Napangisi si Lara habang sinisingit sa photocopied files para sa CEO ang annulment papers na pirmado na niya. She knew that annulment doesn't work like divorce but at least, the papers that she signed would let him know that she was dead serious about it.
Enough is enough. She was so done. If Miguel wouldn't take her seriously, then he should just let her on her own.
Hindi na niya ito kailangan dahil malaki na siya.
'That sounds so ungrateful, Lara,' maagap na banat ng isip niya.
Oo na. Utang niya kay Miguel lahat ng mayro'n siya ngayon. Pero hindi ba pwedeng hanggang doon na lang? Pabayaan na siya nito so she could live her own life away from him. Tutal naman, wala itong balak magpakita sa kanya!
Para saan ba ang pakasalan siya kung ni dulo ng buhok nito, hindi niya masilayan? Ni hindi ba sila pwedeng maging magkaibigan? What was Migo's reason for being so mysterious?
Aanuhin niya ba ito?
Lara was tired. She didn't want to do anything with Miguel anymore!
"Anong nginingiti-ngiti mo r'yan, Lara?" sita ni Kylene nang lumapit ito para kunin na ang pile ng folders na buong araw niyang tinrabaho.
"Wala naman," aniya. Pero nakangiti pa rin. "Sasabay ka ba mamaya? Hatid kita ulit sa inyo."
Malungkot na umiling ang babae. "Nagiging usap-usapan na rin ako, Lara. Pasensya ka na. Hindi muna ako sasabay sa 'yo. Pero 'wag mong isipin na naniniwala ako sa kanila ha? Hindi gano'n ang pakiramdam ko sa 'yo."
Nabura ang ngiti ni Lara. Nang mga nagdaang araw kasi, sinasabay niya sa pag-uwi si Kylene dahil along the way naman ang lugar nito. Nagpapasalamat pa nga ito dahil malaki raw ang natitipid nito sa pamasahe.
Akala niya nakakatulong siya. Iyon pala nakasama pa ang closeness nila. Hindi ba talaga siya titigilan ng mga insecure niyang ka-trabaho?
Kung gano’n ay tama lang na umalis na siya roon. Wala namang silbi ang pagtatrabaho niya bilang utusan sa kumpanya ng kanyang asawa. Kapag may nakaalam no’n, mas magiging katawa-tawa siya!
Imagine, asawa ng boss mo pero mas mababa ang posisyon sa ‘yo? Lara shook her head. Sana makita agad ni Migo ang annulment papers. Sinigurado niya na sa importanteng folder niya isiningit iyon.
“Sorry, Lara. Hindi naman sa ano, alam mo naman na okay na okay ka sa akin—”
“Ayos lang, Kylene.” Para hindi na ito makonsensya, nagpilit siya ng ngiti.
She suddenly missed Tasya and Chester. Hindi niya nabanggit sa huli kung ano ang sadya niya sa Abogado nitong kapatid. Busy ito nang tumawag siya kaya binigay na lang nito ang numerong kailangan niya.
Nagbilin naman siya kay Atty. Salas na ‘wag sasabihin kay Chester kung anong ikinunsulta niya. Tumupad naman ito sa usapan na sikreto iyon. Otherwise, baka sinugod na siya ng kaibigan niya. She had to ask another lawyer to draft the annulment papers for her. Kasi kapag si Atty. Baltazar ang aasahan niya, hindi niya kakampi ang matandang abogado.
“Salamat.”
Iniwan siya ni Kylene para dalhin sa Supervisor nila ang mga dokumento. Lara prayed na hindi na i-check pa ang mga iyon. Though sa ilang araw niya ro’n, kabisado na niya ang routine.
Kapag galing kay Miguel ang dokumento, dito rin babalik ang mga iyon na hindi na pinapakialaman pa maliban sa nautusang magkopya.
Pero mahigpit pa rin talaga ang panalangin niya na wala nang ibang bubuklat ng mga iyon. Ayaw naman niyang may makaalam na iba sa tunay na relasyon nila ni Migo.
Although, come to think of it, her referral came straight from the office of the CEO. Bakit walang nagdududa sa relasyon niya sa boss nila? Sa halip, pilit siyang ginagawan ng isyu na may sugar daddy siyang Direktor ng kumpanya.
Gustong matawa ni Lara, si Miguel Villareal ang sugar daddy niya mula noong pitong taong gulang pa lamang siya!
—--
“Lara, halika,” Ms. Pascual called her to her office the next day.
Sumunod naman siya kahit sa itsura pa lang nang mataas na bunton ng mga papeles sa mesa nito ay alam na niya ang iuutos nito.
“I-sort mo ang mga ito, by project. Okay?”
Tumango siya at dinala ang mga iyon sa mesa niya. Her life had never been so boring. Inaantok na siya habang ginagawa ang task niya sa araw na iyon.
She went to the pantry at ipinagtimpla ang sarili ng kape. Kailangan niya iyon kung gusto niyang manatiling gising.
“Ipagtimpla mo rin ako, Lara,” Lizzie said, passing by her area and putting another pile of paperworks on her table.
Dahil wala sa mood makipag-away, tumayo siya para sundin na lang ang babae. Lagyan kaya niya ng asin sa halip na asukal ang kape nito? O kaya, timplahin niya sa malamig na tubig?
Likas naman talaga siyang mabait, lalo kapag tulog. Kaya kahit ga’no pa ang inis niya kay Lizzie, tinimpla pa rin niya nang maayos ang kapeng hiniling nito.
Pero sadyang sutil ang siraulo. Inabutan pa niya itong ikinakalat ang ilang oras na niyang pinaghihirapang ayusin.
“Ooppss,” ani Lizzie sa mapang-asar na tono. “Lumipad sila, Lara. Mahangin kasi rito sa p’westo mo.”
Kagyat ang pag-akyat ng dugo sa ulo ng dalaga. All of a sudden, she saw red. Walang pasabing binitawan niya ang mainit na kape sa paanan mismo ng babae.
“Ouch! Lara!” Lizzie screamed nang tumalsik sa mga paa nitong naka-stockings ang mainit na kape. Buti na lang hindi babasagin ang coffee tumbler nito kung hindi, masasamahan pa ng sugat ang paso nito.
Pero lalo pang nanlaki ang mga mata nito nang atakehin niya ito nang sabunot.
Wala na siyang pakialam. The woman was too much already!
“Lara, you’re crazy! Help!” sigaw pa nito.
Nagkagulo sa department nila. May mga humihila sa kanya at may inilalayo si Lizzie. Galit na galit si Lara. Pero nang mahimasmasan naman ay kumalma siya. Umiiyak si Lizzie na hindi malaman ang gagawin sa paso nito. But when she saw Lara’s coffee on her table, hinagilap nito iyon at walang nakapag-anticipate nang isaboy nito iyon sa kanya—
—Eksenang inabutan ng mga boss nila.
Everybody returned to their respective work stations, saved for Lara and Lizzie. Si Lara, basa ng kape sa mukha at sa mamahalin niyang puting blusa. Hindi na gano’n kainit iyon pero mahapdi pa rin sa balat na pinapakapit pa lalo ng telang kumakapit na sa balat niya sa gawing dibdib niya.
Nevertheless, she didn’t scream.
Mas natututok ang pansin niya sa mga bagong dating. Si Ms. Pascual, si Ms. Salvacion, ‘yong Manager nila at isa pang pamilyar na lalaki na malamig ang pagkakatingin kahit na matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.
Gwapo. Hindi. Kulang ang salitang iyon. Gwapong nakakatakot ang mga tinging tila nanunuot sa kaluluwa. Pamilyar na mga tingin na huli niyang nakita sa uhaw sa hustisyang mga mata ng dapat ay magiging sa asawa ng ate niya eleven years ago.
When he held her by her little shoulders and swore to protect her.
Lara’s heart beat erratically inside her chest when their eyes met. Could he be…
“What is going on here?” dumagundong ang pamilyar na tinig nito sa napakatahimik na opisina.
Parang nawala ang mga tao sa paligid nila as realization hit Lara. She froze on her spot as Miguel Villareal stepped towards her like the Ice King himself, sending chills throughout her being.
Pakiramdam niya giniginaw siya as she felt her hands shaking.
She never expected to see her husband that way… What brought the mysterious CEO to his lowly staff’s cubicle?