CHAPTER 10
Fear
Kinusot ko ang aking mga mata habang bumaba ng hagdan. Nakita ko ang mga maid na nagkandarapa sa mga ginagawa nila. Nagpalinga-linga pa ako sa buong living room ngunit wala akong makitang Rafa.
“Good morning ma'am.” bati sa akin sa isa sa mga maid ni Rafa.
“Good morning manang.” ganting bati ko dito. Busy ito sa pagpupunas ng mga figurines na nakadisplay sa malaking divider dito sa living room.
I was about to go back upstairs when I didn't see Rafa but I turned around again to ask manang about him. “Ah manang, si Rafa?”
“Kanina pa umalis ma'am. May bagong transaction daw sila ngayon. Sabihin ko daw sa inyo.”
“Anong oras siya umalis?”
“Kaninang 9 am po.” napasinghap nalang ako sa sinasabi ni manang.
I looked at the large wall clock hanging on the wall next to the large divider.
Tama nga, tanghali na pala. Dahil sa ginagawa namin kagabi tinanghali tuloy ako ng gising. Napakamalas naman.
“Mag breakfast na po kayo ma'am. Dinalhan po kayo ng pagkain ni sir kanina sa room niyo pero tulog pa po daw kayo kaya ibinalik niya sa kitchen ang mga pagkain. Ibinilin din niya na hindi daw po kayo istorbuhin sa pagtulog dahil pagod daw kayo.”
Napanganga ako sa mahabang sinasabi ni manang. Ang tindi, kahit hindi ko tinatanong kusa niyang sinasabi. Tapos nakayuko pa siya na parang takot magkamali.
Tumango nalang ako. “Sige ho manang, salamat.”
“Ma'am. Bakit po kayo napagod?” biglang tumaas ang isang kilay ko dahil sa tanong niya.
“Wala naman po manang. Pagod lang talaga ako kahit walang ginagawa?” may question mark sa huling saad ko. Bakit niya ba tinatanong? Curios lang?
Hayop, hindi lang pala ‘to madaldal. Tsismosa din pala. Kagulat-gulat.
“Pero ma'am, sabi po ni Sir, sinamahan mo daw siyang kumain ng balot kagabi?” nanlaki ang mga mata ko sa mga salitang muling binigkas ni manang.
Siraulong Rafa ‘yon a! Sinabi niya talaga ‘yon?
Ngumiti ako ng alanganin.
“A-Ah oo manang, s-sinamahan ko siyang kumain ng b-balot kagabi.” utal-utal na sagot ko. Parang hindi ko kayang bigkasin sang salitang balot.
Asar!
“Okay po ma'am.” bumalik na uli siya sa pagpunas ng mga figurines.
Mabuti naman. Baka mapilitan akong ipalunok sa kanya lahat ng figurines. Joke. May respeto pa din naman ako sa matanda.
Dahil desmayado ako ngayong araw, gusto kong magpakamatay. Kaso biro lang. Hindi ko naman sasayangin ang buhay ko para lang sa walang kwentang dahilan. Para sa walang kwentang tao. Psh.
Gusto ko sanang umakyat sa taas ulit ngunit naisipan kong lumabas nalang ng bahay. Magmumuni-muni nalang ako sa labas dahil hindi ko pa kabisado ang lugar. Wala naman akong balak tumakas. Hindi pwedeng takasan ang isang Miranda. Pugot ulo ko pag nagkataon.
Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad. Ang ganda ng view. May mahabang daan mula sa malaking pintuan ng bahay patungo sa gate.
Puro bermuda ang magkabilang gilid nito. May mga bonsai tree din na nakahilera sa bawat gilid, at mukhang alagang-alaga.
Napakalinis ng buong paligid. Masyado ding malawak at may mga bulaklak din na nakapalibot sa buong bahay.
Sa sobrang pagkamangha ko ay umabot na ako sa gate. Nagpalinga-linga ako at wala akong nakitang guard kaya naisipan kong lumabas ng gate. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na akong makalabas. Para akong natanggalan ng lubid sa leeg.
It still feels good when you are free. And this time, I feel free. Even just for a moment.
Abot tainga ang ngiti ko nang makita ko ang kaunting taong naglalakad sa malinis na hallway sa labas. May mga sasakyan ding dumadaan pero kaunti lang.
Private kasi ang village na ito. May malaking gate sa dulo at meron din sa kabilang dulo. You can't just enter if you don't have an ID proving you're living here. St. Ana village.
Dahan-dahan lang akong humakbang dahil namamangha ako sa kalinisan ng buong paligid. Until something hit my sight on the other side of the road. A kitten. Small white kitten. It was stuck in a nara tree, but it looked like it was terrified.
Dahil sa awa at na-cute-tan din ako kaya ko naisipang lapitan ito. I was about to take a step to cross but suddenly a car passed by. Ang lakas ng pagpapatakbo ng driver dahilan ng muntikan kong ikamamatay.
Kung hindi dahil sa taong biglang humila sa akin pabalik ay baka nasasagasaan na ako ngayon at lasug-lasog na ang buo kong katawan. Dahil mabait ako, baka nasa heaven na ako ngayon.
“Fvck that car!” nawala ang kaba ko dahil sa malakas na boses sa likuran ko. Boses ng lalaking sumagip sa akin at parang pamilyar din ang boses niya.
Dahan-dahan akong lumingon at mangha kong tiningnan ang lalaki. Unti-unting sumilay ang ngiti ko nang masilayan ko ang gwapo niyang mukha. May hawak siyang phone habang nakatitig pa din sa kalsada kung saan dumaan ang kotseng muntik nang sumagasa sa akin.
“Rafa.” nakangiting sambit ko sa pangalan niya. Wala akong pakialam sa pagkunot ng noo niya. Masaya ako e. Masayang makita siya. Lundeh.
“Mat, find this car. ZD 8327 Audi Black. Bring the owner to me right now!” sigaw niya bigla. Then I noticed that he was talking to someone on the phone.
Bakit galit na galit siya? Inaano ko ba siya? Umiigting ang mga panga habang kuyom ang isang kamao. Parang hindi nga niya ako nakita dahil nakatingin lang siya sa daan kahit wala nang ibang kotseng dumaan.
“Rafa?” kinalabit ko siya. Para naman siyang natauhan at humarap sa akin.
Unti-unting naglaho ang galit niya at napapalitan ito ng pag-alala. Tinitigan niya ako at unti-unting may namuong luha sa mga mata niya.
“Juliana.” sambit niya sabay yakap sa akin.
Hala! Anong nangyari sa kanya? Bakit bigla nalang siyang umiiyak?
I just let him hug me even though I had no idea why he was acting like that. He looks very scared. Sobrang higpit din ng pagkayakap niya sa akin.
Sinapian na naman siguro ng kabaitan ang lalaking ‘to, at dahil nasobrahan, nakakatakot na tuloy.
“Uy, anyari?” tanong ko. Nanatili siyang nakayakap sa akin at naramdaman ko din na sobrang bigat ng paghinga niya. Baka gusto na namang makakain ng balot, kaya naglalambing.
“I'm scared. Please, don't do that again.” sobrang lambing ng boses niya. Nagtataka tuloy ako.
“Anong hindi gagawin ulit?” siraulo. Nililito lang ako lalo. Sarap upakan.
Bigla siyang kumalas sa pagkayakap sa akin at sinamaan ako ng tingin.
“Why did you do that? What if I don't get out of the car right away? Tanga ka ba, Juliana?” biglaang sigaw niya.
Ang pagtataka na nararamdaman ko kanina ay bigla nalang nawala at napapalitan ng inis. Parang umaakyat ang dugo sa ulo ko. Makatanga naman ang talipandas na ‘to.
“Anong sabi mo? Inaano ba kita?” asar! Happy na e. Bigla ba namang naninigaw. Sinabihan pa akong tanga. Tanga pala kapag natutuwang makita ang gwapo niyang mukha?
“P*tang*na naman Juliana! Muntikan kanang masasagasaan, katangahan pa din pinapairal mo!” muling sigaw niya na halos lumalabas na lahat ng ugat sa leeg niya.
Siraulong ‘to a. Nang-aano kahit hindi inaano.
Kinunutan ko siya ng noo. “Siraulo ka?”
“Ano?” kumunot din ang noo niya. Mas malalim kesa sakin. Hindi nagpapatalo a.
“I said, siraulo ka.” diin ko.
“Fvck, Juliana!”
“Fvck, fvck you! Sinasabi ko ba sayo na umuwi ka dito upang sigaw-sigawan mo ako?” nakapamaywang ako habang tinapatan ang galit niya.
“Ano?” aba matindi. Bingi.
“Ano? Aanuhin kita diyan e! Makita mo!” sigaw ko. Tumalikod ako upang puntahan ang kuting.
“Saan ka pupunta?”
“Aalis!”
“Ano? Saan?”
“Sa malayo. Yung malayung-malayo sayo.” sigaw ko habang humakbang paalis sa harapan niya. Mabuti nalang hindi umaalis ang kuting sa kinaroroonan nito.
“Juliana come back here!” muling sigaw niya.
“Manigas ka diyan!” Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin dahil hindi naman ako nakatingin sa kanya, pero parang malapit lang ang boses niya.
Paglapit ko sa kuting ay agad ko itong binuhat. Omo ang cute. Mana kay Rafa.
“What are you doing- AHHH!” Malakas na sigaw niya dahil pagharap ko ay agad kong ipinapakita ang kuting sa kanya.
Nagtataka lang ako dahil parang takot na takot siya. “Ilayo mo ‘yan sa akin, Juliana!”
“Ano?” siraulo! Kuting lang bakit parang lalabas ang mata niya sa sobrang gulat at takot. Takot?
Takot siya sa kuting?
Suddenly a smile flashed on my lips. “Takot ka sa kuting? Takot ka?”
Mabilis siyang lumayo kasabay ng pag-iwas niya ng tingin. “N-No!”
"Really?" I stepped closer to him. "Hold it-"
Hindi ko pa nga nailapit sa kanya ang kuting ay agad na siyang tumalon at sobrang sama ang tingin sa akin.
“JULIANA!” natatawa ako sa pagmumukha niya. Para siyang natatae.
Mas lalong lumawak ang pagngisi ko dahil sa natuklasan. Ang isang Rafael na mayabang, at antipatiko ay takot sa kuting? Aba matinding pananakot na gawin ko sa kanya kapag gagaguhin niya ako.
“Ilayo mo ‘yan! Itapon mo!” sigaw niya. He was ten steps away from me. Pero hindi naman siya umalis.
Raulo!
“Ayoko nga! Itatabi ko ‘to sa pagtulog mamayang gabi.” nagsimula na akong humakbang upang pumasok sa loob ng gate.
Dinaanan ko lang din siya dahil hindi naman siya makakalapit sa akin. Takot nga sa kuting.
Pagkatapos kong paliguan ang kuting ay binalot ko ito ng towel. Ang towel ni Rafa. Sarap kasi asarin non, tingnan natin kung makakapang-gago pa siya sa akin.
“Hello baby Orio. I'm your mommy Juliana.” I'm talking to the kitten. He seemed to understand because he waved his tail and meowed as well.
Ang cute.
“Wow, kuting.” tiningnan ko si Terence na nagmamadaling lumapit sa akin..kalalabas ko lang galing banyo dito sa unang palapag.
Inagaw niya ito sa akin. “Pakarga. Ang cute.”
“Hindi ka takot sa kuting?” tanong ko sa kanya. Malamang hindi. Kinarga nga diba?
“Takot na takot.” He replied sarcastically and kept his gaze on the kitten. “Anong pangalan niya?”
“Orio.” Mabilis kong tugon.
“Hi Orio. I'm your daddy Terrence.”
“Huy ano ka! He doesn't have a daddy yet.” suway ko at agad binawa ang kuting sa kamay niya. Ang lakas makapang-agaw.
“Ako nga ang daddy niya dahil hindi naman pwede si kuya dahil takot ‘yon sa kuting.” ay oo nga pala.
Rafa can't be Orio's daddy because he hates kittens.
“E di, lolo nalang siya ni Orio.” painosenting saad ko.
Nakita ko namang nagpipigil siya ng tawa at kinuha uli si Orio sa kamay ko. “Ako na mag papakain.”
“Pero-”
“Bye mommy Juliana.” nagbabye nga, tumalikod naman agad. Psh.
Humakbang nalang ako upang umakyat sa taas ngunit nakita ko ang maliit na hallway patungo sa kabilang dulo. Sa swimming pool kung saan ninakaw ni Rafa ang unang halik ko. Aksidenteng nanakaw pala.
Naisipan kong magtungo ulit dun dahil na miss ko ang mga magagandang bulaklak dun.
Pagpasok ko sa pinto ay pagtataka ang sumalubong sa akin. Nandito na naman ang grupo ni Rafa at ang mas malala, may binugbog silang isang lalaki.
“Alam mo ba kung sino ang muntikan mong masagasaan?” sigaw ni Rafa habang paulit-ulit na sinuntok ang lalaking halos maligo na nang dugo. “Asawa ko ‘yon! Asawa ko!”
Anong ginagawa nila?
“Rafa!” mabilis akong lumapit sa kanya at hinila siya. “Anong ginagawa mo?”
Ngunit hindi siya nakikinig sa akin. Hindi siya nagpapahila at patuloy lang siya sa ginagawa niya. “You fool! You're going to die!”
“RAFA!” muling sigaw ko dahil hindi talaga siya nakikinig. Anong klaseng lalaking ‘to? Bakit parang sa oras na ‘to umikot lang ang mundo niya sa gusto niyang gawin sa lalaki.
May isang lalaking lumapit sa akin. “Leave him alone, Juliana. You can't stop him when his ears are closed.”
Kinunutan ko siya ng noo. “Bakit hahayaan? Kung mapapatay niya ang lalaking ‘yan?”
His friends are just as dumb as he is. Kinkonsenti lang. Kung maka Juliana, feeling close.
“Hindi ‘yan. Maniwala ka.” hinila niya ako sa gilid ngunit nag-alala pa din ako sa ginagawa ni Rafa.
Para siyang galit na galit na lion habang walang humpay ang pagsuntok at tadyak niya sa kakawang lalaki.
“Your life or the life of your family is still lacking to pay for the only life I protect.” tumayo siya at isang napakalakas na tadyak ang ginawa niya dahilan para tuluyan na itong mawalan ng malay. “Die, asshole!”
I was stunned in front of them. He looks like someone else. His Expression was scary. He smiled like a criminal. Is this what Terrence says ‘HE? The hidden personality that Rafael already has?