Sea POV
"Uhm... Favorite color?" Tanong ni Lucas.
Kasalukuyan kaming nasa condo niya, nakasandal ako sa dibdib niya samantalang siya naman ay nasa likod ko, nandito kami sa sala, katatapos lang namin manuod ng movie kaya nakikipagharutan na naman ito.
Umuwi kami 5 days ago, we all have a good experience in Palawan. Kung tutuusin parang kami ang may anniversary, nauna ang honeymoon.
"Red. What about you?"
"Blue." Sabi niya nagisip ito ng susunod na tanong. "What about your favorite flower?"
"Sunflower." Nakangiti kong sabi.
"No, i thought your favorite flower is rose. Masaya ka kapag nabibigyan kita ng bouquet." Sumimangot naman ito na tila nadismaya.
Naalala ko noong hindi pa kami nagsasama ni Lucas, lagi niya akong pinadadalhan ng bouquet sa bahay.
"Ha? Wala akong sinabi, sympre kapag binibigyan mo ako, masaya ako dahil galing sayo. Alangan naman kapag binigyan mo ako sabihin ko ayoko kasi hindi ko favorite duh." Maarte kong sabi pagkatapos ay nagmake face pa dito. Hinalikan niya naman ang likod ng tenga ko kaya nakaramdam ako ng kiliti. "Enough with that, next question please."
"Okay, favorite food?" Tanong niya ulit.
"Sinigang na baboy, yung maasim na maasim. OMG Sobrang sarap. Ikaw?"
"Isa lang ang gusto ko." Huminto siya sa pagsasalita pagkatapos ay nangaakit na tumingin sakin. "Ikaw."
"Weh? ayawan na. Masyado ka ng sweet." Sabi ko at sinabunutan ang buhok niya. Actually nakaramdam ako ng kilig sa pinagsasabi niya, pero alam niya naman na bawal ngayon dahil meron ako. "Wag ka na maggaganyan, hindi ka makakalusot ngayon. It's my monthly period."
"Sayang! Pwede naman siguro hon." Pagpupumilit niya sabay tumayo at tumakbo papunta sa kwarto, alam niya kasi ang gagawin ko kapag ganito. Lalo na't mainitin ang ulo ko kapag meron ako.
"Sige takbo ka pa. Wag kang lalapit sakin, tatadyakan ko mukha mo."Naiinis na sabi ko. Wala siyang ginawa kung hindi bwisitin ako buong araw.
----------
Natutulog ako nang makaramdam ng p*******t sa tiyan. Mahimbing ang tulog ni Lucas kaya naawa naman akong gisingin ito. Pagod din ito dahil siya ang gumawa ng gawaing bahay ngayong araw dahil sumasakit ang puson ko.
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko. Tumayo ako at uminom ng maligamgam na tubig. Ganito ako kapag meron, hindi ako mapakali dahil sumasakit ang puson ko.
"Hey." Nagulat ako at napatingin sa likuran. "What happen? Masakit pa?" Humihikab na tanong niya.
Tumango naman ako. "You should sleep. I'm okay."
"Gusto kitang katabi." Paglalambing nito pagkatapos yumakap sa likuran ko.
"Sige, i'll go to the bathroom first and well go back to bed okay." Ngumiti naman ito at tumango ng wala sa sarili.
Pagpunta ko sa cr, magpapalit na sana ako nang wala akong makitang napkin sa drawer.
"Sh*t! Sa dinami dami ng pwedeng kalimutan bilhin ito pa." Bulong ko sa sarili. Sumilip ako sa sala nakita kong nakaupo si Lucas sa sofa habang nakapikit ang mga mata.
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko siyang utusang bumili ng napkin sa convenience store sa baba. "Lucas." Pagtawag ko, kumatok naman siya hudya't na nakalapit na ito.
"I need a napkin, can you buy me sa convenience store?"
"Right now? It's already 1:30 in the morning." Sabi nito pagkatapos ay kumamot sa ulo niya.
"Yeah, 24 hours naman yun. Please."
