Chapter 8

1179 Words
Sea POV 5 months later. Naglive in kami ni Lucas, napaguusapan namin ang kasal pero hindi pa ako handa, masyado pa kaming bata para pasukin ang ganung relasyon. Gusto ko si Lucas pero hindi ko pa masabi yung salitang mahal ko siya, hindi ko alam kung anong pumipigil sakin. Tsaka hindi pa namin ganun kakilala ang isa't isa, marami pa kaming dapat malaman sa buhay. "I miss you." Napangiti ako nang yumakap ito sa likuran ko at humalik sa leeg ko. "Miss you ka diyan, araw araw na tayong magkasama Lucas." Sabi ko at humarap sa kanya, hindi ko maiwasang titigan ang gwapo niyang mukha. "Sige na, I'll see you later." Pagpapaalam ko pagkatapos ay humalik sa labi nito. Papunta ako kay Atty. Rim, gusto ko lang itanong ang tungkol sa kaso, ang tagal na rin kasing wala akong balita, hindi alam ni Lucas na pupunta ako duon, ang alam niya may meeting lang ako sa labas. ---------- Mabilis akong nakarating sa opisina ni Tito, akmang papasok na ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. 'Si Dad, may meeting ba sila ni Tito Rim?' Tanong ko sa sarili. Mali ang makinig sa usapan nila ngunit gusto kong malaman kung ano ito kaya lumapit ako sa may pinto. "Your daughter wants justice. Mahirap bang intindihin yun?" Si Tito Rim ang nagsalita. "She leaves us, sumama siya sa lalaking yun, kaya niya na ang sarili niya. Bakit kailangan ko pa siyang tulungan kung tinalikuran niya kaming mga magulang niya?" "Because that's what fathers do, kahit ano pang kasalanan ng anak mo you need to support her and loved her. Mabait na bata si Sea, she just lost because of the pain that she is experiencing." Narinig ko ang magbuntong hininga ni Dad. "Cancel the case Rim. Hayaan na nating mabuhay mag-isa si Sea." "I can't believe it." Biglang tumulo ang luha ko at hindi maipinta ang galit na nararamdaman ko. Binuksan ni Tito Rim ang pinto at nagulat ito nang makita ako."Sea." Sabi nito, wala ako sa sariling lumapit kay Dad. "Sana hindi nalang kita naging Ama." Galit na sabi ko nang bigla niya akong sampalin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, ngayon niya lang ako nasaktan ng ganito."I hate you Dad." Tila natauhan naman ito at akmang lalapitan ako nang talikuran ko. Narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit wala akong ibang maisip kung hindi galit. Nanlalabo ang mata ko sa luhang walang tigil sa pagtulo. Pinunasan ko ito bago mabilis na paandarin ang sasakyan, gusto ko munang mapag-isa. Hindi ako umuwi sa condo ni Lucas, ayokong makita niya akong ganito, pinarada ko ang sasakyan sa labas ng bahay namin at dahan dahang pumasok, wala nang nakatira dito mula ng umalis ako tila inabandona rin. Narinig ko ang pagtunog ng phone ko, ayoko sanang sagutin si Lucas ngunit baka nagaalala na ito. "How's the meeting?" Bungad niya sa kabilang linya, hindi ko alam kung bakit bigla na namang tumulo ang luha ko. Ang sama sama ko kasi ginagawa ko siyang tanga kahit na nangako kami na hindi kami magsisinungaling sa isa't isa. "Hey! Are you crying? May nangyari ba? Hindi ba nagustuhan ng client mo yung presentation mo?" Ramdam ko ang labis niyang pagaalala. "I'm sorry Lucas." Yan lang ang katagang lumabas sa bibig ko. "Where are you? pupuntahan kita." 