Sea POV
"Lock the door hon." Sabi niya sabay halik sa noo ko si Lucas.
Pinatawag siya ng Daddy niya dahil may meeting daw sila. Hindi ko alam kung tungkol saan yun pero baka sa trabaho ito. Unti unti na kasing tini-train si Lucas para magmanage ng law firm nila.
Walang ibang tagapagmana ang parents ni Lucas kaya sa ayaw at sa gusto niya siya lang ang nagiisang magmamana ng mga ari arian nito.
Nilock ko ang pinto pagkatapos ay naisipang maglinis ng bahay, buti nalang hindi ako sinumpong nang katamaran.
Tok tok tok
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok, alam kong si Lucas ito. Buti nalang nakapagluto na ako kung sakaling gutom ito may pagkain na.
"Lucas, buti nalang maaga ka." Nakangiting bungad ko ngunit nanlaki ang mata ko nang hindi si Lucas ang nasa harapan ko, walang iba kung kundi si Mommy.
"Mom, w--what are you doing here?" Nalilitong tanong ko, hindi ko kasi alam kung paano niya nalaman ang condo ni Lucas, wala naman akong pinagsabihan sa kanila.
"Can we talk Sea?" Tanong niya.
"Yes po, kukunin ko lang yung jacket ko." Sabi ko, hindi na ako nagpalit at tinakpan nalang ng jacket ang suot kong tshirt.
Sabay kaming naglakad ni Mom sa pinakamalapit na coffee shop dito sa baba ng condo ni Lucas. Walang salita ang lumabas sa aming bibig at nagpatuloy lang sa paglalakad, nang makarating kami sa coffee shop nagorder lang kami ng tea and coffee.
Huminga ito nang malalim bago nagsalita. "Gusto ko lang magsorry sa sinabi ng Daddy mo. Alam ko ang pinagdadaanan mo anak and i'm really sorry you feel that way. Tama ka, napakarami naming pagkukulang sayo, iniisip lang namin ang sarili namin noon. Hindi namin alam na pati ikaw maapektuhan sa mga desisyon namin. "
Bigla nalang tumulo ang luha ko sa sinabi ni Mommy, hindi ito ang expected kong gagawin niya, akala ko galit din siya sakin katulad ni Daddy.
"Maraming nagbago sa buhay natin anak, pero isa lang ang hindi nagbago sakin yun ay ang pagmamahal ko sayo. Nagkulang ako pero hindi ko binawasan ang pagmamahal sayo." Hinawakan niya ang kamay ko. Nakikita ako ang sinceridad sa mga mata nito.
"M---mom, i'm sorry too. Hinayaan kong lamunin ng galit ang puso ko." Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay mahigpit itong niyakap. "Sorry kasi mas pinili ko si Lucas, mahal ko kayo pero mahal ko din siya. Hindi ko kayang mawala si Lucas Mommy." Bigla akong napahagulgol.
"Ssshhh... don't cry anak, actually i'm happy kasi you have your own decision, hindi kana talaga bata na pwedeng husgahan." Sabi niya pagkatapos ay tumawa ng mahina. "If you really love Lucas then i'll support you no matter what, sa ganung paraan makabawi ako sayo kahit konte."
Tila may malaking tinik na natanggal sa puso ko, hindi ako nakaramdam ng galit kay Mommy bagama't masaya akong nalaman na hindi pala ito galit sakin.
"Thanks Mom." Pagpapasalamat ko nang biglang tumunog ang phone ko.
Lucas is calling.
"Sige na't baka hinihintay kana ni Lucas, hindi pala kita napaalam sa kanya. I'll see you soon okay?" Sabi niya pagkatapos ay humalik sa pisngi ko.
Hindi na ulit tumawag si Lucas kaya hinatid ko na muna si Mommy sa sasakyan niya bago bumalik ng condo.
----------
I have my own keys kaya binuksan ko ang pinto ng condo. Nabungaran ko si Lucas na pabalik balik sa paglalakad.
"Saan ka nagpunta? Hindi ka nagpaalam. Wait, bakit namamaga mata mo? What happen?" Bakas sa boses nito ang labis na pagaalala. "May masakit ba sayo?" Inusisa niyang mabuti ang aking mukha at katawan.
