Sea POV
Nagising ako nang tumunog ang phone ko, txt ito galing kay Tito Rim, nangangamusta.
Tumayo ako at nag-unat ng katawan, binuksan ko ang kurtina upang pumasok ang init ng araw.
It's our 3rd day here in Palawan, wala na si Lucas ng magising ako. Baka naglakad lakad ito. Naghilamos nalang ako at nagbihis ng simpleng summer dress.
----------
Naglakad ako upang hanapin si Lucas, nakita ko silang kumain ng almusal habang masayang naguusap. Sobrang swerte ko sa pamilya ni Lucas, dati iniisip ko lang yung ganitong pangyayari pero ngayon totoo na.
"Goodmorning Sea." Pagbati nila sakin, sinalubong ko naman sila ng matamis na ngiti.
"Goodmorning hon." Sabi ni Lucas pagkatapos ay humalik sa pisngi ko. "You like something? Coffee or tea."
Napatingin naman ako sa lamesa, punong puno ito ng pagkain na para bang hanggang panghapunan na. Hindi ko na kailangan umorder, lahat ng paborito kong pagkain nandito na.
Umiling ako pagkatapos ay matamis na ngumiti kay Lucas. I want to cuddle him right now, his so sexy and hot wearing just a simple sando with a morning look.
"Hija you should it na. Hindi ka na namin nahintay kasi tulog na tulog ka pa daw. Pagod ka daw buong magdamag."
"Matic na yun Dad." Singit naman ni Lucas pagkatapos ang tumawa ang malakas.
Nahihiya akong tumingin sa kanila, patago kong kinurot ang legs ni Lucas. Kung ano ano pinagkwekwento niya sa magulang niya, baka isipin ng mga ito m******s ako, kababae kong tao.
Although may magkamanyakis talaga ako this past few days, minsan ako naghehesitate pero madalas naman siya. Ang hirap din pala maging marupok, hindi ako nakakapalag pagnagsimula na ito.
"Kailan ba kami magkakaapo mga anak? May inaasahan ba kami ngayong taon?" Tanong ni Tita, mas lalo namang namula ang pisngi ko.
"Soon Dad, were working on it. Diba hon?" Tumingin sila sa akin kaya nabilaukan ako bigla. Binigyan ako ni Lucas ng tubig at hinimas ang likuran ko."Mahina ka pala son, naubo lang si Sea."
Umiiwas nga ako kay Lucas kapag napupunta sa kasal ang topic namin baby pa kaya, tsaka hindi pa kami ready maging ama at ina. Wala pa sa isip namin yun, gusto muna naming masolo ang isa't isa.
Pagkatapos namin kumain ng breakfast bumalik kami sa kwarto upang magbihis dahil gusto kong magswimming.
"Nanggigigil ako sayo Lucas." Sabi ko at kinagat ang braso nito. Sumigaw naman ito sa sakit halos maihi ito sa salawal.
"Why did you do that Sea? F*ck sobrang sakit!" Naiiyak na sabi niya.
"Ayy masakit ba? Sorry na. Akin na kiss ko nalang para mawala yung sakin." Akmang lalapitan ko ito nang siya mismo ang lumayo.
"Sea, it's not f*cking funny. " May diin na sabi niya.
"Sinisigawan mo ako?"
"Ang kulit mo kasi, bakit mo ako kinagat? It hurts! F*ck!" Sigaw niya ulit.
Sinisigawan niya ako, ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sakin. Bakit naiiyak ako?
Nakita ko ang pagbago ng emosyon siya nang makita na parang naiiyak ako. Huminga ito ng malalim at pinakalma ang sarili.
"I hate you." Nagtatampong sabi ko pagkatapos ang lumabas ng kwarto.
Naiinis ako sa sarili, bakit kasi kinagat ko siya? Eh nanggigigil lang naman ako sa kanya. Gusto ko pa naman sanang magswimming ngayon, sasamahan niya sana ako pero anong ginawa ko, inasar ko siya.
Naglakad lakad ako sa dalampasigan, ayoko munang bumalik sa kwarto baka galit pa ito at sigawan na naman ako.
Napansin ko na medyo malayo na pala ako, hindi ko napansin na magiisang oras na rin akong naglakad. Sa bagay okay lang yun para hindi muna kami magkita, hahayaan ko muna na kumalma siya pagkatapos saka ako magsosorry.