"Okay. I'll get my jacket and your phone. Txt me the brand." Sabi niya, kinuha ang phone ko sa kwarto at inabot sakin dito sa Cr.
Pagkalipas ng ilang minuto, bigla itong tumawag.
"Hon. Ang g**o ng staff dito." Rinig ko ang pagkairita ng boses ni Lucas. "I told him na yung blue, he is asking me kung may wings. Pinipilosopo ako nito."
Napahampas ako sa noo. Aish! Wala talagang alam sa babae.
"Hon, please stay calm. Sabihin mo regular lang, without wings." Narinig ko naman ang paghingi ng paumanhin ng staff ng convenience store, buti nalang mabait ito. Mukhang tinutuyo na naman si Lucas at kung sino sino na naman ang inaaway.
----------
Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng Cr hudya't na nakabalik na ito
"Hon i'm here." Inabot niya ang limang plastic na supot ng napkin.
Nagpalit muna ako. Paglabas ko sa Cr nakita ko itong kumakain ng siopao.
"Bakit ang dami mong binili? Sabi ko kahit dalawang pack lang. Hindi ka marunong makinig."
Napakamot naman siya sa ulo. "Sorry hon, you can used it for 1 year naman para hindi ka na bili ng bili."
Ewan ko ba, gusto kong mainis sa kanya pero natatawa nalang ako bigla. Ganito ba talaga kapag inlove? Para akong may tama sa utak.
Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay humalik sa pisngi niya. "Thank you."
"Your welcome. Binilhan din kita ng food."
Umiling ako. "I want to sleep na." Humihikab na sabi ko, sabay kaming bumalik sa kwarto upang ipagpatuloy ang tulog.
----------
"My friends is a little bit crazy. Just don't mind them. Okay?" Natatawang sabi ni Lucas, pagkatapos ay mahigpit na humawak sa kamay ko.
Sinama niya ako sa binyag ng anak ng kaibigan niya. Ipakikilala niya na rin daw ako dahil gusto akong makilala ng mga kaibigan nito.
"Mr. Miller is finally here. Late as always." Sabi ng lalaking singkit, gwapo rin ito halatang may lahing chinese.
Tumawa naman si Lucas pagkatapos ay sinalubong ng yakap ang mga kaibigan. Mukha namang mababait ito at halata na may kaya sa buhay.
"Bro I want you to meet my girlfriend and soon to be Mrs. Sea Miller." Nakangiting pagpapakilala sakin ni Lucas.
Mainit akong binati ng mga kaibigan niya, pati narin ng mga asawa nito.
"I'm Leon."
"I'm Cole."
"Romeo here."
"Hi Sea, i'm Ben nice to meet you. Sa wakas wala nang single sa grupo namin. Kampai." Tinaas niya ang baso niyang may lamang red wine.
"Kampai." Sabay sabay nilang sabi kaya natawa nalang ako.
Tumagal ng kalahating oras ang paguusap namin. Binubully nila si Lucas dahil ngayon lang daw nagpakilala ng babae sa buong grupo.
Hindi daw kasi pinakilala ni Lucas ang ex-girlfriend niya dito, alam nila yung pangalan pero hindi nila nakakausap or nakakabonding ng ganito.
"Guys magboys talk muna kayo diyan at maggigirls talk rin kami." Sabi ni Cheska, asawa ni Leon pagkatapos ay hinila ako papunta sa kusina.
Pinakilala nila sakin ang mga anak nila. Sobrang cute ng mga ito, minime ng mga kaibigan ni Lucas, paano kaya kapag nagkababy na kami, parang unfair naman kung si Lucas ang magiging kamukha.
"Kayo Sea, kailan kayo magbaby?" Nakangiting tanong ng asawa ni Leon.
"Soon, gusto muna namin maenjoy ni Lucas ang isa't isa."
"That's good. Sa panahon ngayon mahirap magpalaki ng mga bata pero don't get me wrong ha, masayang may baby, nakakatanggal ng pagod." Sabi nito at halatang masaya sa piling ng sarili niyang pamilya.
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong bahay. Masayang masaya rin ako dahil nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.