'Kung alam mo lang Lucas, walang nang sakit, unti unti nang naaayos ang lahat.'
"I'm okay." Sabi ko at pinagdikit ang aming noo para pakalmahin ito. "Nagusap lang kami ni Mom, nakalimutan kong magpaalam."
"D---did she tell you to break up with me?" Malungkot niyang tanong, habang pigil ang paghinga sa isasagot ko.
"Nope. My Mom will support our relationship. Gusto ka niya para sakin Lucas. Tsaka nagkaayos na kami." Ngumiti ako sa kanya, Lucas now is my other half. Sapat na sakin ang isang katulad niya ganun ko siya kamahal. "Did you eat na, nagluto ako ng favorite mo sabay na tayong kumain." Tumango naman siya kaya naghanda ako ng pagkain para sabay kaming kumain ng hapunan.
After that, nagmovie marathon kami and cuddle in bed. Nagkwento siya about his friends, matagal na rin pala silang magkakakilala mula pagkabata, kapatid na ang turing niya sa mga ito.
He also shared the story about his parents, akalain mong muntikan na rin palang maghiwalay ang parents niya because of their business. Mas nabigyan daw kasi ng time ang business nila kesa sa family kaya pala iba ang pakikitungo nila sa mga tao. They treat the employee as family.
Pagkatapos ng kwentuhan, we ended up making love the whole night.
----------
Nagising ako na may tumatamang init sa aking mukha. Nakayakap si Lucas sa bewang ko kaya hindi ako makagalaw.
"Goodmorning hon." Inaantok na sabi niya with matching nakakamatay na ngiti sa labi.
Kung ganito ba naman kagwapong mukha ang bubungad sayo araw araw. Aish! Nakakalaglag puso.
"Goodmorning, I'll cook breakfast." Sabi ko pagakatapos ay humalik sa pisngi niya bago tumayo at nagbihis.
Nagsuot ako ng malaking tshirt and underware. Hindi ako nagshower, naghilamos nalang muna. I'm sure sabay na naman kaming maliligo ni Lucas, sa bagay tipid sa tubig ang ginagawa namin.
Nagluto ako ng bacon, hotdog, scramble egg at sympre hindi mawawala ang garlic rice.
Nang matapos magluto pumunta ako sa kwarto para tawagin ito, gising na siya.
"Let's go, i want to eat hon." Sabi ko ngunit hindi ako pinansin nito, nagpatuloy lang sa pagpindot ng phone niya. "Hoy! Sino katxt mo?" Naaasar na tanong ko.
"Umayos ka Lucas."
Binato ko siya ng unan bago naglakad palabas ng kwarto. Sinundan naman ako nito pagkatapos ay yumakap sa likuran ko.
"Hahaha, wala lang yun. Selos ka naman agad." Humalik ito sa pisngi ko.
Sabay kaming kumain ng agahan nang makarinig ng katok sa pinto. Nagkatinginan kami ni Lucas.
"Ako na magbubukas." Pagprepresenta niya.
Lumipas ang sampung minuto bago bumalik sa Lucas.
"Lucas wag ka nang sumilip diyan, i see you. Sino yun?"
"Surprise hon." Sabi niya sabay abot ng sunflower sakin.
Napangiti naman ako nang wala sa oras, mukha siyang bata sa ginagawa niya. "San mo nakuha to?"
"Inutusan ko yung driver ni Dad na bumili sa flower shop, actually siya ang katxt ko kanina."
"Bakit mo ako binilhan ng ganito? Don't tell me may ginawa kang kasalanan." Pagbibiro ko sa kanya tila nagbago naman ang expression ng kanyang mukha na para bang may naalala.
"W---wala. Uhm..."
"I'm just kidding hon. Thank you and I love you." Humalik ako sa labi niya at kumuha ng vase na paglalagyan ng bulaklak. I want to display in our room.
Actually this is my second time to receive a bouquet of sunflower, nung una si Wave my bother and now si Lucas.
'I think this is a sign, he is my forever.'
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and Comment.