako sabi ni Doc.' Pagkukumbensi sa sarili. Mabilis kaming nakarating sa bahay, maayos ang lamesa at maraming pagkain na nakahain dito. Bukas din ang lahat ng ilaw na tila may malaking celebrasyong nagaganap. "Mom, Dad. I want you to meet my boyfriend. Lucas Miller." "Goodevening Ma'am and Sir. I'm Lucas Miller po boyfriend ni Sea." Nagbless siya sa parents ko pagkatapos ay matamis na ngumiti. "Ikinagagalak kitang makilala. Tara kumain na tayo, lalamig na ang pagkain." Sabi ni Mom. Hindi ko maipinta ang mukha ni Daddy, seryoso itong naglakad sa hapagkainan. Tahimik kaming apat habang kumakain nang magsalita si Dad."Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sayo. Hindi kita gusto para kay Sea." "Dad." Sabi ko pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito para pakalmahin. "Mahal ko po si Sea, kaya ko po siyang ipaglaban. Hayaan niyo lang po akong patunayan sainyo yun Sir." Sabi ni Lucas. Padabog kong binitawan ang kutsarang hawak ko. Umiling ako at galit na tumingin kay Dad pagkatapos ay naglakad palayo. ---------- "Sea? Stop walking." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa kwarto ko. "Sea? I said stop walking." Maotoridad na sabi ni Dad kaya huminto ako at humarap sa kanya. "Diba pinakiusapan ko kayo, sabi ko kahit ngayon lang magpakaama at ina kayo pero anong ginawa niyo? hindi niyo pa kilala ang tao ganun na kaagad ang binungad niyo." Galit na sabi ko. "Masama bang protektahan ka? Alam ba ng lalaking yan na may sakit ka. Nakakailang buwan palang kayo Sea, paano ka nakakasigurado na mahal ka talaga ng lalaking yan at hindi ka sasaktan." "Dahil nararamdaman ko. Sabi ko kasabay ng luhang pilit kong pinipigilan. "Alam niyo Dad galit ako sainyo ni Mommy, galit na galit kasi mula nang mamatay si Wave, nawala na rin kayo. Hinayaan ko kayong magpakasaya sa bago niyong pamilya, wala kayong narinig sakin, hindi ako nagsalita kahit ang totoo sobrang sakit na." "Tinatanong mo kung bakit wala akong kaibigan kasi naiinggit ako sa kanila, kasi buo ang pamilya nila, tuwing sinusundo sila ng parents nila, tuwing kumakain sila ng sabay sabay samantalang ako mag-isang umiiyak sa hapag at nangungulila sainyo. Lagi mong tinatanong kung anong gusto ko, hindi ko kailangan ng materyal na bagay galing sainyo, ang kailangan ko kayo ni Mommy na kahit kailan ay hindi niyo binigay. Ang hirap makipag kumpetensiya kung alam mong lagi kang talo, lagi niyo nalang akong second choice." "Tinatanong mo kung sino si Lucas sa buhay? Siya lang naman ang pumuno ng lahat nang pagkukulang niyo, si Lucas ang nagturo sakin na pwede palang sumaya ulit, siya ang nagturo sakin na lahat ng problema may solusyon. Gusto ko si Lucas at hindi niyo ko mapipigilan na gustuhin siya." "Kung ganun lumayas ka sa pamamahay ko." Sigaw niya, tila nanlambot ang tuhod ko at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Umiling ako at pinunasan ang luha ko. Hindi ko akalaing pati sarili kong ama tatalikuran ako. Wala nang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Kinuha ko ang malaking maleta sa kabinet at mabilis na nilagay ang mga gamit ko. Pagbaba ko ng hagdan sinalubong ako ng nagaalalang tingin ni Lucas, kinuha niya ang maletang dala ko. "What happen? Why are you crying?" Umiling ako pagkatapos ay mahigpit na yumakap sa kanya. "Can we leave this place." Mahinang sabi ko. Hindi na siya nagtanong at tumango nalang. Palabas na kami ng pinto nang. "Simula ngayon bahala ka na sa buhay mo Sea, wala ka ng magulang na babalikan." Maotoridad na sabi ni Daddy na lalong nagpawasak sa puso ko. Hindi tumigil ang pagdaloy ng luha ko, buti nalang nakaalalay si Lucas sakin kung hindi kanina pa ako nahimatay, hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad kasama si Lucas. 'Sana tama ang naging desisyon ko.' ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD