"Nakita mo na ba ang CEO?" Lara randomly asked Kylene one boring day while she was photocopying memos to be distributed to the company's various departments.
"Si Mr. Villareal? Hindi pa. Kapag may meeting naman kasi, hanggang Manager level lang ang kasama. Saka may sariling elevator si Sir na diretso lang sa floor niya," sagot ni Kylene na kaunti lang ang tanda sa kanya.
Pansin niya rin na introvert ito. Hindi ito nakikisali sa mga ibang kasama nila sa department. Sa katunayan, binu-bully ito. Tinatambakan ng paper works na kung tutuusin, hindi na sana nito trabaho.
"Misteryoso rin pala siya kahit dito," bulong niya.
"Ano 'yon, Lara?"
"Wala," she said, shaking her head. Inilipat niya sa mesa ang mga papel at inumpisahang mag-sort.
"Heto pa. Kailangan ito in thirty minutes!"
Nagliparan ang mga inaayos ni Lara dahil pabagsak na inilapag ni Lizzie sa mesa niya ang isang makapal na folder.
Kung hindi tumalikod agad ang babae, nakita sana nito ang masakit na tinging ipinukol niya rito.
"Hayaan mo na," Kylene tapped her shoulders at kinuha ang folder.
"Kung hahayaan mo silang ganyan, kakaya-kayanin ka nila! Magkakapareho lang kayong Assistants!" sabi niyang napalakas ang boses.
Lumingon tuloy si Lizzie at nakataas ang kilay na naglakad pabalik sa kanya.
"Bakit? Ano ka ba rito? Hindi ba Assistant ka ng Assistant?" Binigyan siya nito ng tingin na humahagod mula ulo hanggang paa. "If I know, 'yang mga branded mong mga damit ay na-afford mo dahil sugar daddy mong mayaman na nagpasok sa 'yo rito!"
"At least marunong ka palang tumingin ng peke sa hindi," aniyang hindi na-intimidate sa katrabaho na mas mukha namang may sugar daddy kaysa sa kanya. "I am Kylene's Assistant! Not yours," kinuha niya ang folder mula kay Kylene at initsa ito pabalik kay Lizzie.
Dahil hindi nakapaghanda ang babaeng pasosyal, hindi nito nasalo ang folder at kumalat sa sahig ang mga dokumento.
"Lara!" sambit ni Kylene na nagulat sa inasta niya.
Hindi naman makapaniwala si Lizzie, agad itong umastang inapi dahilan para makuha nito ang simpatiya ng ilan pang kasama nila sa Departamento.
"What is going on?" Galit na tanong ng Supervisor nila na si Ms. Pascual. Nakatingin ito sa nakakalat na mga papeles sa sahig at sa kunwa'y mangiyak-ngiyak na si Lizzie.
"Ma'am, inihagis sa akin ni Lara ang folder. I was just asking her nicely if she could photocopy the files for me."
"Is that true, Ms. Andrade?"
"Yes, Ma'am," sagot niya. Nakataas-noo pa. Napasinghap ang mga katrabaho niya. Bakit? Akala ba ng mga ito, magpapaawa rin siya? Kung alam lang ng mga ito kung sino siya. "Except for one thing, she didn't ask me nicely, Ms. Pascual."
Napamulagat si Lizzie. Akala ata nito pipiyok siya. She was wrong. Hindi siya ang yuyuko sa mga kagaya nito. Si Migo nga na boss ng mga ito, gusto niyang hiwalayan!
Speaking of which, Lara reminded herself that she needed to have a word with him about the job that he gave her. Noong una, gusto niyang patunayan ang sarili niya kaya tinanggap niya ang trabaho.
Pero narealize niya, wala siyang mapapatunayan kay Migo kung xerox machine at filing cabinet lang ang araw-araw niyang kaharap.
"Nagsisinungaling siya!" protesta ni Lizzie.
Lara won that time. Kaso, mula noon ay naging mainit siya sa paningin ng mga katrabaho niya.
"'Yong sugar daddy mo ba ang naghatid sa 'yo, Lara?"
Kadarating lang ng dalaga ay bungad sa kanya ni Kendra, alipores ito ni Lizzie. Isa ring sosyalerang palaka na sablay naman sa pag mix and match ng outfit nito.
Wala silang uniform tuwing Friday. At ang attire ni Kendra ay violet na pants at yellow na blouse. Ice cream lang? Ube-cheese flavor?
Napangisi siya sa isip kaya 'di na niya pinatulan ang babae. Malamang nakita siya nitong umibis mula sa luxury car na pagmamay-ari ng boss nitong 'di nito nalalaman na asawa niya.
"Tell me, anong posisyon niya sa kompanya? Direktor ba?" Sumunod si Kendra hanggang sa p'westo niya.
"Ikaw na ang bahalang manghula," aniyang hindi na napipikon. She knew better than to stoop to their level.
"Gosh! Ilang libo ang allowance mo para maka-afford ka ng gano'ng sasakyan? At may driver pa!"
"Siguradong magaling 'yang maglambing sa kama," Lizzie butted in na kadarating lang pero mukha namang alam na alam na agad kung ano ang pinag-uusapan.
Kaso ang pang-iinsultong iyon na nanulas sa mga labi nito ay nagpaakyat ng dugo ni Lara sa ulo niya. For her, that was below the belt.
She counted down from ten para kalmahin ang sarili niya. Hindi siya ganoong babae. At lalong hindi niya gagawin ang ganoong bagay kay Miguel Villareal na bukod sa guardian niya bago niya naging asawa ay pagmamay-ari pa ng pinakamamahal niyang ate na yumao na.
"Tama ba ako, Lara?" Lumapit pa si Lizzie sa kanya habang ang mga kamao niya ay nakakuyom na. But the lady put a hand atop her clenched fist as she insulted her further, even whispering her next words right beside her ear. "You're a slut. Everything you have is from your indecent job of making an old man happy in bed."
"Why so silent, Lara? Did Lizzie hit a nerve?" gatong ni Kendra.
Sa inis, biglang tumayo si Lara. Hindi alintana na nakayuko pala sa kanya ang nakatukod pa ang kamay sa mesa niyang si Lizzie. The impact sent the latter staggering backwards habang sapo ang bibig nitong tinamaan sa biglaan niyang pagtayo.
"Aww!" Daing ng echoserang nagmamaganda lang naman. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makitang may dugo mula sa nabasag nitong red na red sa lipstick na labi.
Hindi niya ito pinansin. Hindi niya kasalanan iyon na nakaharang ito. Lara walked out of the room. She felt suffocated!
But that incident sent her to the HR office later that morning. Parang sa school lang? May guidance office?
"We don't tolerate this kind of behavior, Ms. Andrade!" sabi ni Ms. Salvacion. "Sinusubukan mo ba talaga ang pasensya ko? Napakarami na naming naging empleyado rito, pero ikaw ang bukod tanging hindi na nga dumaan sa tamang proseso ng pag-aaply ay may gana pang gumawa ng gulo sa trabaho!"
"You weren't there. But you're accusing me like you witnessed what happened first hand," aniyang hindi naman patatalo nang gano'n-gano'n lang.
"Really? So what is your account then?"
"Why would I bother to tell you if you're already convinced that I was the wrong one?"
Nagkibit lang ng balikat ang Manager. Tatandaan niya talaga ang mga ito at kapag nakakuha siya ng pagkakataon, isusumbong niya sila kay Miguel.
"Get back to work. I'll serve your memo before the day ends."
Pigil ang inis at pagnanais na sagutin pa ang babae na nagmartsa siya palabas ng opisina nito.
Lara would give it another few days. Kapag hindi niya nakasundo ang mga insecure niyang mga katrabaho, hindi na siya papasok pa sa trabaho. She will find herself a job na iva-value ang credentials niya at siya na rin bilang tao.
Because sadly, ang ini-expect niyang magandang working environment sa kompanya ni Migo ay wala. His employees were a bunch of insecure and trying hard socialites.
—--
Lara shouldn't have given them another chance. The next Monday, she was in Ms. Salvacion's office once again. Noon lang naibigay ang Memo niya na hindi nai-serve noong Friday.
"It's supposed to be a suspension, Ms. Andrade. But the Vice President for Human Resources disagreed to give you that kind of sanction," wika nitong malumanay naman pero ang tinig ay puno ng pagdududa. "And it got me thinking, why would she interfere with a small matter like your case?"
She didn't answer, hinayaan niya lang itong magsalita. Malay ba niya? Small matter lang naman pala, bakit kailangan pang i-accelerate sa level ng Vice President?
"Anyway, just sign this and submit a written explanation, Ms. Andrade," Ms. Salvacion continued.
Pumirma na lang si Lara para matapos na. Sa email naman ang explanation eh. I-cc niya kaya ang CEO?
Joke lang. Hindi niya alam ang email correspondence ni Migo. Numero nga hindi niya alam, email pa kaya?
At saka para anong purpose kung sakali? Para ipagmalaki rito na gumagawa siya ng gulo kahit Assistant to the Assistant lang siya?
"Hindi ka suspended?" salubong ni Lizzie na nagtatakang prenteng naupo lang siya pabalik sa pwesto niya.
"Hindi pa," mapang-asar siyang sumagot.
Inis na tumalikod ang babae at nagpatuloy sa trabaho nito.
Coffee break nang utusan siya ni Ms. Pascual na ibili ito ng kape sa coffee shop sa baba. She gladly obeyed para lang pansamantala ay mawala sa paningin niya sina Lizzie at Kendra na parang laging may pina-planong hindi maganda laban sa kanya.
Dahil afford naman niya ang mamahaling kape, she also bought for herself and Kylene. Pabalik na siya sa opisina at sa katunayan ay nakapasok na siya sa mismong area nila nang walang anu-ano ay banggain siya nang kunwa'y nagmamadali na si Kendra.
The coffee spilled on her and all over the floor…
Thirty minutes of mopping the floor later at isang malutong na incompetent na bulyaw mula kay Ms. Pascual, Lara found herself calling Chester Salas.
"Ain't your brother a Lawyer, Chester?" kaagad na bungad niya pagkakonekta pa lamang ng tawag sa kaibigan niya.