Naupo muna ako sa buhanginan, malayo layo rin ang nilakad ko kaya gusto ko rin makapagpahinga.
Bigla kong naisip ang magulang ko. 'Kamusta na kaya sila Mom and Dad? Naku Sea, wag mo na silang isipin, maiistress ka lang.' Bulong ko sa sarili.
Humiga ako sa buhanginan at tiningnan ang ulap, buti nalang hindi mainit. Makulimlim ang panahon ngayon. Napahikab ako, wala namang masama kung mag-iglip diba? Safe naman dito kasi walang tao. Pinikit ko ang mata ko at nagpatangay sa antok.
Gulat akong napamulat ng biglang kumulog, napatayo ako kaagad. Aish! 5:30 PM na pala, napasarap ang tulog ko, ang dilim na ng kalangitan kailangan ko ng bumalik baka hinahanap na ako ni Lucas.
----------
Lucas POV
"Kumalma ka nga Lucas. Baka naglakad lakad lang si Sea." Sabi ni Mom.
Napasabunot ako sa buhok ko, ang tanga tanga ko kasi, hindi ko naman itensyon na sigawan siya. Sobrang nasaktan lang ako sa pagkagat niya kaya napalakas ang boses ko.
"Aray!" Sigaw ko ng kaltukan ako ni Dad.
"Sinisigawan mo ba ako?" Tanong niya kaya napailing ako pagkatapos ay hinimas ang ulo ko. "Alam mo na kasing babae sinisigawan mo. Eh ano ka ngayon, baka umuwi na yun sa Manila." Pangaasar niya.
Biglang dumating yung mga inutusan naming maghanap kay Sea. "Nahanap niyo?"
"Hindi po Sir, bukas nalang po namin itutuloy ang paghahanap. Makulimlim na po kasi at mukhang bubuhos ang malakas na ulan, delikado po Sir." Hindi ako nagsalita. Nabalot ng pagaalala ang buong sistema ko.
Kanina ko pa siya hinahanap, hindi rin kasi ito kumain ng tanghalian.
"Sige salamat." Sabi ni Dad, siya ang nakipagusap sa mga taong inutusan namin.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan, madilim na rin ang kalangitan dahil malapit nang maggabi.
----------
"Anak you should rest." Sabi ni Mommy pagkatapos ay iniwan ako.
Andito parin ako sa kinatatayuan ko kanina, hinihintay ko lang na huminto ang ulan para ako mismo ang maghahanap sa kanya.
"Lucas." Pagtawag sakin, kung hindi ako nagkakamali, boses yun ni Sea kaya napatingin ako sa likuran ko.
"Sea, f*ck!" Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. Wala akong makialam kung mabasa ako. "Mom, Dad. Sea is here. I need a towel please." Halatang nilalamig na ito.
Binigyan ako ni Mommy ng dalawang towel, binalot ko naman ito sa katawan ni Sea pagkatapos ay binuhat ito upang dalhin sa kwarto.
----------
Sea POV
"Your okay hon." Sabi ni Lucas nang ibaba ako sa kama.
"Sorry kinagat kita." Hinging paumanhin ko, promise nagsisisi na talaga ako sa ginawa ko kanina.
Naramdaman ko naman ang paglapit niya sakin pagkatapos ay inangat ang mukha ko upang magtapat kami.
"Ako dapat ang nagsosorry. I'm sorry my Sea. Hindi dapat kita sinigawan, hindi dapat kita pinatulan. Sobrang nagalala ako sayo."
Ramdam ko ang pagaalala sa boses niya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinila ang batok niya upang maglapit ang aming labi. Sa totoo lang ang OA ko nitong mga nakaraang araw, gusto ko laging nakikita, naaamoy at nahahalikan si Lucas. Ano bang nangyayari sakin?
"I missed you and i love you." Sabi niya sa gitna ng aming paghahalikan.
Naramdaman ko ang paghimas ng kamay niya sa dibdib ko.
"Your sorry is accepted hon. I love you too, alam mo namang hindi ko kayang magalit sayo diba?"
Tumango naman si Lucas."Let's make a baby hon." Seryosong sabi niya.
Sinalubong ako nito ng maraming halik sa mukha at pumuwesto sa ibabaw ko, napatawa naman ako sa ginawa niya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.