'Cancel the case Rim. Hayaan na nating mabuhay nang mag-isa si Sea.' Binato ko ang cellphone sa kung saan, napasabunot ako sa buhok ko nang maalala ang lahat nang nangyari sa nakaraan. "AHH. Wag ang kapatid ko please." Nagmamakaawang sabi ko. "Nang dahil sainyo nasira ang buhay ko." Binasag ko ang lahat ng nakita kong gamit sa sala at dahan dahang napaupo sa sahig. "Sinira niyo ang buhay ko." Umiiyak na sabi ko at pilit na inaalis ang nakaraan sa isipan. "Sea?" Sabi ng isang pamilyar na boses. ---------- Luca's POV Kanina pa ako tawag ng tawag kay Sea ngunit hindi niya ito sinasagot nagaalala na ako, dapat kanina pa siya nakauwi. Naghanda pa naman ako ng paborito niyang pagkain. 'Where are you Hon?' Bulong ko sa sarili habang hinihintay ang pagsagot niya sa kabilang linya. Live in kami ni Sea for almost 5 months matapos siyang palayasin ng Daddy niya. Tahimik si Sea lalo na't sa nakaraang niya, marami pa akong hindi alam sa kanya, gustuhin ko mang malaman ngunit nauuwi lang ito sa pagaaway. Minsan nakikita ko siyang umiiyak ngunit kusa din itong titigil kapag nakita ako, na para bang walang nangyari. Narinig ko ang hudyat na sinagot na ang telepono, pinakalma ko ang sarili bago magsalita. "How's the meeting?" Bungad ko, narinig ko ang pagsinghot niya. "Hey! Are you crying? May nangyari ba? Hindi ba nagustuhan ng client mo yung presentation mo?" Nagaalala kong sabi. "I'm sorry Lucas." Yan lang ang katagang lumabas sa bibig niya pagkatapos ay naputol ang linya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa mga oras na ito, sana kasi sinamahan ko siya, sana hindi ko siya hinayaang magpunta duon ng mag-isa, ano bang klaseng boyfriend ako pero saan ko siya hahanapin? Sinuot ko ang jacket ko pagkatapos ay mabilis na kinuha ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin ngunit magbabakasakali nalang ako, uunahin kong puntahan ang bahay nila. ---------- Madilim ang kapaligiran halatang wala nang nakatira dito, ang ibig sabihin wala siya dito ngunit nakarinig ako ng ingay mula sa loob ng bahay kaya't hindi ako nagdalawang isip na tingnan ito. Pagpasok ko bumungad sakin ang nakakalat na bubog sa sahig. Hinanap ng paningin ko si Sea ngunit hindi ko ito nakita. Nakarinig ako ng iyak ng isang babae kaya sinundan ko ito. Laking gulat ko nang makita si Sea na umiiyak habang nakaupo sa sahig. "Sea?" Mahinang tawag ko. Nakaramdam ako ng awa, hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya. Ang alam ko iiyak lang siya pagkatapos ay pupunasan niya ang luha niya. Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ito. "Wag mo akong hawakan, sinira niyo ang buhay ko, pinatay niyo ang kapatid ko." Nanginginig na sabi niya habang punong puno ng luha ang kanyang mukha. My tears suddenly fell down."I--it's me, Lucas Miller your boyfriend." Umiling siya at napahagulgol. "Leave me alone please." She was traumatize dahil parin ba sa nakaraan niya? Hindi ko makita yung Sea na nakasama ko, ang nakikita ko sa mata niya ngayon galit, sakit at takot. Umupo ako sa tabi niya, hindi ko siya iiwan para saan pa ang pangako ko kung iiwan ko rin siya, marami ring sugat ang kamay niya na labis kong ikinabahala. Ilang minuto ang nakalipas nang tumingin ito sakin. "Lucas?" Sabi niya at yumakap sakin. "Tulungan mo ako, kailangan kita." "Kahit ano gagawin ko para sayo." Tumango siya pagkatapos ay sumandal sa balikat ko, kinarga ko ito at dinala sa malapit na hospital. Tinawagan ko ang mga magulang niya ngunit wala silang makialam kay Sea. Hindi ko maisip na may ganung magulang pala, akala ko naman isasantabi muna ang galit nila ngunit mali ako. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD