Chapter 10

1234 Words
Lucas POV "What's this Dad?" Nalilitong tanong ko. "I'm asking you." "Hindi mo dapat pinakikialaman ang gamit ko." Sabi niya pagkatapos ay kinuha sa kamay ko ang mga litrato at tinago sa drawer. "Why are you investigating her? May kailangan ba akong malaman Dad?" Naiinis na tanong ko ngunit hindi parin ito sumasagot. "Please Dad, sabihin mo may kailangan ba akong malaman." Huminga ito ng malalim at seryosong humarap sakin. "Gustong mong malaman? Sige. Ikaw at ang mga kaibigan mo ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ni Sea." Tila nabingi ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "H--hindi yan totoo, hindi ko kayang gawin yun. Kilala mo ako Dad, i can't do that." Wala sa sariling sabi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. "Wala kang kasalanan son, bata ka pa noong panahon na yun. Kami ng Mommy mo ang may kasalanan, kung binigyan ka namin ng pansin noon hindi ka mababarkada. Hindi mo makikilala sila Romeo." "A---alam din nila?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napatawa ako ng mahina, alam ng mga kaibigan ko ang nangyari pero wala silang sinabi sakin. Ginawa nilang katawa-tawa ang buhay ko. Tumango siya. "Bakit hindi ko maalala? Wala akong maalala." "Naaksidente kayo nila Romeo noong tumakas kayo sa rehab. You are experiencing an infantile amnesia so you don't remember what happen." Tila baliw akong napasabunot sa buhok ko, hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyong nalaman ko, gusto kong magwala at saktan ang sarili ko sa mga oras na ito. "Nagdrudrugs kayo ng mga kaibigan mo kaya mo nagawa yun, hindi namin sinabi sayo kasi hindi makakabuti sa kalagayan mo." Madamdaming sabi ni Dad. Nanlalambot ang buo kong katawan, hindi na normal ang paghinga ko. Parang gusto kong saksakin ang sarili ko baka sakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. "K---kayo rin ba ang sumasabotahe sa kaso niya?" "Lucas." Napatingin kami sa pintuan kung saan nakatayo na duon si Mommy. "Anong sinabi mo Lecardo?" Galit niyang tanong kay Dad. "Wag ka na magkunwarian Mom, i already knew everything. Ginawa niyo akong tanga, masaya ba ha? Masaya bang paglaruan ang sarili niyong anak?" "Enough!" Sigaw ni Dad. "We're just protecting you. Masama ba yun?" "Yun ba ang kahulugan ng protect sayo Dad? Pino protektahan mo ako sa mali kong nagawa, hindi mo ba naisip na baka karmahin ka. At ito na nga yun, nainlove ako sa babaeng nirape ko years ago." "Lucas anak, i'm sorry." Umiiyak na sabi ni Mommy at lumapit sakin, pinahaharap niya ako sa kanya ngunit umiiwas ako. "Hiyang hiya ako Mom, hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap pagkatapos ng araw na ito. Galit na galit ako sa sarili ko." Umiiyak na sabi ko. Namamanhid ang buo kong katawan, pinagsusuntok ko ang pader, wala akong pakialam kung masugatan man ako, kulang pa ito, kulang na kulang. 'Paano kung nalaman niya, sigurado akong kamumuhian niya ako, hindi ko kaya.' Pinigilan niya ako pagkatapos ay mahipit na yumakap sakin. "Mom, bakit ganito? Ang sakit sakit! Mahal ko Sea, hindi ko kayang mawala siya." Tila batang sumbong ko. "Kailangan niyang malaman ang totoo, baka sakaling patawarin niya ako." Puno ng pag-asang bigkas ko. Kinalas ko ang pagyakap sakin ni Mom pagkatapos ay tumayo ng tuwid. Baka sakaling mapatawad niya ako kapag inamin ko sa kanya ng maaga. "Lucas don't do that. Ayokong mawala ka samin ng Dad mo, sigurado akong makukulong ka kapag umamin ka kay Sea." Umiling ako. "Wala na akong makialam sa kahihinatnan, i just want to be honest with her." Tinalikuran ko sila at patakbong lumabas ng mansyon. Narinig ko ang pagtawag nila sakin, mas lalong napahagulgol si Mommy ngunit hindi ko ito pinansin. 'We need to talk.' Txt ko kay Sea. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan, wala akong makialam sa road speed limit, ang gusto ko lang ay makarating kaagad sa condo. Mahigpit kong hinawakan ang manibela at wala sa sariling mas binilisan ang takbo ng sasakyan hanggang sa.... "F*ck." Sigaw ko nang mabangga ang kotseng sinasakyan. Hindi naman ako masyadong nasaktan ngunit malakas ang impact nito. Dahan dahan akong lumabas ng sasakyan. "T*ngina ka!" Isang malakas na suntok ang bumungad sa mukha ko. "Muntikan na kaming mamatay nang dahil sayo, kakasuhan kita. G*go!" Sabi na lalaki pagkatapos ay pinagsusuntok ulit ako. Wala akong maramdaman tila mas masakit parin ang pagtibok ng puso ko. Nahihilo akong tumayo nang dumating ang mga pulis at pigilan ang lalaki. "Mr. Miller." Isa sa pulis ang nagsalita. Kilala ko ito, isa siya sa naging scholar ni Dad noon. Tumagal ng kalahating oras ang paguusap namin, mabuti na lang kilala ako nang pulis. Siya ang nakipag settle sa nakabangga ko. Babayaran ko nalang lahat ng expenses na nadamage ko, pati na rin ang pagpapagamot sa mag-asawa. ---------- "Sigurado po ba kayong hindi na kayo magpapadala sa hospital. Mukhang masama ang tama niyo Sir Lucas." Sabi ng pulis. Nagpahatid ako sa tapat ng condo ko, hindi ko na rin kasi nagamit ang sasakyan ko, tsaka sigurado akong kanina pa naghihintay si Sea. Napailing ako. "Okay lang ako. Salamat sa paghatid." Pagpapaalam ko. Sumakay ako ng elevator, natatakot ang mga kasabay ko kaya bumababa nalang ito. Nakita ko ang itsura ko sa salamin, tama nga ang pulis mukhang marami akong tama lalo na sa mukha, pinunasan ko ang dugo na tumutulo sa ilong ko. 'Kailangang malaman ni Sea ang totoo.' Sabi ko sa sarili. Tatlong beses akong kumatok bago nito buksan ang pinto. Tila nagulat naman ito sa itsura ko, nakita ko ang pagaalala sa maganda niyang mukha. "What happen to you? Dadalhin kita sa hospit---." Hindi niya na natapos ang sasabihin ng yakapin ko ito kasabay ng pagpatak ng luha ko. 'I'm sorry , i'm really sorry Hon, Mahal na mahal kita.' Yan ang mga katagang gustong lumabas sa bibig ko. "Umayos ka nga, halika gagamutin ko ang sugat mo." Pinaupo niya ako sa sofa pagkatapos ay kinuha ang first aid kit. "Ano bang nangyari sayo?" Tanong niya. "Ouch! Masakit." Sabi ko nang napadiin ang pagdampi ng bulak sa labi ko. Tumalikod naman ito na para bang pinipigilan ang luha. "Ano bang kasing nangyari sayo Lucas? Napaaway ka ba?" Hindi ako sumagot. "Ano hindi ka talaga magsasalita?" Napipikon niyang tanong. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya. She needs to know. "I--- napaaway lang ako sa daan. Sorry sa susunod magiingat na ako." Nakayukong sabi ko, another lie Lucas. Tila naawa naman ito kaya lumapit ulit siya sakin. "Gagamutin ko na." Pagkatapos dahan dahan niyang dinampian ng bulak ang labi at pisngi ko. "Pwede bang pilitin mong hindi masaktan o mapaaway sa susunod Lucas." Sabi nito kaya napatitig ako sa kanya. "Ikaw nalang ang natitira sakin, kaya ingatan mo ang sarili mo." Ramdam ko ang pagaalala sa boses niya. Yumakap siya sakin pagkatapos ay sumandal sa balikat ko, hinalikan ko naman ang noo niya. 'Tama ba itong gingawa ko? i should tell her the truth pero parang hindi ko kaya.' Sabi ko sa sarili habang dinadama ang mainit niyang katawan sa katawan ko. "I love you Lucas." Bulong nito. Ito ang unang beses niyang sabihin na mahal niya ako. Siguro kung hindi ko pa nalaman ang totoo, ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo "I love you too Sea." Sagot ko. 'Maybe this is not the right time to tell the truth. Sea still needs me.' ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD